Chapter 8
Ivory POV
Halos lumuwa ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking nakatayo ilang metro ang layo sakin. Lalo kong inaninaw ang mukha nya. Nakatayo sya ngayon sa tapat ng isang pinto. Nandito talaga si Raz. Pero anong ginagawa nya dito. Maaaring namamalik mata lang ako.
Mariin kong pinaglapat ang talukap ng aking mata. Mabagal akong nagmulat at dalawang beses kumisap. Hindi ako namamalik mata, nandito talaga si Raz. Bakit ba sya nandito?
Marahan syang humugot ng malalim na hininga. Mabagal syang luminga sa kabilang direksyon na parang naniniguro na sya lang ang narito at walang nakakakita sa kanya. I almost caught my breath ng utay utay syang lumingon patungo sa direksyon ko. Makikita nya ko pero hindi ako makakibo sa kinatatayuan ko.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlalambot ang tuhod ko. I can't move my legs. Di ko alam kung bakit ba ako kinakabahan kay Raz. Pero iba talaga ang pakiramdam ko sa kanya. Parang napakamisteryoso nya. Napakaraming sekretong tinatago.
Isang kamay ang biglang humatak sa akin bago pa man ako makita ni Raz. He pin me into the wall. His hand is pressing, katabi ng ulo ko habang nakaharang ang braso nya sa may mukha ko. Sobrang seryoso ng mukha nya. Utay utay nyang inilapit iyon sa mukha ko at direktang tumingin sa mata ko.
Natuyo ang lalamunan ko at parang numipis ang hangin sa paligid. Gahibla na lang ng buhok ang layo ng labi namin sa isa't isa. He look directly to my eyes. Iba iba ang emosyong naroroon at di ko iyon mapangalanan.
My heart is pounding out of my chest. Di ko alam kung dahil ba yun sa kaba kay Raz o dahil sa ginawa ni Blake.
"Hey... Is their any problem, bro?" biglang sabi ni Raz. His voice send chill all over my body. The sound of his shoes echo to my ear. Papalapit iyon at papalakas ng papalakas. Di ko alam ang gagawin. Lumalapit na sya samin. Pano kung makilala nya si Blake at makita nya kaya ako tapos tanungin kung ano ang ginagawa ko dito?
Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Mariin akong pumikit at humugot ng malalim na hininga. Agad din akong nagmulat at tumingin kay Blake. Walang bahid ng pag-aalala ang mukha nya.
Hindi nag-angat ng mukha si Blake kay Raz. Nanatili lang syang nakatitig sa akin. "Wag kang gagalaw. I'll explain everything to you later," bulong nya.
"What? Ano yung ipapaliwanag mo mamaya?"
"Wag kang magrereact..." seryoso nyang sabi. Mahina akong tumango at nanatiling nakatitig sa kanya. "... I think he's the murderer, my killer. Mamaya ko na sasabihin kung bakit."
Halos lumuwa ang mata ko at bahagyang umawang ang labi ko. Hindi ko lubos maisip na kayang gawin yun ni Raz. Mukhang mabait naman sya. Pero kung si Raz ang maaaring pumatay kay Blake. Bakit di man lang siya nag-aalala? At dahil siguro sya nga ang killer, kaya iba ang pakiramdam ko kay Raz.
Mahina akong napamura. Papalapit pa rin sa amin ang isang may posibilidad na killer at wala pa rin kaming ginagawa. "You mean isa sya sa pinaghihinalaan mo?"
Marahan lang syang tumango. Bahagya syang sumulyap sa direksyon ni Raz. Agad syang nagbalik ng tingin sa akin at tumitig sa mata ko. "He's coming... Don't make any move at sabayan mo na lang ako."
Bago pa man ako makapagsalita, he press his lips into mine. Inukupa nya yun lahat at hinalikan na parang kanya. Nablangko ang utak ko. Di ko alam ang gagawin o kung anong reaksyon ang nararamdaman ko.
Agad na nanlaki ang mata ko. Pero di ako gumawa ng kahit ano gaya ng sinabi nya. Di ko sya tinulak o sinapak man lang ng malakas. Siguro dahil sa takot kay Raz. Life over first kiss. O dahil gusto ko rin ang pakiramdam ng labi nya sa labi ko. Di ko na alam ang nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]
RomanceMAKE HIS HEART BEAT AGAIN (Zerpent) Hindi sa kamatayan matatapos ang lahat. Hindi ito ang puputol sa taling nakakonekta sa dalawang taong iginuhit at pinagdugtong ng tadhana. Ivory is just a normal college girl. Simple lang ang nais n'ya gaya ng ib...
![MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/271243121-64-k628315.jpg)