Kabanata 25

58.1K 2.7K 1.3K
                                    

Kabanata 25

SPIDER-MAN...Oh my God! Nakita ko si Spider-man!

"Santisima!" I exclaimed horribly, binaba ang baso. I lowered my head and covered my face with my palms.

"Ay, nahulog!" I heard Atlas' laughter and I gasped loudly, marahang lumakad ng patalikod, takip ang mukha ko.

"Log! Log! Log!" he sang kaya napatalon ako, mabilis na pinaghiwalay ang daliri para makasilip sa pagitan nito at halos mahimatay na ako nang tinataas niya nang marahan ang pants niya habang gumagalaw pa ang balakang.

I caught a glimpse of his Spider-man boxers and the protruding bulge in the middle of it. Mas nilakihan ko ang mata at ang gaps ng daliri ko para mas maging malinaw.

Oh my God! I wasn't a saint! Of course, alam ko kung anong nando'n! It was his...oh my gosh! I've seen it in educational movies!

Sinara niya ang zipper at nagkatinginan kaming dalawa. Bigla siyang ngumisi.

"Ay, halimaw!" I gasped and covered my whole face with my palms again.

"Uy, nakita ng bibi ko!" Bigla siyang humagalpak. Nag-init ang pisngi ko at napalunok, muling umatras mula sa harapan niya.

I heard his footsteps and I took another step back, flushing so much, malakas din ang kalabog sa aking dibdib.

"'D-di lang 'yan halimaw, bibi. Nangangain din 'yan! Rawr!" he said. I squeaked when I felt his hand on my arms. The back of my knees bumped into something at doon na ako nawalan ng balanse.

Suminghap ako nang maramdamang bumagsak ako sa malambot na kama at may mabigat na napadagan sa akin.

My eyes widened. Mabilis kong tinanggal ang palad sa mukha ko at halos mawala na sa ulirat nang makitang nasa ibabaw ko si Atlas at nakatitig.

His black eyes looked peaceful, wala akong marinig habang nakatitig sa kanyang itim na mga mata kung hindi ang malakas na kalabog ng puso ko.

"A-Atlas..." I muttered, bagsak ang kanyang itim na buhok sa noo at namumungay pa ang mga mata habang nakatitig.

He still looked a lot like his young self, only that his features sharpened and matured more...and me? I think I was still the young Amalia who yearned for him so much...

Nakasuporta ang kanyang siko sa gilid para hindi ako madaganan masyado ng kanyang katawan at nakita ko ang pagtagilid ng ulo niya habang nakatitig sa akin.

His eyes were playful earlier but upon closer look, right now, it was sleepy and full of unnamed emotions.

"D-don't wake me up," he suddenly muttered. My forehead creased.

"H-huh?" I asked.

"I'm dreaming," he whispered. "'Wag mo akong gisingin, ah? N-nandito ang bibi ko sa panaginip ko..."

My heart throbbed.

"What do you mean?" I asked softly.

His eyes softened more, mas namungay ang mata niya at inilapit ang mukha sa akin. I shivered when his nose touched mine, pumikit siya at medyo bumilis ang paghinga.

"I...can only hold her like this in my dreams," he whispered, the whiff of rum and mint from his breath assaulted my senses.

"W-what?" I whispered back, nararamdaman na ang pangingilid ng luha habang pinapakinggan siya.

"K-kasi sa totoong buhay naman...ayaw na niya sa 'kin," he muttered and opened his eyes to stare at me. "O-oh, bakit ka umiiyak?"

"Um..." I cleared my throat, gusto mang hawiin ang luha ay 'di magawa dahil nakatabon sa akin ang katawan niya at hindi ko maiangat ang mga kamay.

Brave Hearts (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon