Kabanata 5
"NAY, daming pagkain, ah?" pansin ko nang makita ang pagkain sa hapag.
"Ah, kagabi pa 'yan, Lia," ngiti ni nanay at inabot ako. "Tira iyan sa kagabi na kinain natin, tara, Anak. Kain ka muna."
Ngumiti ako at tumango, naupo sa hapag habang si nanay ay naging abala sa pag-aayos ng mga pinggan.
"Kumusta sa school, Lia?"
"Ayos naman po." I smiled, thinking of what happened these days. "Foundation po ngayon sa amin kaya wala masyadong ginagawa. May mga basketball lang, booths, volleyball."
She nodded, nakangiting naglagay ng pagkain sa plato ako. "Masaya ka naman ba? Anong ginagawa mo? Naku, Amalia, ah, makipag-socialize ka sa mga kaklase mo. 'Wag ka palagi mag-library."
"Hmm." Nakagat ko ang labi roon. "Actually, Nay, may mga kaibigan na ako."
Naupo siya sa hapag at tumitig sa akin.
"Kinilatis mo ba, Anak?" she asked worriedly. "Ang huling mga naging kaibigan mo no'ng grade seven tinulak ka sa imburnal."
"Ayos lang ngayon, Nay." Natawa na ako roon. "Lumipat na rin naman 'yong bully na barkada no'ng grade seven. Mababait."
"Hmm, anong pangalan?" aniya at napangiti akong lalo.
"Hmm, Heart," sagot ko at maganang kinuha ang kutsara ko. "'Tsaka Atlas."
"Atlas?" biglang tanong niya kaya sumulyap ako at ngumiti, tumango.
"Opo, Nay. Montezides, 'yong anak po no'ng sa pamilya na pinagsa-sideline-an mo sa Peñablanca," sagot ko.
Natigilan siya, nakita kong napainom ng tubig kaya kumunot ang noo ko.
"Ayos lang kayo, Nay?" I asked.
Ngumiti siya at tumikhim, kinuha ang kutsara at nagsimulang kumain.
"Nay?" tawag ko.
"Oo naman, masaya lang ako may mga kaibigan ka," aniya pero nabakas ko ang iba sa tono niya. 'Di na lang ako nagtanong at tumango, maganang kumakain.
⋆˙⟡♡⟡⋆˙
EXCITED ako pagpasok sa university namin. Sa ibang gate ako dumaan dahil nagpadala si nanay sa akin ng ulam para sa clinic, kina nurse.
"Nurse!" masayang tawag ko. Abala siya't nag-aayos ng papel at nang makita ako'y kumaway.
"Hello, Lia! Maaga ka, ah?"
Naupo ako sa upuan sa harapan niya at binuksan ang backpack ko.
"Nurse, lunch n'yo, oh. Pinapadala po ni nanay," ngiti ko at inabot sa kanya ang Tupperware.
"Oh, salamat, Lia!" She smiled. "Makakatipid ako nito, 'di na ako bibili ng pagkain,"
"Walang anuman po, kunin ko na lang po 'yong Tupperware," bulong ko kaya mas napatawa siya't tumango.
"Oo naman, balikan mo mamaya. Alam mo naman ang mga nanay..."
"Tupperware is life po." Nagkatawanan kami. "Naalala ko no'ng 'di ko inuwi ang Tupperware dati, pinagalitan ako. Bilang niya iyon, e."
Napabungisngis ako nang i-kwento niya rin sa akin ang tungkol sa nanay niya na bilang ang Tupperware nila kaya halos kalahating oras ako roon bago pa dumating ang isang nagpapa-check-up kaya nagpaalam siyang paalis.
Wala kaming klase ngayon. Huling araw na ng foundation kaya malaya kaming mag-enjoy sa mga booth. Tapos na rin ang basketball at panalo ang university namin. May volleyball mamaya at kung kaya ay manunuod ako.
BINABASA MO ANG
Brave Hearts (Published Under LIB)
Teen Fiction[Published Under LIB x Wattpad] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezides for years. When he finally looks her way and shows her that love isn't all rainbows...