Chapter 22

16.9K 412 9
                                    

"Mami-miss kita."naka-pout na sabi ni Callie saka yumakap sakin.Paulit-ulit sya pagsabi sa akin kung gaano nya ako mami-miss mula ng malaman nya kahapon na aalis na ako.Hindi ko alam kung pang-ilan na 'to.

Lumingon ako ng maramdaman kong hinawakan ni Louise ang kamay ko.Bumitaw naman ako kay Callie para mapalapit pa kay Louise.

"Pwede kayong dumalaw sa teritoryo namin.Bukas ang imbitasyon kahit kailan pa.Lalo na at isang malaking pabor ang nagawa nyo para sa amin,lalo na sa akin."punung-puno ng emosyon ang mata ni Louise ng tumingin sya sakin matapos nyang sabihin 'yun.

I bit my lip to supress the smile at how sweet that was.My heart clench and my cheeks heated giving me away.

"Awww...Ang sweet!"kinikilig na sabi ni Callie."I'm so happy na okay na kayong dalawa."

"Me,too."nakangiting sabi ni Louise.

"Louise matagal pa ba kayo?"sigaw ni Troy.

I rolled my eyes at him.Simula ng dumating sila dito kating-kati na si Troy na umalis.Sabi ni Papa ayaw daw sana nyang sumama pero wala syang nagawa dahil hindi din gusto ni Rio ang sumama.Hindi kasi maiwan ni Rio si Yumi dahil kailan pa lang sila nagkakilala.

"Bakit kaya hindi ka mauna kung hindi ka makapaghintay?"sagot ko sa kanya.

"Samantha."pagsaway sakin ni Papa.

"Sige na.Baka may pupuntahan pa si Troy kaya nagmamadali sya."nakangiting sabi ni Callie pero kay Troy sya nakatingin.Nakangiti din si Viktor na halatang nag-ienjoy sa ginagawa kong pambabara kay Troy mula ng magkita kami.

Pagkatapos ng ilan pang pamamaalam ay nakaalis na din kami.Umupo ako sa likod katabi ni Louise habang si Papa naman ay sa tabi ng driver na isang member ng Blue Moon.Si Troy naman sumakay sa kotseng nasa harap namin.Baka daw baliw na sya pag-uwi kapag nagsama kami sa isang sasakyan ng matagal.Limang sasakyan ang nagamit namin kasama na ang sinakyan ng ilang member ng Blue Moon na sumama kay Louise para sunduin ako.

I put my head on Louise shoulder and not long after that I feel asleep.Nang makarating kami sa teritoryo ng Blue Moon pack ay nadatnan namin si Mama,Rio at Yumi,Alpha Marcus at Luna Bettina,Hannah at Khris at ang iba pang member ng pack na naghihintay samin.Yumakap lang ako kay Mama at bumati sa iba bago ako hinila ni Louise at pinapasok na sa bahay.

Kumunot ang noo ko ng sa kwarto nya ako pinapasok at hindi sa kwarto ko.

"T-Teka."hinila ko ang kamay ni Louise na nakahawak sakin para mapigilan sya sa pagpasok."B-Bakit dito?Sa kwarto ko n--"

"I want you here.Kahit sa couch na ako at sa kama ka basta nasa iisang kwarto tayo."iginaya nya na ako papasok."Isa pa,nasira ko ang kwarto mo at hindi ko pa 'yun napapaayos."

Ahh.Kaya naman pala.Akala ko naman gusto nya ng tapusin ang Mating.Nasira nya pala ang kwarto ko..

"WHAAATT?!!!"hindi makapaniwalang sabi ko ng mag-sink na sakin ang sinabi nya."Anong ginawa mo?"tinanggal ko ang kamay kong hawak nya.

Bumuntong-hininga si Louise bago nagsalita.

"I'm sorry,baby.I just got out of control when I couldn't find you."humakbang sya palapit sa akin."You don't know how hard it is for me when I found out that you left me.I keep on thinking that you went with that guy."halos pabulong na sabi nya.

Kitang-kita sa mukha ni Louise ang lungkot na naramdaman nya ng iwan ko sya.Hindi ko napigilan ang sarili ko.Hinila ko ang tshirt na suot nya para magkalapit ang mga mukha namin.

"Ako ang dapat mag-sorry."pinagdikit ko ang mga noo namin at tumingin ako ng diretso sa mga mata nya."I'm sorry.I'm so sorry.Hindi ko na uulitin 'yun.Babawi ako sa'yo.Hindi na ako aalis."I close my eyes to stop the tears.

I feel his hand lightly sweep across my cheek.

"At hindi din ako papayag na mawala ka pa."mahinang sabi nya bago hinalikan ang noo ko.Gumuhit ang isang ngiti sa labi ko dahil sa contentment na nararamdaman ko.Para bang wala na akong iba pang mahihiling sa buhay sa oras na 'to.

After our little moment,I went to the bathroom and do my night rituals.Paglabas ko si Louise naman ang sumunod.

I pull my blanket over my head and settle in the bed.I feel Louise step out of the bathroom and enter the closet.Hindi ko alam kung bakit pero hinihintay ko ang bawat paggalaw nya.Half hour na siguro ang nakalipas pero hindi pa rin ako makatulog.Naiinis na inalis ko ang pagkakatakip ko ng kumot sa akin at umupo.

Kinagat ko ang labi ko habang nag-iisip kong gagawin ko ba talaga 'to.Pero,kasi naman,baka ito lang 'yung way para makatulog ako.Aaiisshh...!

"L-Louise."nag-aalangang sabi ko.

"Hmmm?"nakapikit na sagot nya.Nakahiga na sya sa couch at nakapatong ang braso nya sa mukha nya.

"Ahmm..ahhmm."

Iniangat ni Louise ang braso nyang nakatakip sa mukha nya at tinignan ako.

"May kailangan ka ba?"nakaupo ng tanong nya.

"Ahmm,a-ano kasi..ahmm,p-pwede bang..pwedebangtabitayongmatulog?"mabilis na sabi ko at umiwas ng tingin.Nararamdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko at nagpapasalamat akong madilim.

Tumaas ang kilay ni Louise at tumaas ang isang sulok ng labi nya.Mukhang pinagtatawanan pa ako.

"Ahh..Never mind na lang pala."humiga ulit ako at nagtakip ng kumot.Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit na matulog.

"Hindi ko na dapat sinabi pa 'yun.Dapat natulog na lang ako.Ayyy!!!Nakakainis!!"nanggigil na sabi ko sa isip ko.

Walang masama sa ginawa mo.pagkonsola ng Lobo ko.

Shut up!Hindi ikaw ang kausap ko.Hindi na sumagot ang Lobo ko kaya hindi na rin ako nagtangkang kausapin sya.

Nanigas ako sa kama ng mawala ang kumot na tumatakip sa akin at humiga si Louise sa tabi ko.Yumakap ang kamay nya sa bewang na lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.Hinila nya ako at idinikit ng mabuti sa katawan nya.I could feel every muscle of his body,the movement of his chest while breathing,with how close we are.Then he pull the blanket over us.

"Good night,Samatha."bulong ni Louise sa may tenga ko.

Ilang sandali pa naramdaman ko na ang banayad na paghinga ni Louise at alam kong nakatulog na sya.Akala ko hindi din ako makakatulog pero katulad ni Louise naging mahimbing din ang pagtulog ko katabi nya.

A/N:

Tadaaaaannnn!!!

Ayan na ang UD,baby.Sorry kung late sya.Dapat nong nakaraan ko pa 'to napost kaso sa phone lang ako nagtatype dahil busy sa school at sinisingit ko lang.SO SORRY,babies.

SUPER THANK YOU po sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa story na 'to.Umabot na po tayo sa top10 ng Werewolf category.

Please VOTE and COMMENT.

Love always,
ate Arra
#babylove

The Future LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon