Chapter 1
Ivory POV
"I hate you Avron! I hate you... Manloloko ka." Lumuluha kong sigaw saka pinahid ang luhang dumaloy sa pisngi ko.
Mahigit isang buwan na rin ang nakakaraan simula nang manligaw sya sa akin. Hindi ko na sya pinahirapan pa at sinagot agad pagkaraan ng ilang araw. Maayos naman ang mga unang linggo namin pero utay utay syang nag-iiba. Parang nawala yung mga pinakita nya sakin. At kanina nga lang nahuli ko syang may ibang babaing kahalikan.
Di ko na alam ang sunod na nangyari at kung ano man ang ginawa ko. But I found myself inside this cemetery. Di ko alam kung pano ako napadpad dito. At bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Ang alam ko lang ay ang sakit na gawa ni Avron sa akin.
Dumaloy ang panibagong mainit na likido sa pisngi ko. Hindi ko yun kayang pigilan. Nagpatuloy lang iyon sa pagbagsak.
Marahan akong umupo sa ibabaw ng isang nitso at ipinatong ang mukha ko sa kamay ko. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit.
Ilang saglit lang ay umihip ang malamig na simoy ng hanging panggabi. Tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Utay utay akong nagtaas ng mukha saka pinahid ang luha sa mata ko.
Parang may nakatitig sa akin mula sa kung saan. And it sends shivers down to my spine. Utay utay kumabog ang dibdib ko habang mabagal na iniiikot ang paningin ko sa madilim nang paligid.
Halos alas dose na siguro ng gabi at tanging liwanag mula sa buwan ang umiilaw sakin. Mahina akong napamura ng maalala kung nasan ako. Di ko naramdaman ang takot kanina dahil sa kirot ng dibdib ko.
Hindi naman talaga ako naniniwala sa multo pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Lalong nagtaasan ang mga balahibo sa katawan ko ng isang kaluskos mula sa may kalayuan ang umire sa tenga ko.
Bakit di ko nga ba naisip na gabi na at dito pa ko pumunta. Pwede naman kasi sa bar at kung sweswertehin pa ko baka makabingwit pa ko ng gwapong guy na may-ari ng kompanya. O kaya engineer at attorney. Gaya lang ng sa libro na binabasa ko.
Mabilis kong ipinilig ang ulo ko saka utay utay tumayo. Imposible naman na mangyari in real life ang mga nasa isip ko.
Marahan akong humugot ng malalim na hininga kasabay ng pagpapakalma sa sarili. Di naman kasi dapat ako matakot. I've read a creepy facts about this things. Na ang multo daw ay di mo matatagpuan sa sementeryo pero sa mga simbahan.
Mabagal akong tumalon pababa mula sa ibabaw ng nitso ng mapako ang tingin ko sa isang pigura na naliliwanagan ng buwan. Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil sa dilim at kontra pa iyon sa liwanag na nagmumula sa buwan. Lalong nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan kasabay ng pagtagaktak ng namumuong pawis sa noo ko.
Hindi talaga ako naniniwala sa multo este naniniwala ako pero yung trivia kasi. Mahina kong namura ang sarili ko kasabay ng paglunok ng laway. Bakit nga ba ko naniwala sa trivia na yun. Ibig sabihin fake yun. Pag talaga ako ay nakasigurong multo toh. Babatukan ko at hahanapin ang nagpost ng trivia na yun.
Ilang saglit pa ay mabagal na humakbang ang pigura papalapit sa akin. Napako ako sa kinatatayuan ko and I can't move a muscle. My heart is pounding out of my chest.
Kala ko ba lumulutang ang multo pagnaglalakad sila pero ito nakalapat talaga ang paa sa lupa. Siguro naman di talaga sya multo.
Napahinga ako ng medyo maluwag. Pero hindi pa rin kumakalma ang dibdib ko.
Tinitigan ko lang ito habang lalong lumalapit sa akin. May kataasan sya pero di ko pa rin magawang makita ang mukha nya.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko saka marahang humakbang paurong. But my whole body froze ng tamaan ng liwanag ng buwan ang mukha nya. Shivers run down to my spine kasabay ng lalong pagtayo ng balahibo ko.
Nanlambot lalo ang tuhod ko at parang may bumara sa lalamunan ko na di ko magawang sumigaw. Pigil ang hiningang napatingin ako sa mata nya. No, that's impossible.
"P-patay k-ka n-na d-diba?" nauutal kong tanong.
Kita ko ang pagtaas ng sulok ng labi nya kasabay ng paghakbang palapit sa akin. My heart is beating so fast na para akong tumakbo ng ilang kilometro.
"What do you think lady?" Baritono ang boses nyang tanong pero may crack sa boses nya na parang ilang buwan nang di nagsasalita. Lalo syang lumapit sa akin dahilan para maayos kong makita ang kabuuhan nya.
Nawala ang balanse ko sa takot dahilan para mapaupo ako sa maputik na lupa. Napakaputla ng kulay ng balat at mukha nya na parang di na dinadaluyan ng dugo. His lips are dry. Tuyong tuyo iyon na alam mong matagal nang di nababasa ng tubig. Ang mata nya ay halos magfade na ang itim sa gitna. Payat na rin ang mukha nya na cleary nang nakabakat ang cheekbones. And most of all madumi at may putik ang suot nyang barong.
May kakaiba din syang amoy. Amoy ng nabubulok ng laman na parang kumapit sa damit nya. Pero di ko maitatanggi na gwapo pa rin sya.
"N-nakita k-ko s-sa balita."
Mahina syang tumawa saka bahagyang nagkamot sa ulo. "Na show pala yun sa mga balita. Wow nice, looks like I'm famous."
"Y-you f-fake your d-death?"
Pasimple syang sumulyap sa akin saka mahinang umiling. Agad nyang inilahad ang halos buto na lang nyang kamay sa harap ko saka matamis na ngumiti.
Mukhang hindi naman sya multo. Pero mukha syang patay. Hindi naman siguro ako kakausapin ng ghost diba. Maybe he fake his own death para lumayo sa lahat. At siguro may sakit sya kaya ganyan ang itsura nya. But I have this sense na may kakaiba talaga sa kanya.
Mabagal kong iniangat ang kamay ko at paglapat pa lang ng palad ko sa kanya ay dumaloy doon ang malamig na sensasyon patungo sa katawan ko. Muling nagtaasan ang mga balahibo ko.
Hindi normal ang lamig ng kamay nya. Sobrang lamig noon that it will send shivers to my body. Agad nya kong hinila patayo pero nahugot ang braso nya at humiwalay sa katawan nya. Naiwan ko yung hawak dahilan para maitapon ko yun palayo.
Kasabay ng panginginig ng kamay ko ang pagkatuyo ng lalamunan ko. Hindi ko magawang makasigaw sa takot. Ayaw din gumalaw ng muscle sa katawan ko. At lalabas na sa bilis ang puso ko.
Agad nyang pinulot ang braso nya na parang wala lang nangyari at muling ikinabit sa katawan nya. Mahina syang tumawa saka tumingin sa direksyon ko. "Sorry, natakot ka ba?"
Habol ang hiningang nanatili akong nakatitig sa kanya. Tama nga pala ang hinala ko, multo sya. Totoong patay na si Blake Fascal at ang nasa harap ko ngayon ay ang multo nya. Mukha talagang mapapatay ko ang gumawa ng trivia na yun.
"M-multo ka?! W-wag mo kong saktan, p-please. W-wala akong ginagawa sayo."
Humalakhak lang sya ng tawa saka pumantay ng upo sa akin. Tumingin sya ng direkta sa akin at matamis na ngumiti.
"Binibini hindi ako multo, okey ba? At isa pa hindi ako nagpaparamdam sayo. Ikaw kaya itong sumigaw ng sumigaw kaya nagising ako."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya bahagya akong umurong at humugot ng hininga.
"H-hindi ka multo?"
Bahagya syang tumango at matamis na ngumiti. Pero hindi ako naniniwala. Wala na talaga si Blake Fascal kaya panong nasa harap ko sya. Multo talaga sya at siguro kukuhain nya ko para gawing ghost bride. Kagaya nang palabas ni Kim Chu.
"Bakit akala mo ba multo ako? Nahawakan mo ko diba?"
Mahina lang akong tumango bilang sagot. Pero pano nya maipapaliwanag ang naputol nyang braso.
"A-ano ka ba?" nauutal kong tanong na kinangisi nya.
Mabagal syang tumayo sa pagkakaupo at direktang tumitig sakin. He make a little curve on his lips bago tumingala sa kalangitan. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
Utay utay uli syang nagbaba ng tingin at matamis na ngumiti. Saglit na nagtama ang tingin namin pero bahagya ko iyong inilayo.
Alam kong hindi sya tao pero ang takot na nararamdaman ko kanina ay utay utay nang naglalaho.
"Isa akong Undead, binibini."
"U-undead? Like zombie?"
Mahina syang tumawa kasabay ng dahan dahang pagluhod. Tumitig sya ng direkta sa mata ko. "Exactly... Yes, I'm a zombie."
*****
A/n
Another chapter is up. Hi sa nagbabasa. Hope you leave a comment and vote😂
Enjoy...
-Zerpent-
BINABASA MO ANG
MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]
RomanceMAKE HIS HEART BEAT AGAIN (Zerpent) Hindi sa kamatayan matatapos ang lahat. Hindi ito ang puputol sa taling nakakonekta sa dalawang taong iginuhit at pinagdugtong ng tadhana. Ivory is just a normal college girl. Simple lang ang nais n'ya gaya ng ib...
![MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/271243121-64-k628315.jpg)