Chapter 11

9 4 0
                                    

Chapter 11
Ivory POV

Mas lalo kong nilakihan at binilisan ang bawat hakbang ko. Kanina ko pa nararamdaman na may sumusunod sa akin. Masama ang pakiramdam ko doon. Nagwawala na rin sa bilis ang puso ko at namamawis ang palad ko.
Kagagaling ko lang sa restaurant. At wala pang sampung minuto ng umalis ako doon. Halos katatapos lang naming kumain ni Raz. Mukhang mabait naman sya. Maingay din syang kasama at kung ano anong sinasabi. Kung ako nga lang, di ako maniniwala na kaya nyang patayin si Blake.

Nagpatuloy lang ako sa lakad takbo pabalik sa apartment. Bakit ba naman kasi nagsuot ako ng may takong na sapatos.

Halos mag-aalas dose pa lang ng tanghali. Tirik na ang sikat ng araw pero nakakaramdam ako ng kaba. My heart is pounding fast out of my chest. Maliban sa sumusunod parang may kakaiba.

Mabilis akong lumiko sa maliit na iskinita. Marahang umihip ang malamig na hangin. It send chill all over my body. Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Napaka kakaiba kasi na umihip ang ganoong hangin sa ganitong oras.

Noong huli itong nangyari ay may umatake sakin sa lugar ding ito pero dumating noon si Blake para iligtas ako.

Ipinilig ko ang ulo at mas binilisan ang aking mga hakbang. Baka sobra lang akong nag-iisip. Dahil na rin sa nangyari noon. Nagiging paranoid na rin ako gawa ng mga pinoproblema ko. At dahil din siguro sa stress kay Blake.

Bahagya akong pumikit at humugot ng malalim na hininga. Utay utay kong pinaghiwalay ang talukap ng aking mata. Napako ako sa kinatatayuan ko. Napatitig lang ako sa lalaking naka tayo sa unahan ko. Nakaharang sya sa dadaanan ko na ilang dipa ang layo sakin. Hindi ako makakilos kahit malayo pa sya sakin.

He's wearing a black coat with black polo and necktie, bilang panloob. Natatahuban din ang mukha nya ng itim na sambalilo. Kagaya ng unang umatake sakin dito. Pero iba ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi sya ang umatake sakin dati, iba sya. Mas madilim at nakakatakot ang awra na nagmumula sa kanya. Mas masama at mas nakakatakot, mas delikado.

Parang nalunok ko ang dila ko. I froze, sa kinatatayuan ko. I can't move a muscle. Hindi ko magawang makagalaw sa pwesto ko. He slowly withdraw a sword na di ko alam kung saan nanggaling. Mabagal nya yung itinaas at itinutok sakin. Nawala ako sa balanse.

Agad na nanlaki ang mata ko ng biglang may sumalo sakin. Marahan nya kong itinayo ng tuwid at hinawakan sa kamay. Mabilis syang umalis sa likod ko at humakbang papunta sa harapan ko saka humarang doon.

"Ayos ka lang ba Ivory?" biglang tanong ni Raz. Bahagya syang sumulyap sakin. Biglang nagtama ang paningin namin na mabilis kong kinaiwas sa kanya ng tingin.

Mahina akong tumango. "Oo, Ayos lang ako. Salamat sayo."

Agad na tumaas ang sulok ng labi nya. Mabilis nyang ibinalik ang tingin sa harapan at lalo akong itinago sa likod nya. Hindi ko makita kung anong ginagawa noong lalaki dahil nakaharang si Raz sa harap ko. Pero ano kayang ginagawa ni Raz dito ngayon. At bakit sya narito. Sya ba yung kanina pa sumusunod sakin.

Biglang binitawan ni Raz ang kamay ko. Muntik na kong mapasigaw ng biglang gumalaw si Raz dahilan para makita ko yung pasugod na lalaki samin. Agad na nailagan ni Raz ang unang atake. Marahang umurong yung lalaki at muling umatake papunta sakin. My breath caught in my throat ng sanggain ni Raz yung espada gamit lang ang kamay nya. And slowly the red thick liquid drift down his arm.

Natutop ko ang bibig ko. At habol ang hiningang napatitig sa kamay ni Raz. My heart is pounding out of my chest. Pabulong akong humingi ng tulong.

Marahan akong humakbang paurong. Hindi lang dapat ako nakatayo dito. Kailangan kong maghanap ng tutulong samin, pero di ko maiwan dito si Raz. I don't want to leave him here alone facing that guy. Nandito sya dahil sakin at di kakayanin ng konsensya ko na mapahamak sya.

MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon