Chapter 6
Ivory POV
Marahan kong inilibot ang mata ko sa loob nitong mall. Kinakabahan kong pinagmasdan ang mga taong nakakasalubong namin at bahagyang sumusulyap kay Blake. Halos kararating lang namin dito at wala pang sampung minuto ang nakakalipas.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang naghahanap ng tindahan ng damit. Plano kasi naming maghanap ng gagamitin nya pang disguise. Para mas madali kaming makalabas pag nag-iimbistiga na sa nangyari sa kanya.
Bahagya akong lumingon sa direksyon ni Blake. Naglalakad sya sa tabi ko habang nakatungo. Nakataklob sa ulo nya yung hood nang jacket pero di pa rin ako makampante. Baka kasi biglang may makakilala sa kanya. At isa pa iyong malaking problema. Ayaw ko nang madagdagan pa ang isipin ko. Nagsisisi na talaga ako na tinanggap ko na tulungan sya.
Marahan syang lumingon sa direksyon ko dahilan para magtama ang mga paningin namin. Mabilis na tumaas ang sulok ng kanyang labi. Ngumiti ako pabalik saka bahagyang sumulyap sa harapan.
"Nagugutom ka na ba Ive?"
Mahina akong natawa. Agad kong ipinilig ang ulo ko. Kararating pa lang kasi namin. At ang masama sa lahat, pagkain na naman ang hinahanap nya.
Ibabalik ko na sana ang tingin sa harapan ng biglang isang matigas at may kalakihang katawan ang bumangga sa akin. Nawalan agad ako ng balanse at dumulas ang isa kong paa sa tiles. Direkta akong babagsak sa sahig.
Mahina akong napamura at mariing napapikit. Agad kong inihanda ang katawan ko sa pagbagsak. Magkakapasa pa ko ng wala sa oras.
Isang kamay ang agad pumulupot sa kamay ko. Mainit iyon at sobrang kinis. At ang pwersa mula doon ang humila sa akin patayo bago pa ko tuluyang lumagpak sa sahig.
"Sorry miss. Ayos ka lang ba?" Isang malalim at baritonong boses ang tumama sa tenga ko. Hindi sya cold pakinggan pero, it send chills all over my body.
Mabilis akong nagmulat at nanlalaki ang matang tumingin sa harapan ko. Isang lalaki ang nakatayo doon. Katamtaman lang ang kanyang katawan na may kataasan. Kapansin pansin ang makinis at kumikinang niyang kayumangging balat. He also have this raven sharp eyes na pinaresan ng matangos at patilos niyang ilong. Napakapula ng kayang labi at kumikinang iyon sa tama ng liwanag ng ilaw.
Para syang artista sa Hollywood na kahit sino ay malalaglag ang panty sa kanyang ngiti. Pero parang nakita ko na sya somewhere. Di ko lang talaga maalala kung saan o kailan.
Agad kong ipinilig ang ulo ko. Kung ano ano na kasi ang naiisip at napapansin ko. At isa syang estranghero. At di ko ugaling makipag-usap sa kanila. Mabilis akong nagbaba ng tingin. Ayaw kong makipagtitigan sa kanya. Hindi ako komportable lalo na sa mga tingin nya.
Muling nanlaki ang mata ko ng tumama iyon sa kamay kong hawak pa rin nya. Mabilis lumiyab ang mukha ko. Parang umakyat doon lahat ng dugo sa katawan ko. Agad kong hinatak ang kamay ko at binawi iyon sa kaniya. Napaka-chansing talaga ng mga lalaki. Pagnakakuha ng opportunity ay kinukuha agad.
"O-Oo, A-ayos lang a-ako. Thanks sa tulong mo."
Sumulyap ako sa direksyon ni Blake. Mas nakatungo sya ngayon at di ko makita ang mukha nya pero parang biglang dumilim ang awra nya. Siguro nag-iimagine lang ako.
Kailangan ko nang umalis dito. Ayaw ko nang kausapin pa ang lalaking bumangga sakin. Iba talaga ang kutob ko sa lalaking yun. Mahinang tumikhim yung lalaki pero di nako lumingon sa direksyon nya. Mabilis kong hinawakan ang malamig na kamay ni Blake. Hihilahin ko na sya paalis. Di ko naman kasi sya pwedeng iwanan na lang dito.
"By the way,miss. Razven nga pala," biglang sabi noong lalaki.
Nag-aalinlangan akong lumingon sa direksyon noong lalaki. Nagtama bigla ang paningin namin na kinababa ko ng tingin. Nakalahad ang kamay nya sa harapan ko. Di naman siguro masama ang hangarin nya sakin. At wala syang balak na masama sa akin.
BINABASA MO ANG
MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]
RomansMAKE HIS HEART BEAT AGAIN (Zerpent) Hindi sa kamatayan matatapos ang lahat. Hindi ito ang puputol sa taling nakakonekta sa dalawang taong iginuhit at pinagdugtong ng tadhana. Ivory is just a normal college girl. Simple lang ang nais n'ya gaya ng ib...
![MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/271243121-64-k628315.jpg)