Chapter 41...Dreams
Flashback...
Galit na galit kong pinatay ang mga kalaban dahil sila lang ang nakikita kong dahilan ng pagkamatay ni Gus. Gabi na pero hindi ako aalis dito hangga't nakikita sila ng mga mata ko. Hindi ako papayag na isa sa kanila ay mabubuhay.
Nang maubos silang lahat, hindi pa rin ako nakukuntento. Gusto ko pang pumatay, hindi pa sapat ang mga mantsa ng dugo sa aking katawan.
"Mary."
Tumingin ako kay Faith na naglalakad sa harapan ko palapit sa akin habang may hawak na payong.
"What do you want?" Malamig kong tanong.
"Kanina pa kitang pinapanood. Saksi ako kung paano mo sila ubusin sa loob ng mahabang oras at ngayong wala nang natira," nilibot niya ang paningin sa lupa na halos mapuno sa sobrang dami ng bangkay. "oras na siguro para magpahinga ka."
Mabilis akong nairita. "Huwang kang makialam kung ayaw mong maging isa sa kanila."
Kita ko siyang ngumisi bago ako talikuran. "Malakas ang ulan tapos duguan ka pa. Kung ayaw mong makita ng mga kaibigan mo ang sitwasyon mo, sumama ka muna sa akin ngayong gabi."
Nang mag-umpisa siyang lumakad, tumingin ako sa sarili. Kitang-kita ko ang dugo sa aking balat na hindi kayang alisin ng tubig-ulan kahit gaano ito kalakas. Maging ang mga kamay ko ay halos maging kulay pula na.
I thought about my friends. To keep them from worrying, I moved ahead to follow her. Alam kong mas lalo silang mag-aalala kapag hindi ako umuwi pero mas ayaw kong makita nila ang sitwasyon kong ito. Mas pipiliin ko na makita nila ako sa maayos na kondisyon.
Hinayaan ko ang tubig na pumatak sa ulo ko at gumapang pababa sa aking katawan. Bumabalik sa isipan ko ang araw kung kailan nakita ko si Gus. Nakahiga sa lupa at walang buhay. Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ba ito.
Kaya ako nananatiling nakatayo ay para lumaban. Gusto kong bumalik ang buhay ng lahat sa normal at kasama na doon ang buhay niya. Ngunit nahihirapan akong magpatuloy sa nangyari. Hindi deserve ni Gus ang nangyari sa kanya. Karapatan niyang mabuhay ng normal at masaya na ipinagkait na sa kanya noon pa.
Habang nakaupo sa harap ng salamin, bumukas ang pinto at pumasok si Faith. Hindi ko siya tinapunan ng tingin pero kita ko siya sa likuran ko sa pamamagitan ng salamin.
"May ibang rason kung bakit kita dinala dito."
Kinuha ko ang kutsilyo sa ibabaw ng lamesa. Nilaro ko ito saglit bago pinatak sa sahig. "I know. Sabihin mo na agad habang kalmado pa ako."
Bumalot sa tainga ko ang mahina niyang pagtawa. "Alam mo...mas maganda kung lalaban ka nang hindi ka nila makikilala. Especially the killer. Kapag hindi niya alam kung sino ka, mahihirapan siya at mapapadali ka naman." I watched her sit properly on the edge of the bed. "You want that?"
Nagsalubong ang kilay ko. "What are you trying to say?"
"Do you see those black things in front of you? Wear those and I guarantee that no one will recognize you."
Kinuha ko ang tinutukoy niyang mga gamit. Isa-isa ko itong sinuri hanggang sa napagtanto kong hindi ito sasapat sa gusto niyang mangyari.
"Kilala ako ng marami lalo na ng mga kaibigan ko. They will still recognize me even if I play pretend."
"You're right. Halos lahat ng tao sa eskwelahang iyon, kilala si Mary. Si Mary na nakasuot ng salamin at nakatali ang mahaba at magandang buhok." With her gaze on my gloomy face, she gave me a charming smile. "Kahit ako hindi na kita makilala."
![](https://img.wattpad.com/cover/178241364-288-k332839.jpg)
BINABASA MO ANG
Pass or Die?
Misterio / SuspensoAlexandra Farzana is a 17-year-old normal girl student with a normal life. She doesn't believe that there is a real killer, not until she is the next victim. Her friend died and she can't do anything to save her life. She also witnessed how her fami...