Chapter 7
Ivory POV
Bahagya akong sumulyap sa direksyon ni Blake. Ala-una na siguro ngayon ng gabi. Nagtatago kami ngayon dito sa likod ng malagong halaman katapat ng apartment na tinitirhan nya dati. Mas maganda daw kasi kung sa mismong crime scene kami pumunta para nag-imbistiga.
Mataas ang gusali na kinaroroonan ng apartment nya. Mga sampung floor siguro. May doble iyong malaking pintong gawa sa bubog. At may mahigpit at magandang security system.
Marahan kong ibinalik ang tingin kay Blake. Marahan ko syang pinasadahan ng tingin. Suot nya ngayon ang mga damit na binili namin kahapon sa mall. It's a brown coat na abot hanggang tuhod ang haba. Pinailaliman nya ito ng isang black T-shirt at black na pants.
Lalong kumunot ang noo ko ng lumingon sya sakin. Nakasuot din kasi sya ng black na sombrero at face mask. At kahit nasa kalagitnaan kami ng dilim ng gabi ay may suot syang sun glasses. Sinamaan ko sya ng tingin. May nakikita pa ba sya sa lagay nyang yan. Mas mapagkakamalan pa syang killer sa suot nya.
Nakasimangot ko syang tinitigan kasabay ng panliliit ng mata. Mas mapapansin kami sa mga suot nya at ang masama pa sa lahat ay baka akalain nilang holdaper ang zombie na to.
Marahan akong humugot ng malalim na hininga at inilayo ang tingin sa kanya. Dapat kanina pa lang sa apartment ko ay pinigilan ko na syang suotin ang bagay na yan. Bakit ba kasi ako sumama sa baliw na to. Nakakaasar na talaga sya.
"Tara na Ive. Dalian mo, were all crear," bigla nyang sabi. Mabilis syang lumabas sa pinagtataguan namin at pinagpag ang dumi na kumapit sa suot nya.
Mabagal akong tumayo at tinalikuran sya. Bahala sya dyan. Di ako sasabay sa baliw na zombie na yan. Ayaw kong mapagkamalang may tama sa utak o kaya ay luwag ang turnilyo sa ulo dahil sa kagagawan nya.
"Hey Ive wait up. Ang bilis mo masyadong maglakad."
Hindi ko sya pinansin at lalong pinalaki at binilisan ang mga hakbang ko. Ayaw ko syang pansinin.
Mabilis nyang nahablot ang braso ko at pinigilan ako. Naaasar akong lumingon sa kanya at matalim ang tinging ipinukol sa pagmumukha nya.
"Galit ka ba Ive? Sorry... Sabay na tayo."
Tumango na lang ako at inantay syang makapantay sa akin. Di ko alam kung bakit sa simpleng sorry ay nawala lahat ng inis na nararamdaman ko sa kanya. Marahan akong humugot ng malalim na hininga at itinaas ang sulok ng labi ko sa kanya.
Mabagal akong humarap sa gusali kung nasaan ang apartment nya saka nagsimulang naglakad. Mabagal ang aking bawat hakbang para makasabay sya. Bat ba kasi ang bagal bagal nya. Nakakairita lang kasi ilang segundo ang inaabot ng sunod nyang hakbang.
"Act natural Ive, wag kang papahalata na mamamasok tayo ng apartment."
Muling kumunot ang noo ko. Pinanliitan ko sya ng mata at matalim na tumingin sa kanya. Bwesit na talaga ang zombie na ito. Sa aming dalawa sya yung kahinahinala. Sya yung pansin agad. Tsk, attention seeker kasi. Di ko nga alam kung niloloko na lang ako ng zombie na to at pinagtritripan. Parang tuwang tuwa pa sya na nabwebwesit ako.
Hindi na ko umimik pa. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pilit na sumabay sa kanya. Baka kasi di na ko makapagpigil, may kasama nang batok yung sagot ko. Ayaw ko na ring patulan ang mga kabaliwan ng lalaking to.
Mahina akong pumikit saka sunod sunod na humugot ng malalim na hininga. Ayaw kong punuin ng badmoods at bad vibes ang gabi ko. Baka mapatay ko pa ang zombie na kasama ko. Nakakaawa naman siguro sya kung madodouble dead sya.
"Wag kang overreact Ive, malapit na tayo," bigla nyang sabi na kinamulat ko. Agad nawala lahat ng pagpapakalma ko. I know my limitations and patience at alam kong sasabog na ko sa inis anytime.
BINABASA MO ANG
MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]
RomanceMAKE HIS HEART BEAT AGAIN (Zerpent) Hindi sa kamatayan matatapos ang lahat. Hindi ito ang puputol sa taling nakakonekta sa dalawang taong iginuhit at pinagdugtong ng tadhana. Ivory is just a normal college girl. Simple lang ang nais n'ya gaya ng ib...
![MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/271243121-64-k628315.jpg)