I stared unseeingly ahead.Ilang oras na bang wala si Louise?3?4?5?Hindi ko na alam.
Paano kung may masama na pa lang nangyari sa kanila,kanya?Ugghhh..Ayoko talaga ng ganito.Magmula ng paupuin ako ni Rio ay hindi na ako tumayo.Okupado ni Louise ang buong isip ko.
"Sam,anak,kumain ka muna."lumapit sa akin si Mama na may dalang isang sandwich at juice.
"Hindi po ako gutom,Ma."tipid na nginitian ko sya saka bumalik sa pagtunganga.
Nilapag ni Mama ang dala nya sa mesa at lumapit sa akin.Hinawakan nya ako sa ilalim ng baba saka pinaharap sa kanya.Tumingin lang ako sa kanya at ganoon din sya sakin.
"Babalik din sya,anak.Hindi papayag si Louise na malayo sa'yo.Ngayon pa ba na nagsisimula pa lang kayo?"pinigil ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.Alam ko gusto lang ni Mama na mapanatag ako pero hindi ko magawa.Hindi ko kaya hanggang hindi ko pa kasama si Louise.
"Ma..."humihikbi ng sabi ko.
"Sshhh...Halika magpahinga ka na muna sa kwarto nyo."Itinayo ako ni Mama saka iginaya papunta sa kwarto namin ni Louise.Inihiga nya ako sa kama,kinumutan at saka nagpaalam na.
Tama nga sila.
Alam ng ina kung ano ang kailangan ng isang anak kahit di pa sabihin nito.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha sa mga emosyon na nararamdaman ko.Pinabayaan ko lang ang pagtulo at wala na din akong lakas na pinusan ang mga iyun.Ilang sandali pa ay nakatulog na din ako.Pero kahit sa pagtulog ay hindi ako matahimik.Makailang beses akong naalimpungatan bago babalik ulit sa pagtulog dahil wala pa din si Louise.
"Nasaan sya?"narinig kong sabi ng isang boses mula sa ibaba ng bahay.
"Nasa kwarto nyo.Pinatulog muna ni Tita Alena dahil hindi namin alam kung kailan ka babalik."sagot ng isa pa.
"Good."parang nakahinga ng maluwag na sabi ni Louise.
Si Louise?
Napabangon ako bigla ng marealize kong si Louise nga ang nagsalita.Mabilis na inaalis ko ang kumot na nakatakip sa akin at saka bumaba.Nadatnan ko si Louise na nakaupo sa sofa at nakapatong ang ulo sa headrest habang makapikit.
"Louise."mahinang pagtawag ko sa kanya in case nakatulog na sya.
Inaagat ni Louise ang ulo nya at tumingin sa akin.Kitang-kita ang pagod at stress sa itsura nya.
"Hey,babe."isang ngiti ang ibinigay nya sakin bago iminosyon na lumapit ako sa kanya.Umupo ako sa tabi nya pero hinila nya ako at iniupo sa mga hita nya."Nagising ba kita?"tanong nya ng nakabaon ang mukha nya sa buhok ko.
"Hindi naman.Mababaw ang tulog ko kaya naramdaman ko agad ang pagdating mo."isiniksik ko pa ang mukha ko sa leeg nya at iniyakap ang mga braso ko sa katawan nya.
Gustong kong maramdaman na nandito sya.Na kasama ko na talaga sya at hindi panaginip lang.
Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso ni Louise sa katawan ko at ang paghila nya pang lalo sakin para magkalapit pa kami.Kulang na lang ay maging iisa ang katawan namin.Gusto ko sanang itanong kung ano ba ang ginawa nya pero itinikom ko na muna ang bibig ko.May mamaya pa naman para magtanong.
Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa maramdaman ko ang pantay na paghinga ni Louise.Alam kong tulog na sya kaya hindi ako nagtankang mag-iba ng pwesto.Kailangan naming dalawa 'to.Ang maramdaman ang init na mula sa bawat isa,hindi lang para sa amin kundi pati sa mga Lobo namin.Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukan na bumalik ulit sa pagtulog.Hindi naman ako nahirapan dahil agad ay naramdaman ko ang antok.
"I love you.."pabulong na sabi ko bago ako tuluyang makatulog.
A/N:
Short UD?
Medyo busy talaga ako ngayon at finals na namin.Babawi na lang ako next update.Tatapusin ko lang muba talaga lahat ng exams at mga projects ko.
THANKS sa inyo mga babies!!
Don't forget to VOTE and COMMENT.
Love,
ate ArraP.S. Kung di ko man po kayo nasasagot sa mga comment nyo,sorry.Nababasa ko naman po lahat na-uoverwhelm lang talaga ako kaya di ko alam ang sasabihin.Pero super thank you po.
LOVE YOU BABIES! <3
BINABASA MO ANG
The Future Luna
WerewolfSam's life was perfect.Pero lahat ng iyon ay nagbago ng mag-18 na sya at sa unang pagkakataon ay maging Lobo sya.Lalong nagbago ang lahat ng magdesisyon ang mga magulang nya na lumipat na sa probinsya kung saan lumaki ang mga ito.Doon din sa lugar n...