Kabanata 3
NAPABUNTONGHININGA ako habang nakatitig sa maliit na medicine organizer na hawak ko. May mga label iyon ng oras ng iinumin at ang pangalan ng mga gamot.
Nakakasawa rin minsan na kailangan kong i-monitor at inumin ito, minsan nga ay nasusuka na lang ako, pero kailangan ko talagang inumin. Ayaw ko namang mag-alala ang nanay ko sa akin.
Ginagawa niya ang lahat para buhayin ako, ayokong maging pabigat sa kanya. Kapag natapos akong mag-high school, gusto ko kumuha ng medicine-related course para matulungan ang sarili at ang nanay.
Kaming dalawa na lang ang magkasama, sino't magtutulungan kung hindi kami lang?
It was hard living like this, but I should be thankful because I was still alive. 'Yong iba nga, gustong-gustong mabuhay pero hindi na kinaya kahit ilang operations at pera ang naiwaldas, kaya ang swerte ko pa rin.
Ang swerte kong nagising pa rin ako sa panibagong umaga.
I would never tire of thanking the Almighty for waking me up for another day. It was such a blessing and a gift. Life was a gift kaya ang buhay, dapat iniingatan at minamahal.
"Lia, magandang umaga!" Napangiti ako nang makita ang pagsakay ni Ted sa tricycle.
"Magandang umaga,"
Umayos siya ng upo sa tabi ko, nilagay niya ang bag sa may hita.
"May klase?" he asked. I nodded.
"Oo, English Lit. Gusto ni ma'am mag-klase, e."
"Oh, foundation, ah?" natawa siya. "Sinong teacher ba sa inyo?"
"Si Ma'am Santos," sagot ko. Umawang ang labi niya at tumango.
"Ay, oo. Si Ma'am KJ."
Natawa ako at napailing. Ngumisi siya.
"KJ?" tanong ko, natatawa.
"Oo, no'ng naging teacher namin 'yan kahit foundation may klase!" he said. "Buti pa si Ma'am Aquino sa Math. Masungit daw 'yon dati pero maluwang na ngayon pagdating sa ganyan.
"Ayos lang naman, gusto ko nga iyong klase niya."
"Oh? Kahit foundation? Dapat nga nag-sasaya ka, e? Gala kayo sa mga booth kasama ang kaklase," aniya pero nagkibit-balikat lang ako.
"Wala naman akong nakakasama," tawa ko pa at umiling.
"Friends?" he asked pero maliit lang ako ngumiti at tumitig sa kamay ko.
"Wala," I said and looked at him. "Pero ayos lang, sanay naman akong ako lang."
Nakita ko ang paglambot ng mata niya, kumunot ang noo niya at handa nang magsalita pero pinutol ko kaagad.
"So...may laro ulit mamaya?" tanong ko at alam niyang ayaw ko sa topic kaya tumango siya.
"Oo, mamayang hapon. Ayusin muna namin ang booths ngayon."
Nanlaki ang mata ko at na-excite.
"T-talaga?" nang mautal ay tumikhim ako. "I mean...nando'n kayo sa booth ng grade eleven?"
"Oo," sagot niya. "Walang practice game ngayong umaga, pahinga muna sabi ni coach kaya ro'n muna kami sa mga booth ngayon. Bantay lang."
"Buong..." Lumunok pa ako. "Buong basketball team ba?"
"Oo," sagot niya at napangiti ako. "Masaya ka, ah?" biglang pansin niya kaya tumikhim ako at umiling.
"Wala lang, uh, anong oras ang game?"
"Alas kwatro ang basketball kaya hanggang alas dos siguro nasa may quadrangle lang din kami. Nando'n ka ba sa booth ng grade nine mamaya?"
I nodded. "Uh, after ng English Lit, pinayagan kasi kong maghanda lang ng palamig kaya..." Napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Brave Hearts (Published Under LIB)
Teen Fiction[Published Under LIB x Wattpad] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezides for years. When he finally looks her way and shows her that love isn't all rainbows...