Chapter 10
Ivory POV
Marahan akong bumangon sa pagkakahiga. Komportable akong naupo sa kama ko at itinuwid ang likod ko habang inuunat ang mga braso ko. Utay utay kong inilibot ang paningin ko sa buong kwarto at tumayo sa pagkakaupo. Maayos ang tulog ko ngayon. Walang Blake na tumabi at gumambala sa akin. Kaya hindi kinulang ang tulog ko. Buti at di na naulit pa yung panaginip ko kahapon, kung panaginip talaga yun.
Utay utay akong humakbang papalapit sa lamesa. Magtitimpla ako ng kape para naman mabawasan ang konting antok na nararamdaman ko. Bahagya akong sumulyap sa direksyon ni Blake na mahimbing na natutulog. Para talaga syang patay. Hindi humihinga. Tuwid na tuwid ang katawan nya sa sahig at nasa tiyan ang dalawa nyang kamay.
Napakamot ako sa ulo at bahagyang sumulyap sa orasan na nakasabit sa dingding. Kung anong oras na kasi pero tulog pa rin ang zombie na to. Medyo makapal lang ang mukha.
Inilayo ko ang mata ko kay Blake at bumuntong hininga. Mabagal kong hinalo ang tinitimpla kong kape. Pagkatapos noon ay dahan dahan akong naupo sa bangko malapit sakin.
Mabagal akong sumandal at pinaglapat ang talukap ng mga mata ko. Ilang araw na nga pala ang nakakalipas magmula ng magkakilala kami ni Blake sa sementeryo. Hindi ko na rin alam kung gaano katagal. Pero simula noon, nasira na ang buhay ko. Sobrang daming problema ang iniisip ko na di ko naman dapat pakialaman. Nabawasan na rin ang oras para sa sarili ko. Dapat nga inienjoy ko ang summer vacation ko pero napasok ako sa problemang ito.
Muntik na kong malaglag sa pagkakaupo ng biglang tumunog ang cellphone ko. The loud and rock-like ringtone of my phone hit my ears. Iyon ang tunog ng cellphone ko tuwing may tumatawag.
Dali dali akong tumayo at patakbong lumapit sa kama ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng unan. Sino naman kaya itong tumatawag. Ang agap naman nya para mambulabog. It's just six thirty at the morning, tapos may tumawag kaagad sa akin.
Mabilis kong sinagot ang cellphone ko. Hindi na ko nag-abala pang tingnan kung sino yun. Baka kasi importante at on the rush. Isa pa ngayon lang may tumawag sa akin ng ganitong oras. Kahit ngayon lang may pa suspense ang dating.
"Hello? Sino toh?" mahina kong tanong. Naupo ako sa gilid ng kama ko habang inaantay syang sumagot mula sa kabilang linya.
"Hello Ivory, baby."
That familiar baritone voice hit my ear. I like this voice. Tumaas ang sulok ng labi ko na parang nasa harap ko ang kausap ko. Na miss ko ang boses nya. Ang boses ng boyfriend ko na si Avron. Hindi ko na alam kung kailan kami huling nakapag-usap. Ngayon ko lang uli nadinig ang boses nya . And I miss it so much.
Tumuwid ako sa pagkakaupo. Mahina akong tumikhim, to clear my throat. "Hello baby, napatawag ka?"
"Uhm Ivory, pwede ba tayong magkita ngayon? I miss you."
Matamis akong napangiti. Dahil sa sweetness na yan kaya ako lalong nahulog. Na miss nya ko. At parang ganun din ako sa kanya. Ilang araw na ring di kami nagkikita. Iyon ay dahil napunta ang atensyon ko sa iba. Looks like napakasama kong girlfriend.
"S-sure, saan ba?"
Mahina syang tumawa. Umawang ang labi ko. Bibihira lang kasi si Avron tumawa at napakadalang ko iyong madinig. Kaya lagi akong nagugulat pag tumatawa sya. Nabibilang lang siguro sa daliri.
"Parang medyo malilimutin na ang girlfriend ko. Syempre doon sa paborito nating restaurant."
Tumatawa nyang sabi.
Sumabay na lang ako sa pagtawa saka napakamot sa ulo. Siguro medyo makakalimutin na nga ako dahil sa stress pero kung alam lang nya ang pinagdadaanan kong problema.
"S-sorry na Av... See you there."
Agad akong tumayo sa pagkakaupo at lumapit sa lamesa ko. I slowly drink my not so hot coffee.
BINABASA MO ANG
MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]
RomanceMAKE HIS HEART BEAT AGAIN (Zerpent) Hindi sa kamatayan matatapos ang lahat. Hindi ito ang puputol sa taling nakakonekta sa dalawang taong iginuhit at pinagdugtong ng tadhana. Ivory is just a normal college girl. Simple lang ang nais n'ya gaya ng ib...
![MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/271243121-64-k628315.jpg)