Chapter 6

22.6K 495 6
                                    

Kanina pa ako gising,tulala at nakatingin sa kisame ng kwarto ko.Maliwanag na ang buong paligid at naririnig ko na ang pagkaabala ng mga miyembro ng grupo sa kanila mga gawain ngayong umaga.Pero hanggang ngayon ayoko pa din bumangon sa pagkakahiga ko sa kama ko.

Napabuntong-hininga ako.

Ilang araw pa lang ako sa lugar na 'to pwede ng pang-telenovela ang mga nangyayari sakin.Sino ba naman kasing makakapagsabi na ang mga nangyari sa akin ay posible pala?

May kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Samantha?"narinig ko si Mama sa labas ng kwarto ko."Gumising ka na.Maya-maya lang nandito na si Alpha Louise.Nakakahiyang maabutan ka nyang ganyan pa din."

Hindi ako sumagot.Narinig kong naglakad na palayo si Mama.

Isa pa 'yung Louise na 'yun.Arrgghh.>__<

Paano ko ngayon masasabi kila Mama ang tungkol kay Calvien?

Wala kang sasabihin.Hiwalayan mo na si Calvien.Inis na sabi ng Lobo ko.

Pwede ba?Manahimik ka na nga lang.Isa pa 'tong Lobo ko.Patay na patay kay Louise ehh kakakilala pa lang namin sa kanya.

His our Mate.Angil nya sa akin sa loob ng isip ko.

Oo na.Sya na,kanya na ang korona.Tsk.sagot ko.

Ilang sandali pa akong nakahiga bago ko maisipang bumangon na.Nagpunta ako sa banyo at sinimulan ang morning rituals ko.

Nasa gitna pa lang ako ng hagdan ay naamoy ko na si Louise.He smells like the forest with a hint of mint and chocolate.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang napuno ng mga paruparo ang tyan ko.

See?Kahit si Calvien hindi ganyan ang epekto sayo.Smug na sabi ng Lobo ko.

I just rolled my eyes at nagpatuloy na sa pagbaba.Dumiretso ako ng kusina dahil nararamdaman kong nandoon silang lahat.

"Good morning Ma,Pa."nakangiting bati ko kila Mama.

Lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi nila.Humila ako ng upuan sa tabi ni Papa at magsisimula na sanang kumain ng may maramdaman akong nakatingin sakin.Tumingin ako sa paligid.

"Good morning,Samantha."nakangiti si Louise sa akin.

Tumango lang ako sa kanya at sinimulan ko na ang pagkain.

Tahimik lang kaming lahat,nagpapakiramdaman silang lahat.Si Louise ang unang bumasag sa katahimikan.

"Anong gagawin mo ngayong araw na 'to?Pwede kitang ilibot sa teritoryo natin para namang maging pamilyar ka."nakangiti sya sakin.

Kung may ibibilis pa ang tibok ng puso ko malamang inatake na ako.Grabe naman ang epekto ng lalaking 'to sakin.Ngiti pa lang nya 'yan.

"Ahh..Nailibot na ako ni Rio kahapon."

Naging itim ang kulay tsokolate nyang mata at hindi na sya nagsalita pa.

Ano bang problema non?Sinabi ko lang naman na nailibot na ako ni Rio.

After kumain ay umalis agad si Louise.Ni hindi na nya ako kinausap.

Umakyat ako sa kwarto ko at nagkulong.Hindi ako mapakali.Bakit hindi na ako kinausap ni Louise?May nasabi ba akong masama?

Aisshh.

Ganito ba magkaroon ng Mate?

Parang mababaliw ako kaiisip sa kanya.Kahit na sinasabi ng isang part ko na dapat si Calvien ang iniisip ko at gusto kong makasama si Louise pa din ang hinahanap ko.

Napabuga ako ng hangin.

After lunch,dumating sa amin si Rio.

"Rio,anong ginagawa mo dito?"nakangiti ako habang pababa ng hagdan.

"Luna."yumuko si Rio.

"Ha?Anong 'Luna' 'yang pinagsasabi mo?"naguguluhang tanong ko sa kanya ng nasa tapat nya na ako.

"Anak,nandyan ka na pala."pumasok ng sala ang Mama nya."Pinapunta ni Alpha Louise si Rio dito para bantayan ka."

"Bantayan?!"

"Oo,ikaw na ang bagong ang Luna,ang Mate ng Alpha kaya kailangan mo ng proteksyon.Ikaw ang magiging katuwang ni Alpha Louise pagdating ng panahon kaya hindi nya hahayaan na may mangyaring masama sayo.Kaya pinapunta nya dito si Rio para maging guard mo."

"WHAT?!?!"

No way.

Ni hindi ko pa nga tinatanggap ang pagiging Mate ni Louise eh binabakuran nya na ako.Makikita ng lalaking 'yun.Ni hindi nya ako kinausap tungkol dito.

Bago pa mahulaan nila Mama ang gagawin ko ay nag-anyong Lobo na ako at mabilis na tumakbo papunta sa Alpha namin.

Hindi ako papayag na kontrolin nya na lang ng ganito ang buhay ko.Humanda sya sakin.

A/N:

Una po sa lahat pa-epal muna ako.^_^

Di ko po talaga naicp na may magbabasa nito dahil hindi ko naman po sya pino-promote.As in sinusulat ko lang sya dahil gusto ko.Kaya maraming-maraming THANK YOU po sa inyo.

Sana po patuloy nyo pa syang basahin.

Thank you talaga,again.^_____^

Merry Christmas Wattpaders!!!!

Happy 300 reads satin.

Love,
Arra
#sexychubby^_^

The Future LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon