Chapter 42...Valentine's Day
Alexandra's Point of View
Sabay-sabay kaming naglakad sa campus ngayong umaga para pumasok pero dahil araw ng mga puso ngayon, ayan ang mga tao. Agang-aga kanya-kanya ng mga bulaklak ang hawak.
"Wow. Mukhang nag-eenjoy ang lahat ah." Puna ni Louise sa paligid.
"Sana all." Si Ryan.
"Uh...excuse me."
Tumigil kaming lahat dahil sa isang babaeng humara sa daan. Inabot niya ang mga pulang rosas kay Mary na siyang ikinagulat naman nito.
"Para sa 'yo, Mary.
Hindi niya pa sure kung ituturo ang sarili. "Para sa akin? Bakit?"
"Pasasalamat ko dahil sa ginawa mo. Hindi kami napalayas sa village dahil sa 'yo. Maraming salamat talaga."
She chuckled and accepted the flowers. "I don't put up with teen pregnancy either. I just did what I had to do, but...thank you."
"Mmm. Happy Valentine's day ulit." Ngumiti muna ang babae bago umalis.
Kita kong kinain ni Mary ang isang rosas. Bakit ba sarap na sarap siya sa lasa niyon? Sobrang pakla kaya.
Lumiko kami sa hallway papunta sa aming classroom habang hinahayaan si Mary na tanggapin ang mga bulaklak na inaabot sa kanya. Kada hakbang niya may natatanggap siya. Natutuwa kaming mga kaibigan niya kasi nakikita naming marami pa rin ang nagmamahal sa kanya. Hindi talaga nila kinalimutang pasalamatan ang kaibigan namin.
Pagpasok namin sa room, tuloy pa rin ang pagbibigay nila ng bulaklak sa kanya. Halos pumapatak na ang iba sa dami habang ang mukha niya, nagtataka na.
"Bakit may paganito?" Nagulat siya matapos makita ang maraming pulang rosas sa ibabaw ng kanyang lamesa.
"Bigay namin sa 'yo." Sabi ng isa naming kaklase.
"Hala. Ang dami. Salamat sa inyo." Pinaypayan niya ang mga mata. "Grabe hindi ko ito inaasahan."
"Pasasalamat namin sa 'yo dahil sa mga ginawa mo para sa amin. Dahil hindi mo kami hinayaang palayasin sa village at prinotektahan mo kami sa lahat." Sabi naman ng isa.
"Aww. Akala ko ba mas gusto n'yo na ang assassin kesa sa akin?"
"Sila 'yon hindi kami. Para sa amin ikaw pa rin ang dahilan kung bakit kami nananatiling ligtas."
"Thank you so much guys. Sobrang na-appreciate ko."
Grabe. Kahit ako hindi inaasahang magiging ganito sila sa kanya. Deserve ni Mary ito dahil napakabuti niyang tao. Siya lang ang nakilala kong handa talagang sumugod mag-isa para sa kapakanan ng lahat.
"Oh ayan marami ka nang pagkain. Breakfast , lunch, and dinner." Biro ni Louise.
Balak ko pa naman sana siyang bigyan din kaso parang hindi na kailangan. Baka chocolates nalang ang ibigay ko mamaya since iyon ang hindi masyadong ibinigay sa kanya.
Wala kaming klase kasi tapos na ang last examination tapos may ganap pa. Heto. Nagkalat ang bawat isa sa amin. Si Louise lang ang kasama ko sa room dahil puro nasa ibang lupalop ng mundo ang iba.
"Hi guys!" Bati ni Jace na pumasok sa pinto.
"Nasaan si Nikki at Mary?""Umalis. Bakit?" Si Louise ang sumagot.
"Ngi. Sayang. Here." Inabot niya kay Louise ang tatlong bouquet na katamtaman lang ang laki. "Para sa inyo. Ikaw nalang ang bahalang magbigay sa iba kapag nakita mo sila."
![](https://img.wattpad.com/cover/178241364-288-k332839.jpg)
BINABASA MO ANG
Pass or Die?
Gizem / GerilimAlexandra Farzana is a 17-year-old normal girl student with a normal life. She doesn't believe that there is a real killer, not until she is the next victim. Her friend died and she can't do anything to save her life. She also witnessed how her fami...