Kabanata 29

58.1K 2.4K 798
                                    

Kabanata 29

BAKIT kaya ang mga taong walang hinangad na kahit ano man kung hindi ang magmahal ay siyang palaging nasasaktan?

Why was life so unfair? Bakit may mga taong hindi makuntento sa kung anong mayroon sila at mananakit ng iba kapalit ng kasiyahan nila?

Why do people cheat? Bakit sila mangangako ng panghabang buhay na pagmamahalan sa hirap at ginhawa kung sa umpisa at kalagitnaan pa lang ay kaagad nang susuko?

What was the essence of love kung kaunting bagay pa lang ay mabilis na silang matukso? Why get married if, in the end, they'll still choose to find another person to satisfy themselves?

Hindi ba nila naisip ang pamilyang kanilang nasasaktan? Hindi ba nila naisip ang mga taong nasasaktan nila kapag nanloko sila dahil sa pansariling dahilan? Dahil sa panandaliang kasiyahan?

I remembered my mother. I remembered how my lovely mother raised me well despite the challenges she'd been through.

Ang unang pagmamahal niya'y hindi siya ipinaglaban at iniwan. Sa pangalawang pagmamahal nama'y saglit na pinasaya pero sa huli'y iniwang mag-isa. Ang una'y muling bumalik pero sa huli'y muli siyang sinaktan at niloko.

Two different kinds of love yet they all fooled her.

My mother, my mother loved me so much. The strongest woman I always looked up to and the woman I admired so much was so hurt in the past yet...yet she managed to send me to a great school, she managed to work hard kahit may sakit din siya.

She only loved...why did my loving mother have to experience and be fooled like this? Did she deserve this? She was nothing but a great mother to me, she was nothing but a role model.

She taught me to always be strong and kind, she taught me to never give up despite what the harsh world would do to me. Sinabi niya sa akin noon na tanggapin ang mga pagkakamali at magising ng panibagong umagang gagawin ang lahat para hindi na ito magawang muli.

She taught me to be strong and all these years, I did my best to be so pero sa ngayon? Sobrang nasasaktan ako, nasasaktan hindi para sa sarili kong napagkaitan na magkaroon ng ama kung hindi sakit para sa nanay kong naging mabuti at huwaran sa akin, sa nanay kong ginawa ang lahat para maging maginhawa ako pero ang ganti sa kabutihan niyang ito ng ibang tao ay pasakit.

Nanay, I'm so sorry...I'm so sorry that you had to be treated this way. I am sorry that you had to be hurt and sacrificed like this when the only thing you wanted was to love and to be loved.

I woke up with the familiar and traumatizing smell of antiseptic. When I opened my eyes, the white walls came into view. I heard faint voices beside me so I shifted my gaze and saw my grandparents sitting on the sofa. I could hear my grandmother crying and I saw the doctor talking to Dr. Sean and Tita Marichu.

Gumalaw ako nang bahagya at kaagad nila akong napansin. Lumapit sa akin si Dr. Sean pero mabilis akong napatalon at napalayo.

"S-sorry, I..." I muttered.

His eyes turned into a lone expression. Marahan siyang umatras at si Tita Marichu na ang lumapit sa akin habang nagpupumilit akong maupo.

"Lia..." She hesitated at first. "I-is it okay if I help you..."

I nodded. Mabilis siyang kilos at tinulungan akong makaupo. She adjusted my pillow. Nabaling ang pansin ko si lola na papalapit at nang makita ang ekspresyon niya'y nanlumo na ako at napaluha.

She immediately hugged me, nanginginig ako habang yakap siya.

"A-alalang-alala ako, Amalia!" she scolded. I sniffed, hugging her more.

Brave Hearts (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon