Chapter 17
Ivory POV
Utay utay napunta sakin ang bigat ni Raz. Mabagal akong napaupo kasabay ng pag-agos ng mainit na likido sa pisngi ko. He died inside my arms, protecting me. Ibinigay nya ang sarili nyang buhay para iligtas ako pero parang wala ring kwenta ang lahat ng ginawa nya. Hindi pa rin ako nakakalayo kay Avian. Di ako nakatakas. Hindi ko kayang tumakbo na lang at iwan ang katawan ni Raz dito. Also, my feet hurts.
Hinigpitan ko ang yakap kay Raz at humagulhol ng iyak. Bakit ba ang tanga nya? Pwede nya sanang iligtas ang sarili nya at pabayaan na lang ako.
Nagpatuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko. Blake asan ka na ba kasi? Kailangan ko ang tulong mo. Ayaw kong basta masayang ang pagsasakripisyo ni Raz para sakin. Di ako papayag na mapunta na lang yun lahat sa wala.
I pull myself up. Mabilis kong pinahid ang luha sa gilid ng mata ko. Nagtaas ako ng tingin kay Avian. He's wearing a develish smile, no! He is the devil. Umurong ang dila ko. Agad akong lumunok ng laway. Bahala na, kailangang may gawin na ko. Ayaw ko na sa lugar na ito lalo at kasama sya. Aalis na ko.
Dali dali akong tumayo at tumalikod sa kanya. Hindi na dapat ako magdalawang isip. Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko ngunit isang makabasag eardrum na putok ng baril ang nagpa-ulit ulit sa pandinig ko.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Walang tumama sakin. Hindi ko nga alam kung sakin ba nakatutok yung baril ngayon, o kung saan nya yun ipinutok. Maybe he miss me. Or that shot doesn't mean for me. Pero imposible yun. Alam kong tatapusin na nya ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at lumunok ng laway. Gagawin ko na talaga ito. I'll stay or not, tatapusin nya ko. Mabilis at sunod sunod ang malalaking hakbang na ginawa ko. Tumatakbo ako palayo sa kanya. Hindi ko na talaga kayang magtagal dito. Gusto ko nang lumayo sa halimaw na ito. Hahanap ako ng ibang daan palabas kung nakaharang sya sa dadaanan ko.
"Your not going anywhere Ivory."
Dalawang magkasunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa tainga ko. Wala pa rin akong tama. Hindi dapat ako magpasindak sa pananakot nya. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. My heart is pounding so fast. Parang mas mabilis pa sa bawat hakbang ko. But it doesn't matter right now. Kailangan kong makatakas.
Another gunfire echo all over the room. Isang mainit na bagay ang dumaplis sa braso ko. After a second, gumuhit ang kirot mula doon. Habol ang hiningang napahinto ako at napatingin sa braso ko. Umaagos ang mainit at mapulang likido mula sa bukas na sugat ng braso ko. Dumaloy ang malapot at pulang likido pababa sa kamay ko.
"Try me again Ivory, and the next bullet will be place inside you head."
Mahigpit kong hinawakan ang sugat ko. Di ko na sinubukang gumalaw pa. Hindi nagbibiro si Av. Alam kong pagsinubukan ko pa uling tumakas ay di sya magdadalawang isip na gawin ang sinabi nya.
"I said your not going anywhere."
Utay utay akong humarap sa direksyon nya. An evil smile is painted to his face. His gun is pointing toward me. Mariin akong pumikit at muling lumunok ng laway. I know he's going to shot me. Siguradong nainis sya sa ginawa kong pagtakbo.
Ilang saglit lang, lumagapak pabukas ang pinto sa likuran ni Av. Mabagal kong binuksan ang isa kong mata. Halos tumalon ang puso ko sa tuwa ng masilayan ko ang mukha nya. I don't know but I miss that face.
Gulat na napaharap doon si Avian. Mabilis syang napahakbang paurong. "B-Blake? A-anong? Hindi ka totoo..."
Nanatiling seryoso ang mukha ni Blake. "Hindi ba talaga totoo? Yet, I'm talking to you." Mabagal syang humakbang papalapit sa direksyon namin. Agad na napaupo si Av. Bahagya kong nakikita ang mukha nya.
Namumutla na sya. Nakapinta na rin ang kaba at takot sa itsura nya. Parang di talaga sya makapaniwala. Kahit sino naman siguro, lalo na at ikaw ang pumatay.
BINABASA MO ANG
MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]
RomanceMAKE HIS HEART BEAT AGAIN (Zerpent) Hindi sa kamatayan matatapos ang lahat. Hindi ito ang puputol sa taling nakakonekta sa dalawang taong iginuhit at pinagdugtong ng tadhana. Ivory is just a normal college girl. Simple lang ang nais n'ya gaya ng ib...
![MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/271243121-64-k628315.jpg)