Kabanata 8

62.3K 3K 1.8K
                                    

Kabanata 8

"AYAN kasi, Cap, sabi sa 'yo, don't get distracted in the court!" Namaywang si Josh. "Kapag laro lang, laro lang, 'wag titingin kung saan-saan!"

Nagpigil ako ng tawa sa litanya ni Josh habang nakatayo sa gilid ng kama kung nasaan si Atlas, si Heart ay humalukipkip lang at nakanguso.

"Gago, I didn't see the ball coming," Atlas hissed, sinuklay ang buhok ng daliri, bahagya pang tumungo kaya muli kong hinuli ang baba niya.

I tilted it a bit and our eyes met. I saw the embarrassment and blush staining his cheeks kaya ngumiti ako, muli kong idinikit ang compress para sa pasa niya sa may pisngi, may band aid pa ang ilong at may kaunting galos ang labi.

"Ayos ka lang?" tanong ko ang pinagmasdan ang pisngi niya, idinikit ko roon ang compress.

"No." He sighed and spoke a little too low, "Sobrang hiyang-hiyang-hiya na ako sa 'yo."

"Show the kids what you got pa more," hagalpak ni Heart kaya sabay kaming napalingon sa kanya. She bit her lip to stop her laugh no'ng siniko siya ni Josh.

"The kids in question be like: Hala, gago, 'yon na 'yon?" agap ni Josh.

Naghagalpakan sila at nag-apir. Tumitig lang ako sa kanila kaya natahimik at tumikhim.

"Oh, sorry, 'di na," ani Josh. May ngisi at tinaasan ako ng kilay.

Ngumuso ako, siguro akong mang-aasar na naman si Heart kaya ibinaling ko ang atensyon kay Atlas na mukhang may sama ng loob na kinikimkim, namumula pa siya.

Naawa ako.

"It's okay, hindi mo lang naman kasi nakita talaga ang bola," pag-aalo ko sa kanya.

"'Di ba, Lia?" He glanced at me hopefully. "'Di ko lang talaga napansin."

"Luh, nagpapa-baby si boplaks," ani Heart pero siniko siya ni Josh. Halos matawa na ako nang magsikuhan silang dalawa, mukhang mag-aaway na.

"Manahimik ka," baling ni Atlas kay Heart na umayos lang na tumayo at ngumisi.

"Aw, kawawa naman, right, Lia?" baling sa akin ni Heart kaya tumango ako at muling bumaling kay Atlas.

Sinuklay ko ang buhok niya nang marahan gamit ang daliri ko. I pushed it back a bit para hindi mahulog sa noo niya at mas makita ko ang mukha niya.

The try-outs resumed, pagkatapos dalhin si Atlas sa clinic ay nagpatuloy sila at si Ted na muna ang nag-aasikaso kasama si coach. I remembered how much laughter coach let out while we were on our way to clinic, halos magsakalan na sila ng bagnot na si Atlas dahil malakas itong mang-asar.

Bumukas ang pintuan ng clinic, napabaling kami roon ng sabay-sabay at nang bumukas ang kurtina kung nasaan kami ay nagitla pa ako nang makita ang ex ni Heart.

Umismid si Heart at napairap sa hangin habang sumulyap naman si Matt doon sa kanya bago bahagyang tumabi, kakausapin yata si Atlas.

"Cap," he called.

Atlas' hard expression shifted to a much colder one, masama at iritado ang mukha niya nang bumaling sa lalaki. "O?"

"Pinapasabi ni coach na magpahinga ka muna, tapusin mo na lang daw ang clearance mo after lunch at 'wag na sumali sa try-out," ani nito at nakita ko ang pagtama ng siko niya kay Heart na kunot na ang noo, parang ilang saglit ay sasabog na.

"Okay, wala naman akong balak bumalik doon," bagnot na sabi ni Atlas at muling inabot ang kamay ko para dalhin ang compress na hawak ko sa pisngi niya at muling idiniin sa pasa niya.

"Heart, can we talk?" Natigil lang ako bigla nang marinig iyon. Sumama ang mukha ni Atlas, mukhang magsasalita pero hinuli ko ang kamay niya at pinisil.

Brave Hearts (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon