Prologue

40 6 2
                                    

Prologue

Ivory POV

"Uy friend, alam mo na ba yung balita?" biglang tanong ni Cassia na sekreto kong kinasulyap sa kanya.

"Uhuh? Anong balita ba yun?" Walang gana kong sagot saka humigop ng kape. Inilayo ko ang tingin sa kanya at sumulyap sa labas ng cafeteria.

Hindi naman kasi ako interisado sa kung anong balita na sinasabi sa akin ni Cassia. Humugot ako ng malalim na hininga kasabay ng bahagyang paghalumbaba.

"Yung tungkol kay Blake Fascal, friend."

Mahina lang akong tumango at nanatiling malayo ang tingin sa kanya.

"Nakakaawa naman sya, bes." Bakas sa boses nya ang lungkot na kinasulyap ko sa direksyon nya. Bakit ba kasi sya nalulungkot sa bagay na yun. At ano bang pakialam namin sa Blake na yun. I don't even know him personally.

"Yun ba yung modelo?" mahina kong tanong saka muling uminom ng kape.

"Yes friend that's him."

Tumango lang ako at agad umayos ng upo. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto ng cafeteria na kinalingon ko doon. Agad pumasok doon si Avron, siya ang five years ko nang crush. He have this smooth amber skin. Meesy pa rin ang ayos ng itim na itim nyang buhok. May katamtaman rin syang katawan at medyo may kataasan.

Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa makaupo sya sa isang bakanteng table. Kusang tumaas ang sulok ng labi ko habang nakatitig sa kanya. Para tuloy may mga paro paro na nagliliparan sa tiyan ko.

Napalunok na lang ako ng laway ng mabagal syang humigop ng kape.

Ang hot nya habang ginagawa iyon. At bakit ang gwapo nyang tingnan. I don't know but everytime yata sya gwapo. Specially sa paningin ko. I started having a crush on him since highschool. Noong time na nabangga nya ko sa hallway.
But I feel disappointed to my self. Kasi sa mga nababasa ko sa libro pagnabangga yung babae noong lalaki mafafall sila pareho. Pero bakit parang sakin lang tumama. Ang daya ni tadhana, one sided love.
Mahina akong napahigop ng malalim na hininga at napakamot sa ulo. Bakit ko nga ba iexpect na mangyayari yun. Nasa real world ako at walang fantasy dito. Those such fiction. Nagpapaasa lang yun.
Hindi ko inalis ang titig kay Avron ng biglang may kumurot sa bewang ko. Agad akong napatingin kay Cassia na masama na ang tingin sa akin.

"Nakikinig ka ba Ivory sa sinasabi ko?" Nagrereklamo nyang tanong na kinakunot ng noo ko. Inilayo ko ang tingin sa kanya at pasimple uling sumulyap kay Avron.

"Ano ba yung sinasabi mo at ang init init ng dugo mo?" Naiinis kong tanong saka humigop ng kape.

"Sabi ko kawawa naman si Blake."

Tumango ako at pasimpleng sumulyap sa kanya, "kala ko naman kung ano nang importante," mahina kong bulong.

Mabilis nangunot ang noo nya kasabay ng pagsama ng tingin sa akin. Tama naman kasi yung sinabi ko, bat sya magagalit. Wala naman talagang importante sa bagay na yun.

"Ano?!"

Agad akong umiling sa kanya saka lumayo ng tingin.

"Wala lang yun," walang kwenta kong sagot saka muling tumitig kay Avron.

Malakas na bumuga ng hininga si Cassia na kinatingin ko uli sa pwesto nya. Nakasimangot syang tumingin sa akin na lalong kinakunot ng noo ko.

"Porke at nakikita mo na ngayon ang love of your life di mo na ko papansinin. Dapat nga dinadamayan mo ko sa pag-eemote ko." Reklamo nya bago mag-iwas ng mata sakin.
Muli akong napahugot ng malalim na hininga at direktang lumingon sa kanya. Mahina kong tinapik ang balikat nya kasabay ng pilit na ngiti.

MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon