Chapter 5
Ivory POV
Utay utay akong umayos ng upo sa kama ko at marahang bumuga ng hininga. Halos dalawang araw na ang nakakaraan simula ng may umatake sa akin doon sa may eskinita. Pinagbawalan ako ni Blake na lumabas dahil baka daw kami balikan noong holdaper.
Inip na inip na ko dito sa loob ng apartment ko at ang nakakabaliw pa sa lahat ay ang mukha lang ng walang kwentang zombie na kasama ko ang nakikita ko sa loob ng dalawang araw.
Bahagya akong sumulyap sa direksyon ni Blake na nakaupo sa lapag at abalang kinakain ang sitsiryang binili ko noong isang linggo. Kahapon pa sya walang ginawa kundi kumain. At ang nakakaasar sa lahat ay plano pa yata nyang ubusin ang lahat ng stock ko. Bakit ba kasi di nabulok ang bituka ng zombie na to. Kinain na dapat sya ng mga oud. Nakakairita sya sobra.
Mabilis kong inalis ang tingin sa kanya. Inilayo ko agad ang mukha ko sa direksyon nya at humugot ng malalim na hininga. I force the side of my lips to curve up. Ayaw kong magpaapekto sa nakakaasar na zombie na kasama ko sa loob ng apartment ko. Lalo lang akong masstress at ayaw kong pulutin sa mental hospital.
Pinilit kong wag syang pansinin at sunod sunod huminga ng malalim. Di na ko nag-abalang sumulyap sa direksyon nya. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nilibang ang sarili ko.
Ilang minuto lang ang nakakaraan ay dumaan sya sa harapan ko. Pinilit kong wag syang sundan ng tingin. Kanina pa sira ang araw ko sa kanya at ayaw kong lalo iyong sirain.
Mariin akong napapikit ng tumama sa tenga ko ang mahinang lagitnit ng pintuan ng kabinet na pinaglalagyan ko ng mga snacks at pagkain. Muli akong humugot ng sunod sunod na hininga at pilit di nagpaapekto sa kanya. Anumang oras, talagang maibabaon ko na uli ang zombie na ito sa hukay nya. Napakaperwesyo sa akin. At pag di talaga sya tumigil, ipapacremate ko ang katawan nya.
"Ive... Wala na tayo ditong snack, ubos na."
Napabuga ako ng malakas na hininga at nakakunot ang noong tumingin sa direksyon nya. Nanliliit ang matang tiningnan ko sya ng masama. Di ko na talaga kaya pang kontrolin ang inis ko.
"Pati ba yan proproblemahin ko?!" sarkastiko kong sagot. May diin ang bawat salitang sinabi ko pero parang walang pakialam doon si Blake.
"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin Ive."
Utay utay syang humakbang papalapit sa akin. Tumigil sya agad sa harapan ko at direktang tumingin sa akin. Hindi na ko sumagot pa at nag-iwas ng tingin. Ayaw ko syang kausapin. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Baka maisako ko pa sya at ibaon sa likod ng apartment ko.
"Sorry Ive, Galit ka ba? Sorry na kung nagalit kita."
Kusang nanlaki ang mga mata ko. At sa di malamang dahilan ay naglaho lahat ng inis na nararamdaman ko sa kanya. Mabagal akong nag-angat ng mukha at mahinang tumango.
Matamis syang ngumiti na agad kinababa ko ng tingin. Ilang segundo lang ang nakakaraan ay uminit na ang tainga at pisngi ko. Parang umakyat doon lahat ng dugo sa katawan ko.
Lalo kong ibinaba ang mukha ko at iniiwas ang tingin sa kanya. Tumama sa tenga ko ang mahina nyang tawa na lalo kong kinasimangot. Agad nyang ginulo ang buhok ko. After a blink of an eye, nagwawala na sa bilis ang tibok ng puso ko.
"Ive punta tayo sa mall ngayon."
Agad na nangunot ang noo ko at nanlalaki ang matang tumingin sa kanya. Seryoso ang mata nyang nakatingin sa akin. Di ba talaga marunong mag-isip ang mga zombie. Pano kung may makakita sa kanya. Maraming nakakakilala sa kanya at kapag nakita sya, isa ko na naman iyong isipin. Isa pa iyong malaking problema na proproblemahin ko.
"Nababaliw ka na ba? At ano namang gagawin natin doon? Pano kung may makakita sayo at nakilala ka nila. At isa pa pano mo maipapaliwanag yang kulay at itsura mo?"
BINABASA MO ANG
MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]
RomanceMAKE HIS HEART BEAT AGAIN (Zerpent) Hindi sa kamatayan matatapos ang lahat. Hindi ito ang puputol sa taling nakakonekta sa dalawang taong iginuhit at pinagdugtong ng tadhana. Ivory is just a normal college girl. Simple lang ang nais n'ya gaya ng ib...
![MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/271243121-64-k628315.jpg)