Chapter 12
Ivory POV
Napakadilim pa rin ng ekspresyon ni Blake. Nakaupo sya sa tabi ko na parang binabantayan ang lahat ng kilos ko. Ano bang problema nito. Di ko alam kung bat kanina pa sya ganyan. Kanina pa ganyan ang kinikilos nya pagdating namin dito sa apartment.
Wala pang isang oras ang nakakaraan simula ng makarating kami dito sa apartment ko. Agad kong nilinis ang sugat ni Raz pero hindi ako matapos tapos dahil kay Blake. Hindi ko nga alam kung bakit bigla bigla na lang nya inaagaw ang kamay ko o kaya ay hinahampas ang hawak kong kamay ni Raz.
Marahan kong hinawakan ang kamay ni Raz. Direkta akong tumingin sa mata nya at marahang ngumiti. "Last na toh. Hindi ito masakit. Bebendahan ko na lang."
Mahina syang tumango. Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at nag-aalinlangang ngumiti. "Sure ka na di nayan masakit?"
Itinaas ko ang sulok ng labi ko. Maingat kong kinuha ang may sugat nyang palad. Dahan dahan kong inilagay ang benda sa palad nya at mabagal iyong iniikot palibot sa kamay nya. Tumama sa tenga ko ang mahihinang daing ni Raz. Lalo kong iningatan at binagalan ang paglalagay ng benda sa kamay nya. Alam kong nasasaktan siya at isa pa, ako rin naman ang dahilan kung bakit sya may sugat sa palad. Dahil sa pagprotekta nya sakin.
Mabilis na nangunot ang noo ko ng biglang agawin ni Blake ang kamay ni Raz. Nanliliit ang matang tumingin ako sa direksyon ni Blake. Kanina pa talaga sya nakakaabala kaya di ko matapos tapos ang ginagawa ko.
Napakatalim ng titig ni Blake kay Raz. Lalo ding humigpit ang hawak nya sa braso nito. Naglalabasan na ang mga litid sa braso ni Blake habang pinipisil ang braso ni Raz. Mahinang napadaing si Raz pero lalo lang nyang hinigpitan ang hawak doon.
Mabilis na benendahan ni Blake ang sugat ni Raz. Mahina na lang akong napapatawa dahil napapapikit at napapasigaw na lang bigla si Raz. Napapaano ba kasi si Blake? Ang weird lang kasi ng mga kinikilos nya. Kung di lang siguro sila parehong lalaki iisipin ko na ex-lover sila. Para kasing nagseselos si Blake sa mga kinikilos nya.
Biglang binitawan ni Blake ang kamay ni Raz. Agad nyang hinagilap ang kamay ko. Walang pasabi nya kong hinila patayo kasabay nya. Mabilis nya kong hinatak palayo kay Raz. Matalim ang mata nyang tumitig kat Raz na parang may halong pagbabanta.
"Umalis ka na dito Raz. Nagamot na ang sugat mo. Salamat na lang sa pagtulong kay Ive," seryosong sabi ni Blake. May kung anong emosyon sa boses nya. Di ko lang iyon mabasa pero sa paraan ng pakikipag-usap ni Blake kay Raz. Masasabi kong close sila. Ano kayang dahilan at parang galit si Blake kay Raz. Maliban sa si Raz ang first suspect nya. Alam kong may iba pang reason. Di ko lang alam kung ano iyon.
Mabilis kong kinalas ang kamay ni Blake sakin. Kinunutan ko sya ng noo at binabaan ng kilay. Daig nya pa kasi ako kung magtaboy ng bisita. Parang pag-aari nya tong apartment kung magpaalis. Pero hindi ko rin naman kasi sya masisisi. Nasa harap nya ang posibleng pumatay sa kanya.
"Mukhang pinapaalis na ko Ivory. Kailangan ko na bang umalis?" mahinang sabi ni Raz saka hinuli ang mata ko. Matamis syang ngumiti at dahan dahang tumayo.
"Wait lang Raz. Pwede ka naman munang magpahinga dito," sagot ko.
Agad na nagliwanag ang mukha nya. Kumikinang ang mata nyang tumingin sakin. Kasabay noon ang pagkurba ng sulok ng labi nya at pagguhit ng malawak na ngiti sa mukha nya. "Talaga? I can stay for a while, thank—"
"No! Pwede kang magpahinga sa bahay mo." Putol ni Blake sa sasabihin ni Raz. May diin ang bawat salita nya. Halata din ang iritasyon sa boses nya. Marahan akong sumulyap sa direksyon ni Blake. Napakatalim ng tingin nya kay Raz. Siguro kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa walang buhay itong si Raz.
Nakakunot ang noo ni Blake at halos maglabasan ang mga litid sa leeg nya. Bahagya na ring nakabakat ang panga nya at mariing nakakuyom ang kamao nya. Parang nakakatakot tuloy na biglang lumapit sa kanya o kaya ay biglang magsalita. Feeling ko kasi iigkasan ako ng kamao nya.
BINABASA MO ANG
MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]
RomansaMAKE HIS HEART BEAT AGAIN (Zerpent) Hindi sa kamatayan matatapos ang lahat. Hindi ito ang puputol sa taling nakakonekta sa dalawang taong iginuhit at pinagdugtong ng tadhana. Ivory is just a normal college girl. Simple lang ang nais n'ya gaya ng ib...
![MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/271243121-64-k628315.jpg)