Chapter 26

15.5K 367 14
                                    

Humantong kami nila Hannah sa may ilog.Ngayon ko lang nalaman na meron palang ganito na malapit lang.Lagpas ng kunti sa boundary ng Blue Moon kaya may kasama din kaming ilang guard.Ayaw kasing pumayag ni Louise na pumunta kami dito ng kami lang.Given na kasama namin si Rio,Luisa,Benj at Khris,he still wanna make sure we're safe,that i'm safe.

Nilatag namin ang dala namin picnic mat at iniayos ang mga pagkain.Umupo lang ako sa mat at kumuha ng isang slice ng cake habang ang iba ay nagpasyang maligo sa ilog.Hindi ko naman sila masisi dahil sobrang linaw ng tubig tapos ang init pa ng panahon.

"This place is soooo amazing!"tuwang-tuwang sabi ni Yumi saka umupo sa tabi ko.Napangiti ako sa kanya.Kahit kailan talaga excited sya.

"I'm glad you like it."sabi ni Rio na umupo din sa tabi ni Yumi at niyakap pa ito.Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Yumi kay Rio ng halikan sya nito sa sentido.

Masaya ako na pumayag ang parents ni Yumi na dumito muna sya habang walang pasok.Nabigyan sila ni Rio ng panahon magkakilala.Sana lang maayos ang lahat bago pa dumating ang araw ng pag-alis ni Yumi.

"Kaya lang hindi ba kayo naiilang na may nakabantay sa atin?"nakasimangot na bulong ni Yumi.

"Not really."sagot ko.Kahit paano ay nasanay na din ako na laging may nakasunod sa akin."Talaga lang protective si Louise."

Puno ng sympathy na nginitian ako ni Yumi.Naiintindihan nya na hindi ako sanay sa ganito at na pinapabayaan ko lang dahil kay Louise.

"Para naman sa'yo ang ginagawa ni Louise."hindi nakalagpas sa akin ang ibig sabihin ng sinabi ni Rio.

Para sa akin na ayaw nyang sabihin ang mga nangyayari?How is making me ignorant from what is really happening keeping safe?

"Still,sana sabihin nya sakin ang totoong nangyayari.Maiintindihan ko naman eh."malungkot na sagot ko habang nilalaro ng tinidor ang icing sa kinakain kong cake.

"I'll talk to him."sambit ni Rio.

"Hindi na.Baka mapaaway ka pa.Ako nga hindi nya pinakinggan eh."

Hindi na sumagot pa si Rio.Ayoko sanang idamay sya sa bigat ng nararamdaman ko pero hindi ko talaga maiwasan.

Maya-maya pa ay umahon si Hannah at lumapit sa amin para yayain kaming maligo.Tumanggi ako dahil wala akong dalang pamalit na damit at wala din ako sa mood.

"Hindi na lang din ako sasama.Para naman may kakwentuhan ka dito."offer ni Yumi.

"Sumama ka na.Okay lang ako dito.Gusto ko din kasing matulog."pagtanggi ko.

"Hayy naku..Kung matutulog ka lang sana sa bahay nyo na lang may aircon pa.Matatahimik pa 'yung ewan kong kapatid."ani Hannah.

"I like the fresh air."dahilan ko.

"Oo na lang."nakangising sabi ni Hannah saka nagyaya ng maligo.Naiiling na sinundan ko lang sila ng tingin.

Inubos ko muna ang kinakain ko bago ako nahiga.Hindi ako nagsisinungaling kanina,gusto ko ang sariwang hangin.Although fresh naman ang hangin dito sa province iba lang talaga kapag nakakalabas ako kasama ang mga kaibigan ko.

"Samantha!"tinapik ko ang kamay ng tumatawag sa akin."Samantha!Samantha!Sam wake up!"

"Rio,ano ba--"I stop what I was going to say when I saw the urgency in Rio.

"Sam we have to leave.His here."paliwanag ni Rio.

"Who's here?"kinusot-kusot ko ang mata ko para mawala ang antok ko.

"Si Calvien."Hinila nya ako patayo."Hindi ko alam kung paano nya nalaman na nandito tayo.Pero nasabi ko na kay Louise ang nangyayari.He's coming."

"Nasaan ang iba?"tanong ko ng mag-umpisa na kaming tumakbo.Naka palibot na sa amin ang mga kasama naming guards.Ang iba dala ay ang mga ginamit namin kanina.

"Nauna na sila."

"Si Yumi?"nag-aalalang tanong ko.

"Pinauna ko na din.I let Gary carry him to make sure you're safe."tukoy nito sa isa sa mga kasama naming guard.

"Gaano kalayo pa sila dito?"Nang hindi sumagot si Rio ay kinabahan ako.

Nag-concentrate na lang ako sa pagtakbo.Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang border ng Blue Moon.Mula sa kung saan ay lumitaw si Louise at mabilis na lumapit na sa amin.

"Samantha."his voice full of concern as he wrap me in his arm and buried his face in my hair.I let him hold me for a little while and then push him off me.

"Okay lang ako,Louise."

He just look at me then turn his attention to Rio.

"Dalhin mo na sya sa bahay.Nandoon na sila Yumi."utos nya dito.

"Wait."hinila ko ang braso kong hawak na ni Rio."Hindi ka sasama?"

Hindi agad sya sumagot.He look at Rio and then back at me.

"I am the Alpha,Samantha.I need to stay here to lead my pack and make sure everything is okay."seryosong sabi nya.

Tinitigan ko sya.

May point sya,he is the Alpha,the leader.Lahat umaasa sa pamumuno nya.But I want him safe too.I don't like the feeling of just waiting for him everytime something occurs.

"Then,i'm staying here with you."matigas na sabi ko.

"Samantha."
"Sammy."sabay na sabi  nila ni Rio.

"No!I'm your mate and that makes me the Luna.So i'm not just gonna sit at home and wait."lumapit ako kay Louise at hinawakan ang kanang pisngi nya."I can't go through that again.Hindi ko na kayang maupo na lang at maghintay ng hindi ko alam ang nangyayari sa'yo.I..I c-can't---"

Hindi na natapos ang sasabihin ko ng kabigin ni Louise ang ulo ko at pagdikitin ang mga labi namin.Nawala na sa isip namin na may mga kasama nga pala kami ng maramdaman ko ang init ng halik nya.

The kiss was gentle yet I can feel passion.I wrap my arms around his neck and pull him closer.While he wrap his arm around my waist to pull me close to his body.So close,I don't think even air can pass through between us.

Pareho naming habol ang paghinga namin ng naghiwalay ang mg labi namin.Pinagdikit ni Louise amg mga noo namin.

"I'm sorry."he said with his eyes close."Sorry kung pakiramdam mo maliit ang tingin ko sa'yo dahil sa hindi kita sinabihan sa mga nangyari noong nakaraan.I just..Ayokong mag-alala ka pa."he pecked me on the lips.

"Ako ang Luna ng pack,Louise.Natural lang na gustuhin kong malaman ang nangyayari para makatulong sa'yo."lutang pa din ang isip ko sa halik na pinagsaluhan namin pero pinilit kong mag-isip ng diretso.

"I know.Kaya nga sorry na."he cupped my face with his hands.

Bumukas ang bibig ni Louise para magsalita pa ng biglang magsalita si Troy.

"Louise."pagtawag nya dito.Pumikit ulit si Louise at huminga ng malalim para bamg kinokontrol ang sarili nyang damdamin.

"Baby,please sumama ka na kay Rio.I promise mag-uusap tayo pagkatapos nito."

"Pero--"

"Samantha's not going anywhere but with me."nanigas kaming pareho ni Louise ng marinig namin ang boses na 'yun.

Unti-unti ang ginawang pagharap ni Louise sa pinanggalingan ng boses.He positioned himself in front of me.

"Calvien."he hissed.

"Alpha Louise."walang emosyong sabi naman ni Calvien.

I can taste the tension in the air.My heart started to beat faster and I hold Louise's arm tighter.The whistling of the wind the only sound to be heard in the clearing where Calvien's men started showing from behind him.

A/N:

Update!!!

Ito na ba?Ito na ba talaga?hehe

Hope you enjoy guys.

Please VOTE and COMMENT.

Love lots,
ate Arra
#dillydilly

The Future LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon