Kabanata 14

55.6K 2.8K 1.2K
                                    

Kabanata 14

LIFE is a gift we all must cherish, yet a lot of people tend to throw it away or waste it. I envy them, honestly, ako kasi palaging nangangarap na magising pa ng panibangong umaga sa mahabang panahon.

I still wanted to fulfill my purpose, to help my family, have a family and be happy, kaya ang bawat umaga sa akin ay mahalaga. I didn't know how much I begged the Almighty to give me another waking moment, and every time He gave it to me, I was more than grateful.

Life is important yet I wonder why some people spend it in cruelty and selfishness, a gratification for their own happiness...kahit ang kapalit ay ang pagiging miserable ng iba.

Masaya ba talagang manakit ng kapwa? Masaya ba talagang mag-asam ng ka-miserablehan ng iba? Bakit gano'n sila?

"She'll be okay, Nurse, right?" a familiar baritone voice echoed beside me, bago ko naramdaman ang haplos sa mga daliri ko.

"Yes," sagot ni nurse. "She just has to rest. She panicked kaya nawalan ng hininga. She's good once she wakes up but it may traumatize her. Nasaan na ang mga estudyanteng nanakit?"

"Nasa office na, Nurse," narinig ko si Ted. "Kausap ni Dean, tatakas nga sana pero mabuti na lang at nando'n kami kaya nahuli."

"Ang mga batang 'yon talaga, hindi ko alam kung bakit palaging pinagti-trip-an si Amalia." I slowly moved to find my strength. "Alam naman nilang may sakit ang tao."

"I'm sorry for the word, Nurse, but they are insensitive bitches," narinig kong sabi ni Heart at biglang dumaing. "Aray, dahan-dahan naman, Josh!"

Narinig ko ang tawa ni nurse. "I understand, Heart. That's true anyway, hindi ako natutuwa sa mga batang 'yon. Alam naman nilang gano'n si Amalia yet..."

I opened my eyes. Nanlaki ang mata ni nurse nang makita ako at napalapit kaagad.

"Lia, hija!" she called.

"N-nurse," I muttered faintly.

"Lia." Nagkagulo ang mga kaibigan ko, kaagad kong nasalubong ang mata ni Atlas na nasa tabi ko at hawak ang kamay ko.

"H-hey," I greeted weakly.

His soft black eyes immediately scanned my face. Nang umakma akong uupo ay mabilis siyang tumayo at inalalayan ako.

"Careful," he reminded soothingly. Naramdaman ko ang pag-aayos niya ng unan sa likod ko at pinasandal ako roon.

I glanced in front and saw Josh, Ted and Heart looking worried. I flashed a smile.

"Hi?" magaang bati ko.

"L-Lia..." My mouth parted when Heart ran towards me. Mabilis siyang yumakap kaya ngumiti ako at yumakap sa kanya. "S-sorry, sorry, 'di kita napagtanggol kaagad..."

"Ayos lang," I whispered and caressed her back. "I'm okay naman na. Don't worry."

"K-kung 'di sana ako umalis kaagad, s-sabi ko kasi sa 'yo sabay ka na sa 'min sa kotse. 'Yan tuloy!" she said, scolding, yet her voice sounded so sad.

"Sorry, sana nakinig ako," I whispered. "And thank you, 'di ko alam ang gagawin ko kung 'di kayo dumating."

Lumayo siya nang bahagya sa akin, malungkot ang mata. I immediately noticed her messy hair and the red scratches on her cheek and arms.

"Heart! Anong..." Kinuha ko ang braso niya.

"Nakipag-bardagulan kina Anya," ani Josh na natawa na lang at marahang kinuha sa akin si Heart.

My eyes widened. "Huh? Bakit?"

Heart pouted. "I couldn't stop myself, they're annoying. Bullies."

"Tara na nga kasi, ayusin natin 'yang kalmot mo," hila ni Josh kay Heart at naupo sila sa kabilang kama.

Brave Hearts (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon