Chapter 7

21.4K 574 20
                                    

Pinagtitinginan ako ng lahat pagdating ko sa Pack House.Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng Lobo ko.Siguro ito 'yung tinatawag nilang koneksyon ng mga Lobo namin.Kaya alam ng Lobo ko na nandito si Louise.

Dahil sa pagmamadali ko kanina ay hindi ako nakapagdala ng extrang damit.Nasira naman kasi 'yung suot kong damit ng maging Lobo ako.Nang mapansin ako ng ibang myembro na nakatago sa likod ng isang puno ay nahulaan agad nila ang problema ko.

Madilim ang mukhang lumabas ng Pack House si Louise na may dalang isang T-Shirt.

"Bakit nagpunta ka dito ng ganyan ang itsura?" kahit sa isip ko nakaangil pa din syang magsalita.

Hindi na ako sumagot.Kinuha ko na lang ang dala nyang T-Shirt at isinuot iyun.

I can smell Louise's scent on the shirt.Siguradong sa kanya ang T-Shirt na 'to.Malaki sya sakin at umabot hanggang sa mid-thigh ko.Hindi na ako nagtaka dahil malaki sa akin si Louise.Kahit na malaki na ako sa height ko.

Siguro isa 'to sa mga trait ng mga katulad naming Taong-Lobo.Napansin ko kasing malalaki kesa sa normal na height ang mga tao dito.Parang 'yung mga teenager para silang mga adult na sa pangagatawan.

"Halika na sa loob."malamig na sabi ni Louise at hinawakan ako sa siko.

Napalayo ako bigla sa kanya ng maramdaman ko ang parang kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng hawakan nya ako.

"S-Sorry."sabi ko at nauna ng pumasok sa loob ng Pack House.

Pumasok kami sa isang room sa loob ng Pack House.I assume na ito ang office ni Louise dahil mas malakas at nangingibabaw ang scent nya dito.

Umupo ako sa visitor's couch.Malayo sa table ni Louise kung saan pinili nyang umupo.

"Wow.This is a surprise."nakangising pumasok kasunod namin ang Beta ng grupo na si Troy."Dinalaw tayo ng Luna natin."

Tinignan ko sya ng masama.Ngayon lang kami nagkausap at nagkasama ng ganito ni Troy pero mukhang hindi kami magkakasundo.

"Troy."narinig kong sabi ni Louise.

Itinaas lang ni Troy ang dalawang kamay na parang sinasabing sumusuko na sya.I rolled my eyes at that.

"Nagtataka lang naman ako kung bakit naligaw siya dito.Eh kagabi parang gusto nya ng tumakbo palayo dito sa lugar natin."

"Kung anuman ang ipinunta ko dito wala ka ng pakialam.Hindi naman ikaw ang Alpha di ba?Kaya pwede ka ng lumabas ngayon dahil hindi ka kailangan dito."nginitian ko pa sya ng pagkatamis-tamis.

I heard him growl and his already black pupils became darker.Natakot ako na baka bigla nya akong sugurin pero nanatili lang akong nakaupo at nakangiti sa kanya.Kasalanan nya naman.Maayos akong pumunta dito tapos pagsasalitaan nya ako ng hindi maganda.

Nakita kong napabuga ng hangin si Louise.

"Troy,sige na.Iwan mo na kami."sabi ni Louise.

Tinapunan ako ng masamang tingin ni Troy bago sya tuluyang lumabas.Nginitian ko na naman sya na alam kong lalong makakapagpainis sa kanya.

Natawa ako ng malakas ng makarinig akong ng malakas na pagbagsak ng ewan ko kung ano sa labas.Sigurado kasi akong si Troy 'yun at kung anuman ang nasira nya ay wala akong pakialam.

"I'm glad you find that amusing."seryosong sabi ni Louise habang tinitignan ako ng mabuti.

Nagkibit-balikat ako.

"It's not really my fault na pikon sya.Besides,sya ang nauna kaya wag ako ang sisihin mo."mataray na sagot ko.

Hindi pinansin ni Louise ang sinabi ko.Tumayo sya sa pagkakaupo nya sa mesa at lumipat sa upuan na nasa likod ng mesa nya.

The Future LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon