Kabanata 12

41.5K 2.6K 916
                                    

Kabanata 12

"C-CALM down...calm down..." I kept on telling myself, nakaupo sa nakatakip na bowl at hawak ang dibdib ko.

"'Wag ka iiyak, Amalia," I chanted, caressing my chest.

Sobrang sikip ng pakiramdam ko, halos fifteen minutes na yata akong nagtatagal rito at ikinakalma ang sarili mula sa pag-iyak.

It was my birthday, bakit kailangang ganito?

Binuksan ko ang bag ko para uminom ng tubig habang marahang hinahaplos ang dibdib kung nasaan ang puso ko para kahit papano'y kumalma. Mabilis ko ring kinuha ang gamot sa bag ko para uminom.

I shouldn't feel stress...hindi pwede, ayaw ko na sa ospital.

Paglabas ko ay laking pasalamat ko dahil walang tao sa banyo. Lumapit ako sa salamin at naghilamos. Pinunasan ko ang mukha ko pagkatapos at nakita ang mga mata.

I sighed, alam kong mahahalata nila na umiyak ako, pero ano pa bang magagawa ko? Baka nag-aalala na sila dahil kanina pa ako nawawala.

Inayos ko ang bag at buhok ko, nakatungong lumabas ng banyo nang biglang nasalubong ko si Ted na napadaan at mukhang nagmamadali.

"Lia!" he exclaimed when he saw me.

"T-Ted." I flashed a small smile.

Mabilis siyang nakalapit sa akin, he touched my shoulder and stared at me. "Ayos ka lang? Saan ka nagpunta? We've been looking for you!" he said worriedly.

"H-hinahanap n'yo ako?" I asked. He nodded.

"Kanina pa, Heart and Josh is looking around too, anong ginagawa mo—"

"P-pasensya na sa abala, ah?" I smiled softly again. Tumitig siya sa mata ko kaya mabilis akong nagbaba ng tingin.

"Tara na—"

"What happened, Lia?" he asked stiffly. Tumikhim naman ako at napailing sa kanya.

"Wala...ano, napuwing lang ako," marahang sagot ko.

"You don't look—"

"Lia! Oh my God! There you are!" Biglang narinig ko ang boses ni Heart, at sa paglingon ko ay magkasama na sila ni Josh na patakbo palapit sa akin.

"Heart," I murmured and gasped when she suddenly hugged me.

"What happened?! Saan ka galing?! We've been looking for you!" she exclaimed worriedly, at nang sumulyap ako kay Josh ay nakatitig din siya sa akin, magulo ang buhok at halatang tumakbo.

"D-d'yan lang," I muttered as she pulled away from me, at nang masalubong niya ang mata ko ay kumunot ang noo niya.

"Did you—"

"Napuwing lang ako, a-ayaw maalis sa mata ko kaya naghilamos na lang ako." I smiled softly at her. "Sorry, ah? Nawala ang makeup."

"You can't fool me—"

"Tara na, Lia?" biglang ngiti ni Josh at sumingit sa gilid namin.

"Josh, look, she's—"

"Hindi, ah, napuwing lang si Lia." Josh smiled again, at nakita kong pasimple niyang kinukuha ang siko ni Heart na naguguluhan.

I knew what he was trying to do and I was grateful for it.

"B-but..." Heart glanced at me.

"Tara na, Lia, hayaan mo si Cap. Bahala siya walang pagkain, gutom na ako," ani Ted na ngumiti rin kaya tumango ako at maliit na ngumiti.

"T-tara," sabi ko, "may pa-lechon ang nanay, masarap yata ang handa."

Heart looked so bothered. Josh whispered something to her. Ted smiled and took my bag. Nagpasalamat ako at tahimik kaming sabay na naglakad, kasunod ang dalawa na nag-uusap pa ng mahina.

Brave Hearts (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon