Chapter 18

23 4 0
                                        

Chapter 18
Ivory POV

Marahan kong inilibot ang tingin ko sa loob nitong parke. Hinahanap ko ngayon si Blake. Nakaalis na sya paggising ko kaninang umaga. Nag-iwan lang sya ng isang sulat kasama ng niluto nyang agahan ko. Dito nya ko pinapupunta ng ganitong oras.

Mukhang seryoso talaga sya. Pumayag ako sa tanong nya kagabi, na kung maaari daw ba kaming magdate. Sekretong kumurba ang gilid ng labi ko. Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako sa tanong nya.

Kusang tumaas ang sulok ng labi ko ng tumama ang paningin ko sa nakatayong bulto ni Blake ilang hakbang mula sakin.

Madilim na ang paligid at naglilitawan na rin ang mga bituin. Medyo madilim dito sa parke dahil sa iilang poste ng ilaw. Ala sais na nang gabi. Mas madilim na ngayon kesa kahapon. Sobrang liit na talaga ng buwan.

Mabagal na humakbang papalapit sakin si Blake. Tumigil sya sa harap ko at mahinang yumukod kasabay ng paglahad ng kamay nya sa harapan ko. Matamis na gumalaw pakurba pataas ang maputla at tuyot nyang labi.

Napangiti ako pabalik saka agad na tinanggap ang nakalahad nyang kamay. Mahigpit ko yung hinawakan. Mukhang masasanay na kong hawakan ang kamay nya. Sobrang komportable.

Nagsimula kaming maglakad na magkahawak kamay. Walang umiimik samin. Kuntento na kami sa pagpipisilan ng kamay ng bawat isa. Parang alam na namin ang kahulugan noon.

Agad nya kong hinila papalapit sa isang picnic blanket na nakalatag katabi ng isang puno. Nasa may gitna kami ng parke. And the cold breeze seems refreshing.

Napahawak ako sa braso ko at niyakap ang sarili ko. Ilang segundo lang, pumulupot ang mga braso ni Blake sa katawan ko mula sa likod.

Mabagal nya kong pinaupo sa picnic blanket habang yakap yakap ako. Makaraan ang ilang segundo, nawala ang dilim na bumabalot sa paligid. Agad iyong napalitan ng liwanag sa iba't ibang kulay.

Nanlalaki ang mata kong napataas ng mukha. Nakaayos sa palibot namin ang maliliit na bumbilya na may iba't ibang kulay. Kinalas ni Blake ang yakap sakin.

A sweet romantic music hit my ear. Napababa ako ng tingin at hinanap kung saan yun nanggaling. Ngayon ko lang napansin ang mga rose petal sa palibot namin.

Namamangha akong tumingin kay Blake. Lalong nalaglag ang panga ko. He's now holding a bouquet of red roses. Matamis syang ngumiti at agad iniabot ang bulaklak sakin.

Mabilis ko yung tinanggap saka muli sumulyap sa paligid. He gave too much effort para lang dito. Hindi ko alam kung pano nya ito ginawa lahat kahit sobrang limitado lang ang kilos at oras nya sa public place.

"Ikaw ang may gawa ng lahat ng ito?"
Utay utay tumaas ang sulok ng labi nya. Mahina syang tumango. "Yup... Nagustuhan mo ba?"

Matamis akong ngumiti. Mabilis akong dumukwang papalapit sa kanya at saglit syang hinalikan sa pisngi. "Yup, I love it."

"Mabuti naman. I want this date with you to became memorable."

Mahina akong natawa at umusog papalapit sa kanya. "Me too." Masaya kong sagot. Parang lulukso na palabas ang puso ko sa kilig.

"So Ive, ano ang gagawin natin? I'm not good in such romantic stuff. Actually it's my first date," mahina nyang sabi. Bahagya syang nagbaba ng ulo. Parang bata syang hiyang hiya. He looks so cute. Mahina akong natawa.

"Nang-akit ka nang date tapos di mo alam ang gagawin? Torpe ka siguro noh?"

Lalo nyang ibinaba ang ulo nya at kinagat ang pang-ibabang labi. "It's all because of you."

Natahimik ako sa sinabi nya. Ako ang dahilan? Ibig sabihin tama lahat ng sinabi ni Cassia. Naguguluhan pa rin ako.

Umiwas ako ng tingin at marahang lumunok ng laway. "K-kailan ba kasi nagsimula ang lahat? Kailan mo ko nakilala? Pano? Anong nangyari? Anong dahilan?"

MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon