Kabanata 19
HINDI ko na alam ang gagawin ko, should I go and help Atlas o matutulala lang kay Heart?
Sa huli, mas nangibabaw sa akin ang daing ni Atlas sa lapag. I immediately stood, nagmamadaling tumungo sa kanya at naabutang nakaupo siya at hawak ang kanyang balakang.
"A-are you...I'm sorry!" I exclaimed, lumuhod para daluhan siya.
I touched his elbows at natulala siya sa akin bago napatikhim.
"M-masakit? I'm sorry," I apologized.
"A-aray," he groaned. I bit my lip.
Nang humawak ako sa balakang niya ay napatalon siya. Nakita ko kung paanong kumalat ang pula sa kanyang mukha roon.
"D-doc?"
He blinked and suddenly frowned again.
"P-parang nanghihina ako, Lia..." He puffed out a breath, at nang bumagsak ang ulo niya sa balikat ko ay suminghap ako.
Napalingon ako sa may likod at naabutan si Heart na nakanganga sa aming dalawa. Awkward man ay tumikhim ako at kinuha ang atensyon niya.
"P-pwede patulong?" I asked and her eyes widened, napahawak siya sa dibdib at napatalon.
"A-ako?" she asked, stunned. I nodded. "S-sure! Sure, why not!"
Hindi ko alam kung bakit siya masaya kahit tumambling ang pinsan sa ginawa ko.
She helped me pull Atlas up. Hindi naman nagpabigat ang huli at tumayo rin pero mukhang nanghihina talaga at kahit nakatayo na kami ay nakasubsob pa rin sa balikat ko.
"Here, sit down," I instructed and he did. Si Heart ay nakatayo sa gilid pagkatapos tumulong pero nakatutula lang, sulyap nang sulyap sa akin at nangingiti.
"Sandali," I said, akmang lalayo pero sa gulat ko ay marahang humawak sa siko ko ang huli at muli akong ibinalik sa pwesto.
"M-medyo ano...nahihilo ako," he whispered and rested his face further on my shoulder.
"Kukuha sana akong tubig para inumin mo—"
"I volunteer!" Heart suddenly cheered and grinned, raising her hand. "Ako na kukuha!"
I hesitated for a while but slowly nodded. "Alright, maraming Salamat."
She grinned and nodded, sa sobrang saya niya habang papaalis ay medyo napapasayaw pa siya. Napalabi ako at sumulyap kay Atlas na nasa balikat ko pa.
I lifted my hand, nagdadalawang-isip pa no'ng una but later on, I found my hand slowly stroking his hair. Lumalim ang kanyang paghinga.
"M-masakit pa?" I asked worriedly. "S-sorry...medyo nagulat lang ako."
"I-I'm sorry too," he whispered back. "'Di ko naman alam na mahuhuli mo ako."
My forehead creased, ngumuso at lumayo sa kanya. He groaned but I was too fast at ang isang daliri ko ay ipinantulak ko sa kanyang noo paalis.
"What do you mean by that? Kapag 'di ko nakita, 'di ka magso-sorry?" I scoffed.
"Huh? Ow!" ngumiwi siya at nanlaki ang mata ko nang matantong ang napindot ng daliri ko ay ang bukol niya kaya dali-dali ko iyong tinanggal.
"Sorry!" I exclaimed again, ibinaba ang kamay. "Ikaw kasi..."
Ngumuso siya, namumungay pa ang mata nang magkatinginan kami.
"Ay, luh, ang pangit mo na, bobo. Ano ka unicorn?" Natigil kaming dalawa nang biglang dumating si Heart na may dalang bottle ng mineral water. Nanlaki ang mata ko nang idiniin niya ang malamig na bote sa noo ni Atlas.
BINABASA MO ANG
Brave Hearts (Published Under LIB)
Teen Fiction[Published Under LIB x Wattpad] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezides for years. When he finally looks her way and shows her that love isn't all rainbows...