Wakas

108K 4.4K 4.1K
                                    

Wakas

"BOBO ka ba?" my cousin started ranting when we got inside the car.

"Hindi, ikaw, bobo ka ba?" I fired back, may nang-aasar na ngiti.

She glared at me. I smirked at her. Pasigaw na siya para dambahin ako kaya mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at lumabas.

Sa pagsara ko ng pintuan ng kotse ay nakarinig ako ng kalabog. I burst out laughing when her head smacked on the window's glass. Nasapo niya ng noo at napasigaw.

"Buti nga!" I laughed, sticking my tongue out.

"Boplaks ka! I hate you!" she screamed exaggeratedly inside while knocking on the glass window.

Nakikita ko ang pagtakip ng driver ng tainga sa loob ng kotse dahil sa eksaheradang pinsan ko at mas napatawa na ako.

"Ano 'yan, Cap? Bakit mo na naman inaaway si Puso?" May tumapik sa balikat ko. It was Josh. He smiled.

"Josh! Josh!" Biglang bumukas ang bintana ng sasakyan at sumungaw si Heart.

"Hello." Josh smiled at her.

"Pakisapok nga iyang pinsan ko at—"

"Ang ingay," reklamo ko at tinapik ang kaibigan. "May kukunin lang ako sa room, nakalimutan ko 'yong bola sa practice."

"Sapukin mo, Josh—" Heart groaned pero ngumiwi ako sa kanya at doon na kami nagtagisan ng tingin na dalawa.

"Sa try-out ba, Cap?" tawa ni Josh sa tabi ko. Tumango ako.

"Oo, sandali, punta na ako at baka isarado na," I told him. "Kausapin mo muna 'yang pusong bobo na 'yan nang matahimik."

Heart was still ranting when I left them. Nasa labas na ang sasakyan nang maalala ko ang bolang gagamitin namin bukas para sa practice ng try-outs sa varsity kaya pinatigil ko ang sasakyan para kunin at kakagalitan ako ni coach. It's my responsibility. I, like what they've been saying, is considered to be the team's captain ball.

Shy nga ako noong una pero pinagpilitan nila na magandang ako ang captain kahit practice pa lang namin.

Hindi naman sa pagmamayabang pero bukod sa gwapo ako, may talent talaga ako sa basketball. Perfect combination, ika nga ng mga may crush sa akin.

Again, 'di sa pagmamayabang pero medyo marami ako n'yan...

Nadaanan ko ang palamig sa may labas ng university, gusto ko sanang pandan pero melon na lang ang natira at 'di man mahilig sa melon ay pwede na. Bumili ako bago pumasok sa school grounds para magtungo sa klasrum nang may makita akong grupo ng estudyanteng tumatakbo sa may gilid.

"Ayon, oh! Lia! May pogi!" I heard one of the girls say kaya napahawak ako sa dibdib.

Ay, ako?

"Talaga? Saan?" the paper white lady then answered, natigil ako habang nakatingin sa kanya, nakatagilid sila sa akin kaya hindi ako napapansin.

I saw only half of her face pero pansin kong siya ang pinakamaputi sa kanilang lahat at may bangs pa.

"Oo, doon! Tara!" the other girl said kaya ngumuso na ako kasi hindi pala ako 'yong pogi.

Malabo yata mata nila.

Para akong tanga pero nakatayo lang ako habang pinapanuod sila sa halip na pumasok para kunin ang bola, umiinom pa ng melon na parang nanunuod ng sine.

The girls with her ran, tumigil sila sa may sulok malapit sa kanal kaya nagtaka ako dahil pader naman iyon at walang pogi.

Hello? Mali kayo ng lingon? Nandito ang pogi!

Brave Hearts (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon