Special Chapter #1: Atlas

44.1K 1K 428
                                    

Special Chapter #1: Atlas

With a brave heart, everything is possible.

That's what I've been always thinking whenever I see my wife, Amalia Lorraine Argueles-Montezides. She might look soft, shy and fragile at some times but I know her better than anyone else. She's the bravest woman I'd ever known.

I lifted my hand and touched her cheek while she's sleeping peacefully beside me. Habang mas tumatagal ata'y mas gumaganda ang bibi ko.

Hulog na hulog lang, Atlas?

I chuckled to myself, she was resting on my arms. Her hand is on my chest and I gently took it, kissing her finger with our wedding ring on it.

"Ikaw lang palagi ang bibi ko." Bulong ko pa at nakita ko ang bahagyang pag-galaw niya.

I watched her silently, akala ko'y magigising dahil sa pagkunot ng noo pero hindi naman. Sa halip ay mas umusog lang sa katawan ko at mayamaya'y halos nakadantay na.

"Ang ganda naman kahit tulog," komento ko, walang pakialam kung mukha akong tanga kung makakausap ng tulog na asawa.

I moved my head closer, planning to score a kiss but before I could even move my head closer to her, I heard faint cries.

Bigla akong umayos. Kumunot ang noo ko para makinig muli at nang matantong umiiyak nga ay mabilis akong napatingin sa asawa ko, natatakot at baka magising siya kaya mabilis pero dahan-dahan kong ipinatong ang kanyang ulo sa unan at pagkababa ng kama ay halos takbuhin na ang crib.

Mas lumakas ang iyak kaya dali-dali kong kinuha siya mula sa crib, mabilis pero dahan-dahan s'yempre, takot ko lang na sa sobrang kalampahan ay mahulog ko ang anak ko.

Okay, I admit. Lampa ako.

Pero kapag nand'yan lang naman si Amalia! Matino naman ako kapag iba ang kasama, sa kanya lang naman nayayanig ng ganito ang mundo ko.

"Shh, Louvi..." I hushed our daughter, glancing at the bed to see if my wife would wake up.

Louvi cried more kaya namilog ang mata ko, marahan ko siyang inilagay sa dibdib ko at isinayaw ng bahagya.

"Shh, are you hungry, Louv?" bulong ko at humawak sa kanyang likod.

"M-mam..." she mumbled, "m-mamam..."

I chuckled when I heard her tiny voice, inangat ko siya ng marahan at nakita ang bilugan niyang mata habang nakatingin sa akin, may bakas pa ng luha.

"Mam..."

"Alright, you want mamam?" I murmured and she just stared at me with her blushing cheeks, ngumanga siya ng bahagya at natawa ako nang nagpaputok pa siya ng laway. "Daddy will make you some milk."

Marahan ko siyang ibinalik sa crib at binigyan siya ng laruan.

"Please, don't cry, hmm? I'll be quick, h'wag ka iyak para 'di magising si Mommy Lia." I said gently, "pagod sa work si Mommy, eh. Si Daddy muna ang papatulog kay baby ko Louvi, huh?"

She smiled at me and I chuckled when I realized she looked a lot like my wife when she does that.

Iniwan ko muna saglit ang anak ko para magtimpla ng gatas at pagkabalik ay nakita siyang naaaliw na sa mga laruang iniwan ko para malibang siya at hindi umiyak.

I carried her gently out of crib, kaagad siyang kumapit sa batok ko at naglakad ako patungo sa sofa namin sa kwarto ang iniupo ang anak sa hita habang inaalog ang bote ng gatas niya.

Marahan ko siyang pinahiga sa braso ko at nang iabot ko sa kanya ang bote ay halos hablutin na niya iyon kaya natawa na ako.

"Gutom na gutom, Louv?" bulong ko at pinagmasdan siyang tahimik na umiinom.

Brave Hearts (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon