Kabanata 1

85K 3.8K 1.6K
                                    

Kabanata 1

"LIA, ayos ka na?" ani Nurse Anna.

"Opo," I muttered, smiling hesitantly.

They helped me lay down on the bed and my eyes landed on Atlas. Abala siya sa pagpilit na pagtayo para silipin ako pero hindi magawa dahil sa pagpigil sa kanya ng coach.

"Atlas!" he hissed.

"Coach, sisilipin ko lang—"

"She's alright, okay?" paliwanag ng coach.

"No, her watch—"

"Okay ka lang, Miss, 'di ba?" the coach asked, sumusulyap sa akin kaya mabilis akong tumango.

"O-opo..." I nodded. Nangunot ang noo ni Atlas.

"Really? Your—"

"A-ayos lang po ako," agap ko.

"Sabi ko sa 'yo, e," ani ng coach pero seryosong nakatitig pa rin sa akin si Atlas.

Tumikhim ako, nag-iinit ang mukha at nag-iwas ng tingin para uminom ng tubig para iwasan siya.

Kakakalma ko lang pero nagsisimula na naman ang malakas na pintig ng puso ko. Pasimple akong sumulyap sa kanya at nagsalubong ang mata namin. Napaubo ako nang malakas nang pumasok ang tubig sa ilong ko at napahawak sa lalamunan.

"Amalia!" Nurse Anna called worriedly. Mas humawak pa ako sa lalamunan at nakita ang akmang pagtayo ni Atlas habang kunot ang noo.

"A-ayos lang po ako," sabi ko nang mahanap ang boses pero patuloy pa rin ang pagsubok ni Atlas na tumayo nang mahuli siya ng coach.

"Montezides!" Nakita ko ang pagbalik niya sa pag-upo nang bahagya siya itulak pabalik.

"She's—"

"A-ayos lang po, pasensya na," mahinang sabi ko, hiyang-hiya habang tumutungo.

Ano bang ginagawa mo, Lia? Buong araw kang pinapahiya ag sarili!

"Lia, ayos ka lang?" ani Nurse na hinaplos pa ang likod ko. Tumango ako.

"N-nabilaukan lang po,"

"Oh, sige, siya, maupo ka muna at magpahinga,"

The assistant nurse helped me. Sumandal ako sa may headboard at napansing nawala na sa akin ang atensyon ni Atlas kaya nakahinga ako ng mas maluwag.

I smiled.

At least, kahit papaano ay mayro'n. Kahit saglit.

Nakita kong binatukan ng coach si Atlas kaya napanguso ako. Inayos ni Nurse Anna ang kumot sa hita ko at inabot sa akin ang bag ko.

"Magpahinga ka muna,"

"Salamat po,"

Iniwan niya ako para asikasuhin ang gagamitin kay Atlas.

"Coach, ayos na rin ang paa ko, baka p'wedeng maglaro—"

"Subukan mo, Montezides at ako pa mismo ang puputol sa paa mo!" iritadong sabi ni coach sa kanya.

His lips protruded, napahawak sa batok at suminghap.

"Coach!" he whined.

"Hindi, ipagpahinga mo 'yang paa mo o ikaw pagpapahingahin ko buong taon sa laro," panakot ni coach at bumaling kay nurse. "Nurse Anna, ikaw na muna bahala sa pasaway na 'to, ongoing pa ang game, bibisitahin ko lang ang team at baka magpatapon na kasi wala ang pabida nilang captain—"

"A-anong pabida? Coach!" reklamo niya, kunot na ang noo at nakanguso.

Napangiti ako at bahagyang dinama ang puso at siniguradong kalmado na ako.

Brave Hearts (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon