Chapter 14
Ivory POV
Dahan dahan kong iniangat ang talukap ng mga mata ko. Ilang beses akong kumurap saka gumalaw sa inuupuan ko. Hindi ko maikilos ang katawan, kamay at paa ko. Ramdam ko ang paghigpit ng kung ano sa pulsuhan ko. Hindi ko yun makita dahil nasa likod ang mga kamay ko.
Pinilit kong tumayo pero hindi ako makakilos dito sa bangko. I can't move a single part of my body. Ang higpit ng katawan ko. Ang hirap huminga na parang may nakadagan sa dibdib ko. Ano bang nangyayari? Nasaan ako at di ko magawang makakilos.
Inilibot ko ang mata ko. Nasa di ako pamilyar na silid. Hindi lang basta silid, isang luma at abandonadong gusali. Halos malaglag na kasi ang mga nabibitak bitak na semento ng mga haligi nito. May mga grafiti art at sulat ang pader nito na halos lumain na ng panahon. Naglalabasan na rin ang mga bakal sa kalumaan.
Wait a minute, hindi ko matandaan ang huling nangyari. Wala akong maalala kung bat ako narito. Ano bang ginagawa ko sa lugar na ito. Bat di ako makagalaw.
Mahina akong napamura. Baka pumunta na sa apartment ko si Cassia. Problema iyon kapag nagkita sila ni Blake. Crush pa man ng loka loka na yun si Blake. Kailangan ko nang umalis dito.
Mariin akong pumikit at pilit inalala ang mga nangyari. Mabilis akong napamulat saka nanlaki ang mga mata ko ng may nagdaang pangyayari sa utak ko. Hindi aksidente na narito ako. May kung sino ang tumakip sa ilong ko ng panyo, driving me unconscious. Mabilis akong nagbaba ng tingin sa katawan ko, I was tied up. Nakagapos ako kaya di ako makagalaw.
I was kidnap pero sino naman ang gagawa nito sakin. Mahirap lang naman ako. Hindi ko alam kung bat ako narito. At ako ang naisipang kidnapin ng kung sino mang yun. Wala naman kasi akong maalalang kaaway.
Mabilis kong iginalaw ang kamay ko at pinilit alisin ang tali sa pulsuhan ko. Ang hapdi ay dahan dahang dumaloy mula doon. Alam kong may sugat na yun. Pero wala akong ibang magagawa. Kung kinidnap man ako. Kailangan kong makaalis dito. Ako na mismo ang gagawa ng paraan para makawala sa pagkakagapos at makatakas sa kung sino mang dumukot sakin.
Sinubukan kong sumigaw pero di ko magawang ibuka ang bibig ko. May kung anong nakadikit doon na pinipigilan akong mag-ingay. Bat di nga ba ko nag-iisip. Normal na sa isang kidnaping na may busal sa bibig. It's a cliché.
Muli kong inilibot ang mga mata ko. Wala akong makita na kahit sino na posibleng kumidnap sakin. Kahit man lang ugly bad boy na nagbabantay ay wala. Pero nasaan sila? At sino ba ang dumukot sakin. Wala akong pera kaya wala naman silang mahihita sa akin na kahit ano.
Nanlaki ang mga mata ko. Or not, baka meron nga. Maybe their up to my virginity, di kaya rereypin nila ako. Pilit kong iginalaw ang bewang ko. Wala naman akong nararamdamang ano mang uri ng sakit sa pagkababae ko at isa pa, hindi nagalaw ang suot kong damit.
Bahagya akong bumuga ng hininga. Muli kong pinilit na kalasin ang tali sa kamay ko. Kailangan ko nang makaalis dito. Kung ano man ang habol nila sakin, alam kong di iyon maganda. Agad akong nagwala sa pagkakatali. Kahit anong pilit hindi ko maalis ang lubid na nakagapos sakin. Parang lalo pa yung humihigpit.
"Gising ka na pala Ivory."
A very familiar voice hit my ears. Napahinto ako sa ginagawa ko. It's not true. Habol ang hiningang hinanap ko kung saan iyon nanggaling. Di kaya nagkamali lang ako ng dinig. Maybe my ears are playing with me. O kaya pinagtritripan na naman nya ko.
Lalong nanlaki ang mga mata ko ng pumunta sya sa harap ko. Nakaguhit ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. Iba rin ang ekspresyon ng mga mata nya ngayon. But I don't care. Masasapak ko talaga sya kapag nakawala ako dito. Pinagtritripan na naman nya ko. I know that it's one of her pranks. Pero sumosobra na talaga sya.
BINABASA MO ANG
MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]
RomanceMAKE HIS HEART BEAT AGAIN (Zerpent) Hindi sa kamatayan matatapos ang lahat. Hindi ito ang puputol sa taling nakakonekta sa dalawang taong iginuhit at pinagdugtong ng tadhana. Ivory is just a normal college girl. Simple lang ang nais n'ya gaya ng ib...
![MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/271243121-64-k628315.jpg)