Chapter 2

20 6 2
                                    

Chapter 2
Ivory POV

"Yes, I'm a zombie."

Lalong nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-awang ng labi ko dahil sa sinabi nya. Isa syang zombie, literally. So that explains everything kung bakit ganun ang itsura nya. Ang dahilan sa pag-crack sa boses nya. Ang mabagal at halos paika ika nyang paglalakad. At kung bakit nahugot at naikabit nya ang braso nya.

Bahagya akong umatras paurong para lumayo sa kanya. Tatakbo na ko paalis dito pagnalingat lang ang atensyon nya. Pero sana lang hindi sya tumatakbo gaya ng nasa 'World War Z' na pelikula. Mabagal pa man akong tumakbo. Baka hapuin pa ko ng wala sa oras.

Sekreto akong lumunok ng laway at tumitig sa mukha nya. Direkta rin syang nakatingin sa akin na parang matagal na nya kong kilala. Di ko alam pero parang sinusuri nya ang reaksyon ko. Pinilit kong itago ang kaba at takot na nararamdaman ko at muling umatras.

Konti lang ang alam ko sa zombie. They spread zombie virus sa mga taong kinakagat nila. At ayaw kong maging kagaya nya. Alam ko rin na kumakain sila ng utak, sabi yun sa Plants versus zombie.

Pero napakalayo ng itsura nya sa zombie na inaakala ko. Kahit malaki ang pinagbago ng pisikal nyang itsura, nandoon pa rin ang gwapo nyang mukha na di talaga na deform. Para tuloy akong nahiya sa sarili ko. Mas mukha pa kasi akong nabubulok kaysa sa kanya.

Mabilis kong ipinilig ang ulo ko at muli syang sinuri ng maayos. May bakas ng lubid sa leeg nya. Gawa siguro noong nagbikti sya.

Katatamtaman lang ang laki ng mata nya. Elongenated ang structure ng face nya. Matangos ang ilong at manipis ang halos wala nang kulay na labi. May tahi din sa leeg nya na gawa siguro ng pagkuha sa kanyang dugo.

"Mukhang may gumugulo sayong tanong, binibini," biglang sabi nya na kinaiwas ko ng tingin.

"Magtanong ka lang, sasagutin ko." Napakakalmado ng boses nya. Mabagal syang tumayo sa pagkakaluhod at utay utay akong nilapitan.

Tinulungan nya kong tumayo saka naglakad palayo sa akin. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makaupo sya sa nitsong inuupuan ko kanina.

Humugot ako ng malalim na hininga saka inilayo ang tingin sa kanya. Baka kasi magalit sya sa ginagawa kong pagsuri sa mukha nya at bigla na lang akong lapain ng buhay.

"D-di mo ba ko kakagatin?" nauutal kong tanong kasabay ng pagsulyap sa kanya.

Mabilis syang humalakhak ng tawa na may paghawak pa sa tyan. Bahagyang nangunot ang noo ko at nagtatakang tumingin sa kanya. Wala naman kasi akong sinabing nakakatawa. At isa pa hindi din ako nagbibiro.

Agad din syang tumigil at nagpeace sign sa akin. "Sorry," mahina nyang sabi saka tumingin sa mata ko.

"Iniisip mo ba na kakagatin kita tapos magiging zombie ka na rin? Lahat ng yan ay science stuff lang. Nanonood ka siguro ng mga zombie movie na nagkakaroon ng Apocalypse. I'm not a science invention na may virus na dala, kaya wag kang mag-alala."

"S-so di mo nga ko kakagatin?"

Mahina syang tumawa at tumayo sa pagkakaupo. Marahan syang tumango sakin. "Oo binibini, di kita kakagatin."
Kampante akong napabuga ng hangin saka humarap sa kanya. Mabuti na yung sure. Mukhang mali ang iniisip ko sa kanya. Friendly naman para sya.

Pero nandoon pa rin ang pag-aalinlangan ko tungkol sa kanya. Pano kung di nga sya nangangagat pero kumakain naman sya ng utak. Pero hindi naman siguro. Sobra lang ako kung mag-isip.

Agad kong ipinilig ang ulo ko at huminga ng malalim. Pinagmasdan ko lang sya at inantay ang gagawin nya. Mahina syang tumikhim at tumitig sa akin.

"May tanong ka pa ba?"

MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon