Chapter 37

63 11 0
                                    

Chapter 37...Horror



Mary's Point of View

Wala silang kaalam-alam na papasok ako ngayong tanghali. Hindi kasi nila ako pinapasok kanina. Ayaw nila akong papasukin dahil hindi pa raw ako okay pero syempre, papasok pa rin ako. Boring kaya sa bahay. Naglalakad ako ngayon sa hallway at excited na makita sila kahit na baka nasa layasan sila dahil lunch time. Nang makarating ako sa tapat ng room, binuksan ko ang pinto.

"Hola everybody!" Masigla kong bati sa kanila.

Aba at nandito pa nga silang lahat. Sabagay maaga naman akong pumasok para maabutan ko sila.

Gulat na gulat ang mga itong tumingin sa akin.

"Mary?"

Lumapit ako sa kanila. "Hi guys! I'm back!"

Nagkatinginan silang lahat.

"Bakit ka pumasok? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Lumapit si Louise sa akin at sinuri ang noo at leeg ko kung mainit pa ba ako.

"Yes. Of course. Magaling mag-alaga si Alex eh."

Alam kong si Alex ang nag-alaga sa akin dahil kaninang madaling araw, nagising ako at nakita siyang binabantayan ako.

"Alam kong napuyat ka. Salamat sa pag-aalaga." I smiled at her but she didn't smile back. Tahimik lang itong nakatingin sa akin. "Huy. Salamat kako sa pag-aalaga mo. Na-appreciate ko sobra---" natigilan ako nang bigla niya akong niyakap. "Alex?"

"Finally. Bumalik na ang dating Mary. Sobra ka naming namiss."

Natawa ako. "Namiss ko rin kayo." Humiwalay ako at nakita ang kanyang namumuong luha. "Oh? Bakit parang naiiyak ka?"

"Kasi naman." She sniffed. "Sinong hindi maiiyak? Ang tahimik mo. Akala ko habang buhay ka nang magiging gano'n."

"Ay grabe habang buhay talaga?"

"Nako. Sa tunay, lagi iyang nag-aalala sa 'yo. Gustung-gusto kang kausapin kaso pinipigilan namin dahil alam naming ayaw mo."

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Louise. "Really?"

"Oo kaya. Sila kasi palagi akong pinipigilan."

Natawa sila sa kanya.

Bumuntong hininga ako. "Actually, gusto kong humingi ng tawad sa 'yo, Alex. Sorry sa nagawa ko kagabi. Hindi ko lang talaga nakontrol ang sarili ko."

Matamis siyang ngumiti. "Okay lang. Naiintindihan naman kita."

Tumingin ako sa iba. "Sorry din sa inyo. Sorry sa naging ugali ko nitong mga nakaraang araw. Pero gusto ko ring magpasalamat dahil nananatili pa rin kayong nandito para sa akin." Nginitian ko silang lahat. "I love you, guys."

Biruin mo, binalewala ko sila dahil nawalan ako ng isa pero sa kabila nito, inintindi pa rin nila ang sitwasyon ko at hinintay akong magbago. Damn, I'm so lucky to have them.

Masayang lumapit sa akin si Louise at niyakap ako. "Bwisit ka. Ang tagal naming hinintay na bumalik ka sa normal. Namiss ka naming lahat, sobra."

"Mabuti naman at ayos ka na. Masaya kami para sa 'yo." Nakangiting sabi ni Ryan.

"Salamat." Niyaya ko silang lahat na lumapit sa akin. "Come here. Namiss ko kayo dali group hug tayo."

Lumapit nga silang lahat at sabay-sabay naming niyakap ang isa't isa.

Bruise was right. Naging makasarili ako kaya hindi ko sila napapansin. Pero sa totoo lang, mas lumalakas ang loob ko ngayong kasama ko sila kumpara noong palagi akong mag-isa.

Pass or Die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon