Humihingal na humiga ako sa blue mat na nandito sa gym malapit sa Pack House.Kanina pa kami nandito ni Rio at nagti-training.Actually,tini-train nya ako.Hindi lang naman ako ang nagti-training sa pack pati ang ibang mga bagong kuha lang ng Lobo nila.Ang kaibahan nga lang 13yrs. old sila at ako ay 18 na.Pero sa palagay ko dahil din sa ako ang Mate ng Alpha kaya hindi ako isinabay sa kanila.
"C'mon,Sammy.Kakasimula pa lang natin."pagtukso sakin ni Rio.
Parang gusto ko nang ipalit 'yung mukha ni Rio sa punching bag.Kanina pa kaya kami dito nagpapalitan ng mga suntok at sipa.Tinanong ko sya kung bakit kailangan pa namin nito eh para naman na kaming si Superman sa lakas.Apparently,hindi 'yun sapat kapag inatake kami ng ibang mga Taong-Lobo.May point naman sya.Pero parang gusto ng magwelga ng mga muscles ko sa mga ginagawa namin.
"Shut up,Rio.Can't you see malapit na akong himatayin sa pagod?"tinignan ko sya ng masama.
Malakas na tumawa sya at umupo sa tabi ko.
"Buti na lang talaga ikaw ang Luna namin."
I scoff at what he said.
"Ano namang mabuti doon?"
"Dahil may mga guards na magbabantay sa'yo.Hindi mo na poproblemahin ang paglaban kapag inatake tayo."
"Wow!Sana sinabi mo na lang na may excuse akong maging mahina."sarkastikong sagot ko na tinawanan lang nya.
Ilang saglit pa kaming nagpahinga ni Rio bago bumalik sa pagti-training.
Sa totoo lang,nagtataka ako kung bakit si Rio at hindi si Louise ang trainer ko.Simula kasi ng malaman nyang ako ang Mate nya wala ng ibang lalaki ang nakalapit sakin maliban kay Rio,dahil lang 'yun sa sya ang guard ko,at kay Papa.
Speaking of Louise,hindi ko pa sya nakikita mula ng gabing sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Calvien.Its like iniiwasan nyang magpunta sa kung saan man ako pupunta.Hinanap na sya ng Lobo ko pero tina-try ko i-ignore 'yun.Pero minsan parang gusto ko na.syang puntahan at bawiin ang lahat ng sinabi ko.
Kasalanan mo 'to eh.angil ng Lobo ko.
Hindi ko na sya pinansin at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa ginagawa namin ni Rio.Pero na-distract na yata ako talaga sa pag-iisip kay Louise kaya hindi ko naiwasan ang sipa ni Rio.
Tumama ang paa ni Rio sa kanan ng dibdib ko kaya tumalsik ako papunta sa kaliwa.
"Sh*t!"agad akong nilapitan ni Rio.
Biglang parang ang hirap huminga.Ang lakas ng sipa ni Rio kaya malamang may nabali sa ribs ko.Hawak-hawak ko ang part na nasipa nya at pinipilit kong umupo.
"Sammy."bakas ang pag-aalala sa mukha nya."Sh*t,sorry!Hindi ko sinasadya."
"O-Okay l-lang."pinigilan ko ang paghikbi ng dahil sa sakit.
Alam ko naman na gagaling din 'to pero ang sakit talaga ngayon eh.
"Sam!!?Sammy wake up!!"naramdaman ko ang pagtapik ni Rio sa pisngi ko.
Hindi ko magawang sumagot kay Rio dahil sa sakit.Nararamdaman ko ang unti-unting pagbigay ng katawan ko sa sakit.
"Sam?!?"nagpa-panic na ang boses ni Rio.
Iyan na ang huling naalala ko dahil nagdilim na ang lahat.
Louise's POV
"Gaano katagal kaya bago mo matapos basahin 'yang isang sentence na 'yan?"
Iniangat ko ang tingin ko mula sa hawak kong documents papunta kay Troy na nakaupo sa visitor's couch nitong office ko.Nakangisi sya at alam kong alam nyang wala sa binabasa ko ang isip ko.
BINABASA MO ANG
The Future Luna
WerewolfSam's life was perfect.Pero lahat ng iyon ay nagbago ng mag-18 na sya at sa unang pagkakataon ay maging Lobo sya.Lalong nagbago ang lahat ng magdesisyon ang mga magulang nya na lumipat na sa probinsya kung saan lumaki ang mga ito.Doon din sa lugar n...