Chapter 13
Ivory POV
Wala sa sarili akong napatitig sa kawalan. Kagabi pa ko wala sa sarili. Hindi ko nga naiintindihan ang mga pinagsasabi ni Blake. Lutang lang ako simula ng umalis si Raz. Hindi kasi maalis alis sa utak ko ang mga sinabi nya. Ano bang ibig nyang sabihin na nasa tamang tao na ko na pwede nyang pagkatiwalaan. Hindi ko kilala o kung sino ang tinutukoy nya doon. At ang isa pa ay ang tungkol kay Avian Navez. Narinig ko na talaga ang pangalan na yun dati. Hindi ko lang maalala kung saan o kailan.
"Hoy Ive. Ano bang iniisip mo?" biglang sabi ni Blake kasabay ng pagsundot sa tagiliran ko. Muntik na kong mapapitlag. Tinapig ko ang kamay nya. Nakakunot ang noong humarap ako sa kanya saka pinanliitan sya ng mga mata.
Seryoso lang syang tumingin sakin. Nakatayo sya sa may tabi ko habang pilit ang ngiting nakaguhit sa kanyang mga labi. Hindi na rin madilim ang ekspresyon nya di gaya kahapon nang narito pa si Raz.
"Ano ba yun?" Nakataas kilay kong tanong.
Mahina syang napakamot sa batok. Utay utay syang tumungo at nag-iwas ng tingin. "Sabay na tayong mag-lunch ngayon Ive. Pwede ba?" halos bulong na lang nyang sabi. Lalo syang nagbaba ng mukha. Bat parang umiiwas sya sa mata ko.
Marahan na lang akong tumango. Tumayo ako sa harap nya. Nag-angat sya ng tingin at tumitig sakin. Our eyes meet, pero sabay kaming napaiwas. And again there's an odd pounding out of my chest. Alam ko itong nararamdaman ko. Maling mali ito. May boyfriend ako kaya dapat pigilan ko na to.
Agad kaming nagtungo sa lamesa. Tahimik akong naupo at kumuha ng pinggan. Mabilis akong kumuha ng pagkain at agad na sumubo. He slowly sit in front of me, direkta syang tumingin sa mga mata ko. Uminit ang pisngi ko at parang lumiliyab ang tainga ko. Ako naman ang nagbaba ng tingin. Bat parang naiilang ako sa mga titig nya. Hindi naman ako masyadong ganito sa kanya dati. Iba na ang nararamdaman ko sa presensya nya. Hindi na ito maganda.
Mabagal akong sumubo ng pagkain. Hindi ako nagpahalata na nagmamadali sa harap nya. Agad ko iyong nilunok. Kailangang maubos ko ang pagkain ko ng di niya napapansin. Hindi ako makakatagal na tinititigan nya.
Muli akong sumubo ng malaki at mabilis iyong nilunok. Bigla akong napahinto. Mahina kong namura ang sarili ko. May bumara sa lalamunan ko. Hindi ako makahinga ng maayos. It feels like bumara lahat ng sinubo ko doon.
Pasimple akong umubo. Hinagilap ko agad ang baso ko. Peste bat magaan. Bat di ko ba ugaling maglagay ng tubig bago kumain. Pinilit ko iyong lunukin pero parang lalo lang bumara.
Napamura ako sa utak ko. Hindi papayag ang isang Ivory Challes na sa pagkabulon sya mamamatay. Tatayo na sana ako ng may maglapag ng baso na puno ng tubig sa harap ko. Hindi na ko nagdalawang isip pa at dali dali yung kinuha. Ubos ko iyong ibinaba sa lamesa. Phew... Muntik na yun.
Malakas akong bumuga ng hininga at umayos ng upo. Ikakapahamak ko pa ang isang kutsarang kanin ng wala sa oras. Ang tigas kasi pa ng kanin ko.
"Mag-ingat ka nga. Pwede ka namang magdahan dahan." Naiinis ang boses na sabi ni Blake. Muntik na kong mapatalon ng biglang hawakan ni Blake ang likod ko. Maingat nya iyong hinimas. Lalong kumabog ang dibdib ko. Para iyong tumatalon sa tuwa. Dahil siguro sa pag-aalala sa boses ni Blake. And the way he cares about me. It feels comfortable. Dapat di ko ito maramdaman. But I can't help myself. Nahuhulog na ko lalo sa kanya. Sa palagay ko mas higit ang nararamdaman ko sa kanya kaysa sa boyfriend ko. At hindi ito tama.
"Okey ka na ba Ive?"
Bahagya akong tumango. Hindi na ko nag-abala pang magtaas ng tingin. Hindi lang iyon makakatulong. I don't know pero parang sobra sobra na ang pag-aalala nya. Bakit pati parang naiinis ang boses nya sakin. I don't do anything na ikakagalit nya. Nag-iingat din naman ako. Kung meron mang may kasalanan samin, sya yun. Bat kasi nagpapafall sya. Nahulog tuloy ako. At gawa nya kaya ako nagmamadali, ang cause kaya ako nabulunan. Kailangan ko na talaga syang iwasan, talagang sya ang ikakapahamak ko.
BINABASA MO ANG
MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]
RomanceMAKE HIS HEART BEAT AGAIN (Zerpent) Hindi sa kamatayan matatapos ang lahat. Hindi ito ang puputol sa taling nakakonekta sa dalawang taong iginuhit at pinagdugtong ng tadhana. Ivory is just a normal college girl. Simple lang ang nais n'ya gaya ng ib...
![MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/271243121-64-k628315.jpg)