Chapter 15

13 3 0
                                        

Chapter 15
Ivory POV

"Ikaw ang babaing mahal ni Blake na naging sanhi ng kamatayan ni Cally five years ago!" she yell at the top of her lungs. Kinig ko ang galit at pagkamuhi sa boses ni Cas.

Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang labi ko. That's impossible. Paanong ako ang babaing mahal ni Blake. Hindi pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Cas. Napaka imposible nun. Hindi ko nakilala si Blake noong buhay pa sya. And it's five years from now. Limang taon ang nakakaraan nasa ampunan pa ko noon. At wala akong nakilala na Blake Fascal.

"Nagulat ka ba Ivory sa narinig mo?" bigla nyang sabi.

"I-Imposible na mangyari yun... N-Nagkakamali ka lang, wala akong ideya sa sinasabi mo sakin."

Direkta syang tumitig sakin. Bahagya syang pumalakpak. "Bravo Ivory, bravo... Wag kang mag-alala dahil magkikita rin kayo ni Blake sa langit."

Tumayo sya mula sa bangko at humalakhak ng tawa. Mabagal syang humakbang kasabay ng paghugot ng kung ano sa likod nya. Direkta syang tumingin sa akin saka nakakapangilabot na ngumiti. "Tutulungan na kita para magkita kayo ni Blake. Pwede mo na syang tanungin. Papatayin na kita, don't worry."

Parang tumindig ang lahat ng balahibo ko. My heart is also pounding out of my chest kasabay ng pangangatog ng tuhod ko.

Bago pa ko makapagreact ay itinaas nya ang kamay nyang may hawak na baril. Direkta nya yung itinutok sakin habang nakangiti. "Say bye, bye Ivory."

Parang biglang umurong ang dila ko. Nagwawala na lalo sa bilis ang tibok ng puso ko. Mariin akong pumikit. Ito na ba ang katapusan ko.

"Hindi pa ito ang tamang oras para dyan Cas."

Ang pamilyar na boses na yun ay tumama sa tainga ko. Mabilis akong napamulat ng mata. Nakaluwa ang matang inilibot ko ang tingin ko. It can't be. Sya? Anong ginagawa nya dito? Bat sa dinamirami ng tao sa mundo sya pa. Imposible toh, nananaginip lang ako. Bakit sya pa? I trust him. Utay utay syang naglakad papalapit kay Cassia.

Pasimple syang sumulyap sakin. And he make a evil smirk. "Look what we have here, you've done a good job Cas."

Direkta syang tumingin sa mata ko. Lalo nyang inilapit ang mukha nya kay Cas at lalong tumaas ang sulok ng labi nya. Marahan nyang inilapat ang labi nya sa labi ni Cas habang nakatingin sa mata ko.

Umiwas ako ng tingin, nakita ko na ginawa na ito ni Avron dati. And it hurts pero iba na ngayon. Wala na kong nararamdamang sakit. Hindi gaya dati noong wala pa si Blake. I think nawala na ang nararamdaman ko kay Avron. Ang dating pagtingin ko sa kanya ay naglaho na.

"Cas may pagbabago sa plano natin."

"What—"

Bago pa man matapos ni Cas ang sasabihin nya. Dalawang malakas at nakabibinging putok ng baril ang umalingawngaw. Mariin akong napapikit. Agad kong pinakiramdaman ang katawan ko. Baka ako ang binaril nila. Pero wala akong maramdaman na kahit ano na tumama sakin.

Agad akong nagmulat at nakaawang ang labing ibinalik ang tingin sa kanila. Halos kapusin ako ng hininga ng tumama sa mata ko sa nakahandusay na katawan ni Cassia sa sahig. Halos maligo na sya ng sariling dugo dahil sa dalawang tama ng bala sa kanyang dibdib. Ano ba talagang nangyayari?

Habol ang hiningang napatingin ako kay Av. He's smiling like a devil. Hawak nya ang isang kwarenta isingkong baril na may umaagos at tumutulo pang dugo. Blood is also covering his hand holding the gun. May mga talsik ng dugo ang puti nyang damit at ilang bahagi ng kanyang mukha.

Mamamatay tao ang nakikita ko sa kanya. Isang halimaw na handang pumatay anumang oras. Wala na kong makitang emosyon sa mata nya. Blangko lang yun. Napakadilim at napakasama.

MAKE HIS HEART BEATS AGAIN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon