Chapter 4
Ivory POV
"May di ka ba sinasabi sa akin?" bigla kong tanong kay Avron. Agad kong nakagat ang pang-ibaba kong labi at napababa ng tingin.
Mabilis nanlaki ang mga mata nya at napa-iwas ng tingin. Pansin ko ang pamumuo ng pawis sa noo nya. Napalunok sya ng laway at pilit lumayo ng tingin. Gusto kong sa kanya manggaling ang mga nakita ko kagabi. I want him to explain. Ayaw kong husgahan sya ng di nalalaman ang tunay na nangyari.
"A-ano ang ibig mong sabihin?" nauutal nyang tanong pabalik. Agad akong umiling at pilit na ngumiti. Parang di ko kasi kaya na marinig na may iba syang mahal.
Mabilis kong iniba ang usapan at kinalimutan ang bagay na yun. Ayaw kong makipaghiwalay kay Avron kaya sekreto ko syang pinatawad. Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap na di namamalayan ang paglipas ng oras.
Hapon na nang mapagpasyahan naming umuwi, kung saan saan pa kasi kami pumunta. Mabagal akong naglakad pauwi. Halos nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Papawala na rin ang araw at anumang minuto ay madilim na. Pansin ko na rin ang unti unting pagliwanag ng bawat gusali. At ang halos lila nang kalangitan.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Di pa rin maalis sa isip ko ang mga ginawa namin ni Avron ngayong araw. Hindi ko magawang alisin ang ngiti sa labi ko.
Medyo binilisan ko ang aking bawat hakbang. Tumanggi na kasi akong magpahatid pa kay Avron. At iyon ay dahil sa walang kwentang zombie na kasama ko sa apartment ko. Ayaw kong magkita si Avron at Blake. Di ko alam ang gagawin at kung anong pagliwanag ang idadahilan ko pag may nakakita sa kanya. Tiyak na magugulat si Avron. Everyone knew that Blake's already dead. Paano ko maipapaliwanag na zombie si Blake. At ang masama sa lahat paano kung isipin nya na niloloko ko sya at nanlalalaki ako.
Agad kong ipinilig ang ulo ko at humugot ng malalim na hininga. Lumiko ako sa isang maliit na iskinita papunta sa apartment ko. Napakadilim na doon dahil nasa gitna ito ng dalawang mataas na gusali.
Hindi pa bilog ang buwan ngayon kaya lalong dumilim ang paligid. Dumampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Bahagyang tumayo ang mga balahibo ko at agad na kumabog ang dibdib ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng muling umihip ang malamig na hangin. Isinawalang bahala ko na lang yun dahil sanay na ko ditong dumaan. Araw araw akong dumadaan dito at wala namang nangyayaring kakaiba.
Nasa kalagitnaan na ko ng daan ng makaramdam ako na parang may kakaiba. Parang may nakatitig sa akin mula sa may kalayuan. Shiver runs down to my spine. Muling tumayo lahat ng balahibo ko sa kaba.
Bahagya akong lumingon sa likuran pero wala akong makita na kahit ano doon. Sobrang dilim na ng paligid at tanging kakarampot na liwanag mula sa buwan ang tumatanglaw sakin. Agad kong ibinalik ang tingin sa harapan. Alam ko talaga na may nakatingin sa akin. Lalo kong binilisan ang bawat hakbang ko. Mahina akong bumulong ng tulong. Di ko alam kung bakit pero parang may darating para tulungan ako.
Muli akong lumingon sa likuran. Tumama agad sa paningin ko ang anino ng isang lalaking nakatayo ilang metro ang layo sa akin. Kumabog lalo ang dibdib ko at ilang saglit lang ay nagwawala na iyon sa bilis.
Bahagya syang gumalaw sa pwesto nya dahilan para sandaling maliwanagan ng buwan ang ilang bahagi ng kanyang katawan. Sobrang itim ng mga suot nya. Itim ang suot nyang polo na nateternuhan ng itim na kurbata. Inibabawan ito ng hanggang binti ang habang coat na itim din ang kulay.
Marahan akong nagtaas ng tingin at lunok laway na tumingin sa ulo nya. Hindi ko magawang maaninag ang mukha nya dahil natatakluban ito ng suot nyang sambalilong itim. Mukha syang galing sa isang mafia. Pero pakiramdam ko hindi sya tao.
Dahan dahan nyang isinuot ang kamay nya sa loob ng suot nyang coat. Ilang sandali lang ay may inilabas sya mula doon. Kumislap ito sa tama ng liwanag ng buwan. It send chill all over my body.
BINABASA MO ANG
MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]
RomanceMAKE HIS HEART BEAT AGAIN (Zerpent) Hindi sa kamatayan matatapos ang lahat. Hindi ito ang puputol sa taling nakakonekta sa dalawang taong iginuhit at pinagdugtong ng tadhana. Ivory is just a normal college girl. Simple lang ang nais n'ya gaya ng ib...
![MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/271243121-64-k628315.jpg)