Kabanata 17

48.8K 2.8K 1.9K
                                    

Kabanata 17

LIVING life and fighting for it wasn't as easy as it seemed. Walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay. Hindi lahat nabibigyan ng privilege na maging may kaya at maging masarap ang buhay. Ni wala ngang sino mang sigurado na magigising pa sa susunod na araw.

Life is full of challenges, uncertainties, and failures. It was full of risks, na minsan kahit walang kasiguraduhan ay kailangan mong sumugal sa mga bagay. I almost failed when my mother died but I didn't let that failure overcome my goals for her and myself.

Kasi...how will you know you'll succeed if you don't fail? Kapag ba nadapa ka ay mananatili kang lugmok at hindi tatayo? Will you let the simple scrap on your knees disable your ability to walk?

No, gamutin mo, at kahit mahirap, muling maglakad kahit paunti-unti. Baby steps were still steps, no matter how long those steps would take. If you don't stop climbing, then you'll never reach the top.

No matter what happened, I trusted the process and now, kahit wala ang nanay, alam ko sa sarili kong proud siya sa naabot ko.

"Lia, ikaw muna roon sa customer."

Nawala ang atensyon ko sa ni-re-record na mga gamot nang tawagin ako ng co-pharmacist ko.

"Sure." I smiled, tumayo ako at sinarado ang prescription record book bago tumungo sa counter. "Hi, Ma'am, good morning."

"Hello, good morning. Kukunin ko na sana ang lahat dito," aniya at nag-abot ng prescription.

I took it, binasa bago nagtipa sa computer tungkol sa mga gamot. Ibinawas ko ang quantity at nilagyan ng fulfilled ang prescription. Kumuha ako ng maliit na basket at tumungo sa may counter para kunin ang mga kailangan niya para i-dispense.

"Nice naman si Ms. Summa Cum Laude!" Napatawa nang makita ang senior pharmacist ko na kararating lang.

"Hi, Ma'am. Good morning." I chuckled.

"Congrats sa graduation mo no'ng sabado, Lia!" she cheered. "Ang bait mo naman at pumapasok ka pa rin, I assume the offers for your internships are overflowing?"

Nag-init ang pisngi ko at nahihiyang umiling. "Hindi naman po."

"Asus! Pa-humble!" tawa niya at sumandal sa may counter.

"I'm still looking into it, Ma'am," sagot ko. "I'm eyeing an offer from a large hospital for the internship bago mag-boards, but I will consult my professors muna for now."

"Hmm, I'm so proud of you." She smiled softly at me and I felt happy too. This place was almost like my home, ilang taon din akong naging pharmacist dito sa kasagsagan ng med school ko. They treated me like family.

"Thank you, Ma'am. Thank you rin for treating me like a family here," I said.

"Oh, silly, pamilya tayong lahat dito!" aniya kaya mas lumambot ang puso ko. "I'm just sad that I won't be able to see you much here because of your internship."

"Nandito naman po ako ng isa o dalawang beses sa isang linggo, don't worry, Ma'am." I chuckled. "Kailangan lang kasi talagang mag-intern. Isa pa, the hospitals are good. Sana makakuha kaagad ako ng trabaho kapag nakuha ang lisensya."

"Oo naman, ikaw pa ba!" she exclaimed, looking so proud of me. "You are one of a kind, Lia. You are so brave and resourceful too, plus the skills!"

My heart felt warm while listening to her. Para siyang si nanay kaya ngumiti ako. "Maraming salamat, Ma'am."

Natigil lang kaming dalawa nang may marinig na sigaw.

"Anong bawal?! Sinong nagsabing bawal?!" Napalingon ako kay Kid, kasama kong pharmacist na may kausap na customer.

Brave Hearts (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon