Epilogue
Ivory POV
Nakangiti kong tinanggap ang diploma ko ng pagtatapos sa kolehiyo. Dumagundong sa tenga ko ang malakas na palakpakan ng mga taong narito.
Pagkatapos na pagkatapos ng programa ay umalis ako sa Soulten Academy. Wala na rin naman akong gagawin doon. I don't have any friends in school, kahit di rin naman sa school wala akong ibang kaibigan maliban sana kay Cas, but she's already dead.
Hindi ko rin naman plano ang sumama o makisaya sa batchmates ko sa kung anong party na idadaos nila. Ma-aout of place lang ako kapag ganun, so why would I stay in there.
Matapos kong hubarin ang toga na suot ko at makapagpalit ng damit ay agad akong nagtungo dito sa park. Dito ko na lang siguro idadaos ang celebration ko. Pupunta din ako sa orphanage na pinagmulan ko. And most of all, sa libingan ng pinakamamahal kong lalaki na si Blake.
I can't count the time na nangulila ako sa kanya since he left. Napakasakit lang na tanggapin sakin ang lahat. Saglit lang kami nagkasama at di man lang namin lubos nakilala ang isa't isa.
Pinilit kong itinaas ang sulok ng aking labi kasabay ng matamang pagmasid sa mga magkasintahang malambing na nakaupo sa malawak na damuhan. Ito rin ang lugar kung saan kami nagdate ni Blake. Ang isa sa pinakamasayang araw at pinakamalungkot na araw para sakin.
Inilayo ko ang mata ko sa kanila. Siguro kung di agad ako iniwan ni Blake, ganyan din kami kasaya. Naglalambingan, nagbibiruan at minsan nag-aaway.
Marahan kong pinahid ang luhang dumaloy sa pisngi ko. I miss Blake. I miss the moment na kasama ko sya. I miss his gestures, I miss his lips, I miss his voice. Isang taon na rin pala ang nakakaraan simula ng magkakilala kami pero sariwang sariwa pa rin sakin ang lahat.
Nakakulong na si Avian. Nahatulan na sya ng guilty after I testify. He's inside a mental facility matapos nilang malaman na isa itong baliw. At ngayon, masasabi ko na, na makamit na talaga nina Blake, Raz at Cas ang hustisya.
Umayos ako ng upo. Utay utay kong itinaas ang mukha ko. Bughaw ang kulay ng kalangitan. Walang ulap na makikita. Tanging ang malamlam na sikat ng dilaw na araw bago magtanghalian. Dumampi ang malamig na simoy ng hangin sa balat ko na bumalanse sa temperatura.
Kung nandito kaya si Blake ngayon, anong gagawin nya. Maybe he will hold my hand tight or kiss my lips and forehead. Bahagyang kumurba ang labi ko. Di ko alam na ganito ang magiging epekto sakin ng zombie na yun.
Pasimple kong kinapa ang pendant ng kwintas nya na binigay sakin. I remember that night when he puts this on to me. Yun yung oras na sinabi nyang mahal nya ko. Hindi ko pa nga pinansin kung ano ang isinoot nya sakin noon. But now, ito na ang pinakaimportanteng gamit ko. It's my only connection to him. Maiwan at makalimutan ko na ang panti ko, wag lang ito.
Utay utay kong pinaglapat ang mga talukap ng mata ko. "I love you, Blake," bulong ko sa hangin. Sana makarating iyon sa kanya. And I'm still hoping one day he will knock to the door of my apartment. I'm expecting na babalik sya.
Marahan akong nagmulat. Banayad na umihip ang malamig na simoy ng hangin. Hindi ko alam, but my instinct told me na parang may nakamasid sakin mula sa kung saan.
Tumayo ako sa pagkakaupo. Bahagya kong binanat ang likod ko at marahang nag-unat. Pasimple akong sumulyap sa paligid. Maganda siguro kung umalis na ko dito. Pupuntahan ko pa ang libingan ni Blake. Gusto kong ibalita ang pagtatapos ko sa kolehiyo. And I miss him too. Mahigit isang linggo na kong di nakakadalaw sa puntod nya. Naging busy kasi ako sobra. And also I don't know, but maybe I think it's the right time to move on. Para bitawan ko na sya.
I can't always hope for the past to comeback and repeat itself or for him to return. I will going to leave the past and look for the future. Alam kong yun din naman ang gusto nya para sakin. Ayaw kong umasa sa pangyayaring imposible nang maganap pa. Hindi ko naman sya kalilimutan. Ayaw kong kalimutan ang lahat. Kung kaya ko rin naman pati syang kalimutan, kaya ko nga ba? Alam kong hindi. Nakaukit na ang baliw na zombie na yun sa puso ko.
BINABASA MO ANG
MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]
RomanceMAKE HIS HEART BEAT AGAIN (Zerpent) Hindi sa kamatayan matatapos ang lahat. Hindi ito ang puputol sa taling nakakonekta sa dalawang taong iginuhit at pinagdugtong ng tadhana. Ivory is just a normal college girl. Simple lang ang nais n'ya gaya ng ib...
![MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/271243121-64-k628315.jpg)