Chapter 16

9 3 1
                                    

Chapter 16
Ivory POV

Pigil ang hiningang ibinalik ko sa likuran ko ang mga kamay ko. Baka mahuli ako ni Avian na tumatakas, patayin pa ko noon ng wala sa oras. Ayaw kong mamatay ng birhen.

Sekreto akong lumunok ng laway at nanatiling nakatingin sa pintong dahan dahang bumubukas. My heart is racing so fast inside my chest. Para na yung tatalon palabas sa dibdib ko at kakaripas ng takbo sa takot. Basa na nang pawis ang mga palad ko at umaagos na sa noo ko ang malamig at buo buong pawis.

Halos lumuwa ang mga mata ko ng pumasok doon si Raz. Biglang nagtama ang paningin namin. Nag-aalangan akong nagbaba ng tingin. Hindi ko alam kung kalaban ba sya o kakampi. Nag-aalinlangang ako kung magtitiwala ako sa kanya. Nakarating sya kung nasaan ako. Hindi ba kataka taka yun. Hindi ko alam kung paano nya ko nahanap at nalaman ang kinaroroonan ko.

Madaming tanong ang naglalaro ngayon sa utak ko. Natatakot na ko uling basta magtiwala. Dalawa sa pinakamalapit na pinagkakatiwalaan ko ang trinaydor ako, my best friend and my boyfriend. Ayaw ko nang maulit pa ang bagay na yun.

Sekreto akong sumulyap kay Raz. Mabilis syang luminga at patakbong lumapit sakin. "Ayos ka lang ba Ivory?" Nag-aalala ang boses nya habang nagtatanong.

Hindi ako nakasagot at tanging tango lang ang nagawa ko. Naguguluhan na ko kung dapat ko ba syang pagkatiwalaan. Dali dali syang lumuhod at pumantay sa akin. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng sinimulan nyang kalasin ang tali sa paa ko.

"Itatakas kita dito Ivory, don't worry."
I was shocked dahil sa sinabi nya. Ibig ba noong sabihin di sya kalaban. Bahala na nga, pagkakatiwalaan ko na lang sya. I don't have any other choice. Pwede naman akong pumili, kung sa kamay ng baliw na killer o dito kay Raz. Wala naman siguro si Raz dahilan para saktan at maghiganti sakin.

Humugot ako ng malalim na hininga saka sekretong lumunok ng laway. "P-pano mo ba ko nahanap?"

Huminto sya sa pagkakalas ng tali sa paa ko at nag-angat ng tingin sakin. Direkta syang tumitig sa mga mata ko at matamis na ngumiti. "Blake told me na kagabi ka pa di umuuwi."

Kumunot ang noo ko. Parang biglang kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi ni Raz. Nakakairita talaga ang zombie na yun. Hindi man lang ako hinanap. Umasa pa talaga sya kay Raz para hanapin ako.

Hindi ko alam kung bat ako naiinis kay Blake. Pero parang biglang uminit ang ulo ko kasi parang hindi man lamang sya nag-alala sakin. Parang wala kasi syang pakialam sa kung anuman ang mangyari sakin.

"Sobrang nag-aalala na daw si Blake sayo. He's dead worried. Hinanap ka daw nya pero di ka talaga nya makita. Di na nga daw nya alam ang gagawin eh, that's why he call me." Nang-aasar ang boses ni Raz but there's a hint of another emotion on his voice pero di ko na yun pinansin.

Nakakaloko syang tumitig sa mata ko saka tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Kinikilig ka noh."

"A-ano? Hindi kaya."

Mahina syang tumawa at parang kinikilig na ibinaba ang tingin sa tali sa paa ko. "Umamin ka na kasi. Kitang kita naman."

"Oo na, kinikilig ako. Gusto ko naman kasi sya."

"Gusto?" nakangiti nyang sabi saka sumulyap sa mata ko.

May kung anong emosyon sa mata nya. Lumayo ako ng tingin at lumunok ng laway. Sana di nya nakita ang emosyon sa mga mata ko. Sana di nya iyon napansin.

"Pano mo nga nalaman kung nasan ako." Pag-iiba ko ng usapan. Ayaw kong halungkatin at alamin nya pa ang nararamdaman ko kay Blake. Akin na lang yun, at kung pwede pati kay Blake.

Bahagya syang ngumisi at muling ibinalik ang tuon sa pag-aalis ng tali sa paa ko. A sudden expression flash to his eyes bago pa sya magbaba ng tingin. Napakamisteryoso talaga ni Raz. Mukhang may inililihim sya sakin. Parang pinipilit nyang ipakita pero ayaw nyang sabihin.

MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon