Naging busy si Louise sa mga gawain sa pack ng mga sumunod na araw.Madalas dinner na kapag umuuwi sya pagkatapos ay matutulog na sya sa sobrang pagod.Kitang-kita ko ang stress nya sa kung anuman ang nangyari noong nakaraan.Gusto kong tumulong kaya lang sa tuwing tatanungin ko sya ay iniiba nya ang usapan.Kagabi sinubukan ko ulit syang tanungin habang kumakain kami ng dinner.
"Kamusta ang pack?"isinubo ko ang pagkain sa kutsara ko.
"Okay lang."tipid na sagot nya."Anong ginawa mo kanina?"
Ito na naman sya.Iniiba na naman nya ang usapan.
"The usual.Nakipagkwentuhan kay Yumi,dumaan din kanina dito si Hannah at si Luisa.Okay na sila ni Yumi."sumubo ulit ako."Gusto mo bukas tulungan kita sa mga ginagawa mo?I can help you with the paper works."
"Wala ba kayong plano nila Yumi bukas?"kitang-kita ko ang biglang pag-tense nya sa suggestion ko.Para bang may itinatago sya.
"Wala naman.Actually,nagsasawa na nga silang kasama ako.Isa pa,palagi kang wala.Kung ayaw mong tulungan kita,sasama na lang ako sa pack house.Hindi ako makikialam."Inabot ko ang kamay nya."I just really...miss you."
Hindi sumagot si Louise.Tahimik na pinag-iisipan nya ang mga sinabi ko.I could hear my heart thundering against my chest.
"Samantha."he said through clench teeth."Hindi trabaho ng isang babae ang trabaho ng Alpha.Just stay here and stay safe.'Yun lang ang dapat na ginagawa mo."sabi nito sa flat na boses.
What the--
"Okay."uminom ako ng tubig at tumayo na ng hindi tinatapos ang pagkain."Matutulog na ako.Ilagay mo na lang sa lababo ang mga pinagkainan natin."
"Samantha."pagtawag nito sa kanya.
Hindi ko sya nilingon.Diretso lang akong naglakad papunta sa kwarto ko.Naiayos na iyun noong nakaraang linggo pa pero hindi ko pa ulit nagagamit,ngayon pa lang.
"Samantha,baby."Nagmadali ako sa pag-akyat at pagdating sa kwarto ko ay ni-lock ko agad ang pinto.
"Samantha,baby,buksan mo 'to."wika nito habang patuloy na kumakatok sa pinto.
Hindi ko sya pinansin.Kumuha ako ng tuwalya at pumasok na sa banyo.Pagkatapos kong maligo ay wala na din si Louise sa labas ng pinto.Napagod na yata sa kakakatok.
"Hindi trabaho ng isang babae ang trabaho ng Alpha."panggagaya ko sa sinabi nito kanina.Padabog na humiga ako sa kama."Argggg!!!"hinampas-hampas ko ang unan na hawak ko sa inis.
How could he be so sexist?Ugghhh..
"Ihampas ko sa kanya ang unan na 'to."
I could help you with that.biglang sabi ng Lobo ko.Ipapakita natin sa kanya na hindi tayo basta-bastang babae lang.Hindi tayo mapipiling Mate nya kung hindi natin sya kayang tulungan.
I know!Sa wakas ay nag-agree ka din sa akin.exasperated na sabi nya dito.
Matapos ang pag-uusap namin ng Lobo ko ay natulog na ako.Kailangan ko ng beauty rest para sa gagawin ko bukas.Ipapakita ko sa kanya na totoo ang sinabi ng Lobo ko.
Kinabukasan ay hindi ko pinuntahan si Louise sa kwarto nya para icheck kung gising na sya.Dumiretso ako sa kusina.Nagluto ako ng almusal namin pero hindi ko na hinintay pa sya.Nauna na akong kumain.Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng dumating sila Troy at ang ilang member ng pack.
"Luna."he nod curtly at her.Naiikot ko ang mata ko sa ginawa nya."Ang Alpha?"
Humigop muna ako ng kape bago ko sya sinagot.
BINABASA MO ANG
The Future Luna
WerewolfSam's life was perfect.Pero lahat ng iyon ay nagbago ng mag-18 na sya at sa unang pagkakataon ay maging Lobo sya.Lalong nagbago ang lahat ng magdesisyon ang mga magulang nya na lumipat na sa probinsya kung saan lumaki ang mga ito.Doon din sa lugar n...