Chapter 16

16K 373 8
                                    

Viktor held out his hand for me to shake after introducing himself.

"Samantha."tinanggap ko ang kamay nya after thinking over. "Might as well be civilized.Baka sakaling di nila ako patayin."

I remember sabi ni Papa na ang pagpasok sa teritoryo ng ibang pack ng hindi nagpapaalam sa Alpha ng pack na 'yun ay isang malaking kasalanan.Madalas mga Rouges ang gumagawa ng ganoon upang manggulo sa pack.Kadalasan kamatayan din ang parusa sa mga 'yun.

So i'm hoping dahil hindi ko intensyon ang manggulo ay hindi nila ipapataw sakin ang parusa sa pag-trespass ko sa teritoryo nila.

"Kailangan mong sumama samin."diretsang sabi ni Viktor.

"Bakit?Paalis na din ako."defensive na sabi ko.

I can feel myself starting to panic.I mean bakit kailangan ko pang sumama?Hindi pa ba malinaw na wala akong balak na masama?Nandito ako,openly eating in a diner.Kung may balak akong manggulo edy sana nagtatago ako.Slow ba sila at hindi nila ma-gets 'yun?

"I don't think you'll be going anywhere,Luna."napasinghap ako ng marinig ko ang itinawag sa akin ni Mac.

"H-How d-did----"

"Sa palagay mo ba hindi namin maaamoy ang scent nya sa'yo?"putol ni Viktor sa sasabihin ko.

He's smirking at me.Mukhang natatawa sya na naisip ko na dahil sa paglugay ng buhok ko at pagtakip sa Mark ni Louise ay maitatago ko na kung ano ang kaugnayan ko sa kanya.

Damn!

Parang lalo naging delikado ang sitwasyon ko.

"Wag kang mag-alala,Samantha.Wala kaming balak saktan ka at mag-umpisa ng hidwaan sa pack na pinamumunuan ng Alpha mo."seryosong sabi ni Viktor na para bang nababasa nya ang naiisip ko.

Relief wash over me.

"Salamat."nginitian ko sya.

"Ngayon,ubusin na natin 'tong pagkain natin para makaalis na tayo dito."

Tahimik naming tinapos ang pagkain namin.Mukha kasing nagmamadali din si Viktor ehh.

Pagkaubos na pagkaubos namin sa pagkain ay agad nagbayad si Viktor.Sabay-sabay na kaming lumabas.Akala ko sasakay agad kami sa kotse nila pero may ibang plano pala sila.Pinakuha nila sakin ang mga gamit ko.Sa una ay tumatanggi ako.Hindi ko alam kong anong pwedeng mangyari kapag sumama ako sa kanila.But in the end wala akong nagawa kundi sundin sila.They threaten to call every Alpha and when they find who my Mate is they'll tell him about me.

Isang bagay na hindi pa ako handa.

Sabi ko nga I need space.Paano ako makakapag-isip kung babalik din ako agad kay Louise?

"Wala naman kasing dapat isipin." sabi ng Lobo ko.

"I'm ignoring you."

"Good luck sa'yo.Ignoring yourself,baliw!"

"Internal conversation?"casual na tanong ni Viktor.Tumango naman ako na nginitian nya lang.Napansin siguro nya na natulala ako ng ilang sandali,na madalas mangyari kapag kausap ko ang Lobo ko.

After almost 15 mins. ng pagda-drive ay nakarating na kami,im assuming,sa bahay ni Viktor.Halos kasing laki lang din ng bahay namin ni Louise.

"Bahay namin?" i groaned at that.Kailan ko pa ginamit 'yun?

Pagkababa namin ng kotse ay pumunta si Mac at Viktor sa likod.Nag-grocery siguro sila kanina dahil may mga hawak silang plastic na may lamang kung anu-ano galing sa isang grocery store.Bitbit nila 'yun habang naglalakad papunta sa bahay at ako ay nakasunod lang sa kanila.

The Future LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon