Chapter 3

20 4 0
                                        

Chapter 3
Ivory POV

Marahan kong idinilat ang mga mata ko saka bahagyang kumisap. Utay utay akong nag-unat habang mabagal na inililibot ang paningin ko sa kabuuhan ng aking silid. Anong oras na ba ko nakauwi kagabi? Di ko maalala. Pero isang bagay lang ang natatandaan ko, ang zombie na si Blake.

Tinakpan ko ang bunganga ko saka humikab. Mabagal akong bumangon sa pagkakahiga at tumuwid ng tayo. Wala naman akong proproblemahin ngayon. Siguro ang lahat ng nangyari kagabi ay pawang mga panaginip lang. Kailan pa ba nagkazombie sa realidad.

Mahina akong natawa sa naisip ko at pasimpleng umiling. Kaagad kong hinanap ang tuwalya ko pero hindi ko makita. Saan ko nga ba yun huling nilagay? Limot ko na rin. Hindi ko na rin maalala kung kelan ako huling naligo? Hindi ako naligo kahapon eh. Pero siguro nasa banyo ko lang ang tuwalyang iyon.

Mabagal akong humakbang palapit sa banyo ko. Hahawakan ko na sana ang doorknob ng pinto ng agad iyong bumukas. Kusang nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kabila ng pinto.

Nanlalaki ang mata kong napahakbang paurong. Nakatayo sa kabila ng pinto ng banyo ko ang zombie na nakita ko kagabi, si Blake. Mukhang bagong ligo pa lang sya dahil umaagos ang patak ng tubig sa katawan nya.

Walang kahit anong nakabalot sa pantaas nyang bahagi at tanging ang tuwalya ko lang ang tumatakip sa pangibaba nyang katawan.

Napatitig ako sa katawan nya. Medyo bakat na ang ribs sa dibdib nya. Sobrang putla na nang kulay ng balat nya pero di ko pa rin maikakaila na bakas ang magandang hubog ng  kanyang katawan.

Mabilis akong napalunok ng laway saka agad na ipinilig ang aking ulo. Hindi ngayon ang oras para mamangha ako sa katawan nya. At isa pa, patay na sya para pagnasaan ko. Ilang beses ko na rin namang nakita ang katawan nya sa mga fasion magazine.

Mas may higit pa ko doong problema. Nakatayo sya ngayon sa harapan ko at isa lang ang ibig sabihin noon. Hindi panaginip ang lahat ng pangyayari kagabi. Totoo na tinanggap ko na tutulungan ko sya. At ang pangakong hahanapin namin ang hustisya.

Mariin akong napapikit kasabay ng mahinang pagsabunot sa buhok ko. Ano ba tong kalokohang pinasok ko. Mukhang ginawa ko ngayong misirable ang buhay ko.

Humugot ako ng malalim na hininga. Mukhang wala na rin naman akong magagawa. Paninindigan ko na itong ginawa ko. Bumuga ako ng malakas na hangin at dahan dahang nagmulat. Muntik na kong mapasigaw at mapaupo dahil sa bumugad sakin. Napakalapit ni Blake sa akin at halos magdikit na ang mga mukha namin.

Bigla akong napaatras paurong pero natapid ako sa paa ko at agad na nawalan ng balanse. The next thing happened, I found myself crashing. Mabilis na naabot ni Blake ang kamay ko at hinila ako patayo.

Gumuhit ang sakit sa pwet ko. Mariin akong napapikit at hinimas iyon. Marahan akong nagmulat at nagtatakang tiningnan ang malamig na nakapulupot sa kamay ko. Parang nalunok ko ang dila ko at pigil ang hiningang itinapon kay Blake ang nahugot nyang braso.

Tumatawa nya iyong sinalo at muling ikinabit sa katawan nya. Agad ko syang sinamaan ng tingin na lalo lang kinatawa ng loko. Kahit kailan talaga di na ko magtitiwala sa zombie na toh.

Dahan dahan akong tumayo at lumayo sa kanya. Muli kong hinimas ang bumagsak kong pwet at naupo sa kama.

Parang wala lang nangyari na pumunta sa harap ko si Blake saka mahinang itinaas ang gilid ng kanyang labi. Bahagya syang nagkamot sa ulo.

Lalong kumunot ang noo ko at masama syang tinapunan ng tingin. Ano na naman kaya ang irerequest ng zombie na to. Perwesyo na sya sakin eh.

"Hey Ivory..."

"Ano na naman yun?!"

"Kasi wala akong damit na isusuot ngayon eh."

Lalong kumunot ang noo ko sa inis. Naniniwala na talaga akong walang utak ang mga zombie. Alam naman kasi nya na wala syang isusuot na damit tapos naligo ligo pa. Talagang sumusobra na ang zombie na to.

MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon