Tanghali na ng magising ako kinabukasan.Naririnig ko ang iba't ibang ingay probinsya,huni ng ibon,ang mga dahon sa puno,at ang mga taong nagtatawanan at nagkikwetuhan.
Ang layo sa kinalakihan kong lugar sa city.Doon puro ingay ng sasakyan ang maririnig mo kapag umaga.
Tatayo na sana ako sa pagkakahiga ko sa kama ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.Bago pa man ako makabawi sa pagkagulat ay napaloob na.ako sa isang mahigpit na yakap.
"H-Hindi ako m-makahinga."tinapik ko ang balikat ng yumayakap sakin
Malawak ang ngiti ni Rio ng bitiwan nya na ako.
This is Demetrio,Rio for short.Best friend ko sya.Kahit hindi ako lumaki dito naging close kaming dalawa.Minsan kasi kapag may inaasikaso ang Alpha sa city madalas kasama sya dahil sya ang left hand man nito.
"Grabe ka!May balak ka bang patayin ako?"naglakad ako papunta sa CR.
Hello?Kagigising ko lang kaya.I'm sure may morning breath pa ako.
"In case hindi mo napapansin hindi ka na isang mahinang tao lang."tumatawang sabi nya.
Narinig kong ibinagsak nya ang katawan nya sa kama.Blame it on my enhance senses.Oo,enhance senses.As in malakas na padinig,sharper eyesight,malakas na pang-amoy at marami pang iba na.kasama.sa pagiging Taong Lobo.Kaya kahit nasa CR ako at sarado ang pinto naririnig ko sya.
"So anong plano mo ngayong araw na 'to?"sinundan nya ako ng tingin habang naglalakad ako papunta sa cabinet ko.
"I don't really know."sagot ko habang naghahanap ng damit na ipapalit sa pantulog ko.
"Good.Ibig sabihin nyan wala kang plano di ba?"nakaupo na sya at may expectant na look sa mukha nya.
"What do you have in mind?"nakangiting humarap ako sa kanya.
"Well,naisip ko lang pwede kitang ilibot sa lupain natin para maging pamilyar ka."gusto kong matawa dahil habang sinasabi nya yun iniiwasan nyang tumingin sakin.
"You mean,like,in our wolf form?"excited na tanong ko.Gusto ng lumabas ng Lobo ko.Pero since ng una akong magbago hindi pa sya nakakalabas.
"Kelan mo ba huling pinalabas ang Lobo mo?"natatawang tanong nya.
"Ahhh..Last week?"i smiled sheepishly.
Mahina syang tumawa.
"Kailangan mo na nga talagang ilabas sya bago ka pa nya unahan."
"Great!Let me just change first."kumuha ako ng isang bestida sa cabinet ko.
Pumasok uli ako sa banyo para magpalit ng damit pagkatapos baba na kami.Wala sila Mama sa bahay ng bumaba kami.Ang sabi ni Rio nasalubong nya daw silang papunta sa Pack House,parang office/prison/conference room ng Blue Moon.Hindi na ako nagbreakfast dahil hindi talaga ako nagbi-breakfast.
Dumiretso kami ni Rio sa likod ng bahay kung saan nandoon ang mga puno.Pumili kami ng tag-isang puno namin at sa likod non ay naghubad kami ng damit.After kung hubadin yung damit ko nilagay ko sya sa bag na dala ko.Then i shifted to my wolf form.
Kulay golden brown ang Lobo ko.Hindi ko alam kung paano nangyari yun dahil kulay itim ang mahaba kung buhok.Kadalasan kasi kung anong kulay ng mata mo o buhok mo yun ang kulay ng Lobo mo sabi ni Mama.
"Sumunod ka lang sakin."narinig ko ang boses ni Rio sa isip ko.
Yap.Nakakapag-usap kami gamit ang isip namin.Isa yun sa mga katangian ng pagiging Taong Lobo.
Nag-umpisa na kaming tumakbo ni Rio.Inilibot nya ako at ipinakilala sa ibang myembro ng Blue Moon.Pagkatapos ay ang hangganan naman ng teritoryo ng Blue Moon ang pinakit nya sakin.
After almost 2hrs ng pagtakbo,umuwi na kami ni Rio.Pumunta ako sa likod ng isang puno at bumalik sa katawan tao ko.
"Shit!"malakas na napamura si Rio.
"Bakit?"tanong ko pagkatapos kung magbihis.
"Pinapatawag ako sa Pack House.Nawala sa isip ko kung anong araw ngayon."nauna na syang maglakad.papunta sa bahay.
"Ano bang meron ngayon?"kunot noong tanong ko.
"Mamayang gabi na kasi ipapasa ni Alpha Marcus kay Louise ang pagiging pinuno ng Blue Moon."
Si Louise ang panganay na anak ni Alpha Marcus.Hindi ko pa sya nakikilala pero ang sabi nila kamukha nya daw ang ama nya.Pero nagmana daw siya sa ina nya.
"Aalis na ako,Sammy."i smiled ng marinig ko ang nick name nya sakin.
"Sige."nag-wave ako sa kanya.Magkikita din naman uli kami mamaya sa party para kay Louise.Lahat kasi dapat pumunta maliban na lang sa mga may duty na mag-patrol sa paligid ng teritoryo.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at naghanda ng lunch ko.Wala pa din kasi sila Mama.Baka nasa Pack House din sila at tumutulong.
After kong kumain pumunta na uli ako sa kwarto ko.Matutulog na lang uli ako para kahit gabihin ang party mamaya hindi ako aantukin.
A/N:
So guys what do you think about this?Panget ba or panget talaga?ahehe
Please let me know what you think.
Arra
(^_^)
BINABASA MO ANG
The Future Luna
Hombres LoboSam's life was perfect.Pero lahat ng iyon ay nagbago ng mag-18 na sya at sa unang pagkakataon ay maging Lobo sya.Lalong nagbago ang lahat ng magdesisyon ang mga magulang nya na lumipat na sa probinsya kung saan lumaki ang mga ito.Doon din sa lugar n...