Chapter 9

10 4 0
                                    

Chapter 9
Ivory POV

Marahan akong bumuga ng malakas na hininga. Bahagya akong kumurap kurap at mahinang humikab. Nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon ang antok. Napuyat lang kami kagabi ni Blake sa pag-iimbistiga sa room nya. At ang nakakaasar sa lahat ay ang nasayang kong oras at pagod. Wala naman kasi kaming nahanap na kahit ano ni Blake sa kwarto nya na magpapatunay na pinatay nga sya. Napaka useless lang ng ginawa namin.

Ano naman kasing malay ko sa mga bagay na yun. Wala naman akong alam sa hahanapin, titingnan o kaya iimbistigahan doon. Hindi ako criminology student at Bachelor of science major in Engineering ang course ko.

Bahagya akong sumulyap sa direksyon ni Blake. Malalim ang tulog nya sa kama ko. Ang nakakairita lang talaga ay sa kama ko pa sya natulog. Ang kapal lang talaga ng mukha ng zombie na to. Hindi man lang sya nagpaalam sa akin. Kung di lang siguro ako nagising ng alas dose ng tanghali ay di ko malalaman na katabi ko na ang zombie na yan. Hanggang ngayon nangingilabot pa rin ako lalo na kapag sumasagi sa utak ko kung pano sya makayakap sakin kanina.

Ilang oras na rin akong nakaupo dito sa lapag. Hindi na ko bumalik sa kama ko. Ayaw ko syang katabi. At baka yakapin na naman ako ng zombie na yan. Mariin akong pumikit at mahinang ipinilig ang ulo ko.

Mabagal kong pinaglayo ang talukap ng aking mata saka mabilis na inilayo ang tingin sa kanya. Marahan akong tumayo sa lapag at pinagpagan ang pigi ko. Utay utay akong humakbang papalapit sa lamesa. Agad akong nagpakulo ng tubig at nagtimpla ng kape. Antok na antok na kasi ako.

I slowly take a sip of my coffee. Dumampi sa labi ko ang mainit na tasa, as I take my coffee. Maingat ko iyong ipinatong sa lamesa at mabagal na humakbang papalapit sa bangko ko.

"Kape ba yan Ive? Pinagtimpla mo ko? Thanks."

Halos mapatalon ako sa gulat. Bakit ba kasi bigla bigla na lang syang nagsasalita. Kung may sakit ako sa puso. Talagang mumultuhin ko ang zombie na to.

Nakakunot ang noo kong humarap sa kanya. Pinanliitan ko sya ng mata at tinaasan ng kilay. Komportable na syang nakaupo sa ibabaw ng kama ko. Ang kapal talaga. Tapos gusto pang angkinin ang tinimpla kong kape. Bwesit na talaga ang zombie na to. Inaasar na naman ako.

"Kapal mo! Magtimpla ka nang kape mo. Ano ka siniswerte," mataray kong sagot at inilayo ang tingin sa kanya. Agad kong hinila ang bangko sa harap ko at umupo doon. Sino ba sya para ipagtimpla ko pa?

"Share na lang tayo sa kape."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Agad akong humarap sa kanya at tinaliman sya ng tingin. Magsheshare kami sa kape at tasa ko. Iniisip ko pa lang tumatayo na ang mga balahibo ko.

"Kadiri ka! No way... Ayaw kong mag-share sayo, kahit ano pa yun. Kaya magtimpla ka na lang ng sayo."
Marahan syang sumimangot. Inilayo ko ang tingin sa kanya and take another sip of my coffee. Bahala na nga sya. Gusto nya problemahin ko pa lahat ng problema nya. Binigay ko na nga ang oras ko para tulungan sya. At pati ba naman kape. Magkape sya kung gusto nya pero di ko sya bibigyan.

"Grabe ka sa makakadiri, you're hurting my feelings. Napagod na nga ako kagabi."

Parang kumulo lahat ng dugo ko sa katawan. Nanlilisik ang mga mata kong humarap sa direksyon nya. "Kasalanan ko ba yun?! Ikaw lang ba ang napagod?! Ano ka boss? At sino ka ba para alalahanin ko!"

Mahina lang syang umiling at mabagal na tumungo. "Sorry... Kung pwede lang naman kasi sana na hati tayo sa kape mo," pabulong nya lang na sagot.

"Di ka ba nandidiri? Kasi nandidiri ako sayo. Your supposed to be dead at nasa kabaong mo. Sino ka ba para hatian ko ng kape ko? Hindi naman kita boyfriend at hindi pa nga kita masyadong kilala."

MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon