"Hindi ka ba pupunta sa Pack House?"tanong ko kay Louise pagkapasok ko sa loob ng study room nya.
Iniangat ni Louise ang tingin mula sa folder na hawak nya.
Hindi na ako pinabalik ni Louise kahapon sa bahay nila Papa.Lahat din ng gamit ko ay ipinakuha nya na at talagang sya pa ang nag-ayos sa closet.Hindi ko alam kung paano nya napapayag sila Mama sa gusto nya.Ni hindi nga nila ako mapayagan matulog sa bahay ng mga kaibigan ko nong nasa city pa kami.
"Hindi ngayon."simpleng sagot nya at bumalik na sa pagbabasa.
Hindi na ko nagsalita.Umupo na lang ako sa couch at kumuha ng isang magazine para magbasa.Kahapon ng iwan ako ni Louise bumalik din sya agad at nagpaka-busy din sa loob nitong study room.Kung hindi ko pa sya tinawag para magdinner na hindi pa titigil sa trabaho nya.
Ibinalik ko ang magazine sa may mesa dahil wala naman akong gana magbasa.Bored ako and I really feel restless.Parang gusto kong gumala,basta gusto kong lumabas nitong bahay na 'to.Buong araw din kasi akong nandito kahapon,nanood ng TV.
Tumayo na ako at palabas na ng study room ng tawagin ako ni Louise.
"Bakit?"tanong ko.
"Saan ka pupunta?"hindi nya inaalis ang tingin sa binabasa nya.
"Sa labas.Walang magawa dito eh.Sawa na akong manood ng TV."
"No."
"Anong 'no'?"kunot-noong tanong ko.
"No,hindi ka pwedeng lumabas."
"Ha-ha.Joke ba 'yan?"
"Kailan ba ako nag-joke?"seryoso ang itsura nya ng tumingin na talaga sya sakin.
"That's unfair!Pinilit mo na nga akong tumira dito then hindi mo pa ako papayagang lumabas?Ano ako prisoner?"halos pasigaw na sabi ko.
Nakita kong bumuga ng hangin si Louise.Pagkatapos ay tumayo sya at lumapit sakin.Masama ang tingin na ibinigay ko sa kanya.Wala syang karapatan na sabihin kung kailan ako pwedeng lumabas.
"I'm sorry."malambing na sabi nya ng huminto sya sa harap ko.He brushed his thumb across my right cheek causing shivers to run down my body."Ang ibig ko lang naman sabihin ay hindi ka pa pwedeng lumabas ngayon.Hindi pa kita masasamahan."
"Pwede naman akong umalis mag-isa eh.O kaya isasama ko na lang si Rio."
"No."sabi nya at napansin kong nag-uumpisa na naman mag-iba ang kulay ng mga mata nya.
"Bakit na naman?"naiiritang tanong ko.
"Ako na lang ang sasama sa'yo.Tatapusin ko lang ang mga ginagawa ko."
Napatingin ako sa santambak na folders sa mesa nya.
What?!!Kapag hinintay ko pang matapos si Louise matatagalan pa bago ako makalabas.Bored na bored pa naman na ako.Kailangan makaisip ako ng paraan para payagan nya ako.
"Ehh matagal ka pa.Super bored na ako.Hindi naman ako lalayo.Promise!"nag-pout pa ako para makadagdag sa pa-cute effect.
Nakita kong nag-iisip si Louise.Nagtatalo siguro sya sa isip nya kung papayag ba sya o hindi.Sana naman pumayag sya.I think I really need fresh air.
"Okay."napangiti ako ng sabihin nya 'yan."But you have to promise me na hindi ka lalayo sa pack territory and bukod kay Rio isasama nyo si Luisa."
"Bakit kailangan pa sya?Nakakahiya naman kung iisturbuhin ko pa sya."
"She wouldn't mind.Besides,Luisa's one of the best female fighter in the pack and she's female."tumaas ang kilay ko sa huling sinabi nya.
"Bakit kailangang may babae pa?Oh my god!Palagay mo ba papatulan ko lahat ng lalaking makakasalubong ko?"nainsulto talaga ako sa sinabi nya.Tinulak ko sya at tumalikod.
BINABASA MO ANG
The Future Luna
WerewolfSam's life was perfect.Pero lahat ng iyon ay nagbago ng mag-18 na sya at sa unang pagkakataon ay maging Lobo sya.Lalong nagbago ang lahat ng magdesisyon ang mga magulang nya na lumipat na sa probinsya kung saan lumaki ang mga ito.Doon din sa lugar n...