[REVISED EDITION, 2024]
⋆˙⟡♡⟡⋆˙
Simula
"LIA, anak, ang bilin ko, ah?" Napangiti ako sa sinabi ni Nanay.
"Opo." Sinulyapan ko siya.
Nag-check muna siya kung kumpleto ang dala ko bago ibinigay sa 'kin. Kumaway ako.
"Manunuod ka lang, bawal tumakbo at sumali, naiintindihan mo?" pahabol niyang sigaw bago ako makaalis.
"Opo, Nay! Manunuod lang!"
"Ang gamot!" pahabol pa niya. Tumango ako at nag-thumbs-up.
Pinagmasdan niya akong papalayo at kumakaway ako umalis papunta sa nakaparadang traysikel na maghahatid sa 'kin sa eskwela.
"Amalia, magandang umaga!" bati ng suki kong driver.
"Magandang umaga po," bati ko bago pumasok.
"Sa Carig?" Dungaw niya sa 'kin. Tumango ako at nagpapuno kami saglit bago umandar.
Nakaupo ako malapit sa pintuan ng traysikel kaya kitang-kita ko ang matataas na puno ng niyog at mga puno ng Narra habang nasa biyahe, ang malamig at mabangong samyo ng hangin ay tumama sa mukha.
What a beautiful day.
Humugot ako ng hininga habang nakatitig sa daanan at marahang hinawakan ang dibdib kung nasaan ang aking puso. Napangiti ako bago marahang pumikit.
Panginoon, maraming salamat sa panibagong umaga. Salamat at buhay pa rin ako.
Nang marating ang eskwela ay nagbayad ako at nagtungo sa arch entrance papasok sa university.
Napangiti kaagad ako nang madatnang nagkakasiyahan ang mga tao, ang iba ay may hawak na mga banner at pom-poms para sa basketball game mamaya. Ang iba ay naghahanda para sa mga booth at ang iba ay sa ibang palaro.
Today is the foundation day, the most awaited program every year.
Ang araw na kung saan masaya ang lahat at walang iisiping aral. Once a year lang kaya kahit 'di man ako makasali sa events, masaya namang manuod.
"Uy, Amalia! Magandang umaga, hija!" bati ng guard pagkakita sa akin na kaagad kong nginisian.
"Magandang umaga po, Kuya Tonyo!" Kumaway ako sa kanya at tuluyan nang pumasok sa eskwela.
Humigpit ang hawak ko sa aking backpack nang makita ang mga cheerleaders na nag-eensayo sa kanilang routine.
Wearing a red and black ensemble uniform and in their high ponytails, sobrang nakakamangha sila. Matatangkad, magaganda, habulin ng juniors at kahit ng mga seniors at college.
Nakakainggit.
"Hoy, bawal bata rito!" Napunta ang tingin ko sa leader ng pep squad na nakangisi habang nakamasid.
"Gusto yata maging cheerleader," tawanan ng iba sa may bleachers at miski ang nagpa-practice ng routine ay napatigil para pagmasdan ako.
"Gusto mo sumali? Tara, Argueles!" sigaw ng isang senior, nakangisi. "Ikaw ang ihagis!"
I suddenly felt embarrassed. Napatungo ako at mas humigpit ang hawak sa backpack at suminghap.
"P-pasensya na po," mahinang sambit ko at mabilis na naglakad paalis.
I can hear their faint laughter kahit malayo na ako kaya napatungo na lang ako.
Nagtungo ako sa quadrangle at nakita ang mga booth na itinatayo ng iba't ibang batches simula sa grade seven hanggang sa senior high.
BINABASA MO ANG
Brave Hearts (Published Under LIB)
Teen Fiction[Published Under LIB x Wattpad] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezides for years. When he finally looks her way and shows her that love isn't all rainbows...