Kabanata 21

52.9K 2.5K 1K
                                    

Kabanata 21

MY weekend was peaceful, medyo gabi na no'ng nagpaalam ang tatlo sa akin na aalis kaya buong araw ay naging preoccupied ako sa paglilinis.

For my first day, balak ko munang mag-taxi, hindi ko pa rin kasi gamay ang lugar dahil bago pa lang ako. Maybe, magtatanong-tanong ako kung anong public transpo na pwede kong masakyan mula rito patungong ospital.

Sabi nila noon ay malapit lang naman daw ang ospital but I had to make sure, nakakatakot at baka maligaw pa ako.

The cold wind blew my hair, inayos ko ang buhok sa aking balikat at nangiti nang humaplos iyon sa balat.

New day. Thank you, God.

Sighing, I touched my chest and felt the calm beating of my heart. I couldn't be happier.

"Ano ba 'yan! Ang aga-aga ang baho!" Nawala ang atensyon ko sa araw nang may nagsalita sa aking tabi.

I shifted my gaze, only to see a woman in her...I think late thirties, with a cute kid in a uniform.

The lady was smoking. Kumunot ang noo ko roon at pasimpleng nagbaba ng tingin. I really hated the smell of smoke.

Naalala ko dati kung gaano ako natakot no'ng sinabi sa amin ang mas malaking epekto ng secondhand smoke sa mga kasama mo sa paligid kaysa sa mismong naninigarilyo.

"Hey, ikaw. Walisin mo 'to," muling nagsalita ang babae kaya bumaling akong muli at mas lumalim ang gatla sa noo ko nang makitang itinapon niya sa lapag ang upos ng sigarilyo at tinapakan.

"Sandali po," the street sweeper said on the side.

"Ngayon na! Darating na ang taxi!" she demanded, at halos sipain pa ang upos sa matandang babae roon. The little girl is looking at her mom talk to the old lady.

I was bothered. Hindi naman yata tamang makita ng bata na gano'n ang trato ng magulang sa nakakatanda?

The old lady silently swept the cigarette butt from the ground, tahimik ding umalis at nakita ko ang babaeng nakatakip pa sa ilong at nangingiwi pang nailing.

"Yuck." She even shivered.

"Why po, Mommy?" the little girl asked her mother.

"Kita mo 'yon?" turo no'ng babae sa nagwawalis na nasa may kabila na.

"Yes po," the kid answered innocently.

"Mag-aral kang mabuti! Kung hindi magagaya ka sa ganyan! Magwawalis ka na lang sa gilid!" the lady told her kid and it made me more uncomfortable.

Hindi naman yata tama 'yon?

Tahimik na tumango ang batang babae, nahuli no'ng babae ang tingin ko kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"What are you looking at?" she hissed, umirap at napabaling ang tingin sa gilid nang may tumawag sa kanya.

"Ay, kumare!" She suddenly giggled and glanced at her kid. "D'yan ka lang, Avi, kakausapin ko lang ang ninang mo!" aniya at bumaling sa kakarating lang.

The kid silently glanced at her little fingers. I just stared at her. Nang mapabaling siya sa akin ay kaagad akong ngumiti at dumukwang para magpantay kami.

"Hello, baby. Good morning." I smiled softly at her.

"Hi po." She smiled cutely.

"Anong grade ka na? Ang pretty mo naman," I told her. She smiled again and showed me her fingers.

"Grade one po! Ikaw po?" she asked me.

"Um, I'm working na...Avi, right?" I asked. She nodded cutely at me.

Brave Hearts (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon