Kabanata 6
SHOULD I be honored na kasa-kasama ko ang crush ko o...matatawa na lang sa nangyayari sa aming dalawa?
Nakabantay ako sa labas ng banyo na parang sundalo. Good thing may banyo sa third floor na wala masyadong tao at abala ang lahat sa mga ganap sa ibaba.
I could still imagine how red Atlas was no'ng sinabi niyang tinatawag daw siya ni Mother Nature. It was very vivid! Siyempre, I was shocked, kaagad akong sumang-ayon, binilhan pa siya ng sabon at inabutan ng tabo at ngayong nakabantay ako sa labas ay 'tsaka ko lang naproseso at natatawa na.
I bit my lip, nakasara ang banyo at nasa loob siya pero na-i-imagine ko ang pagpula ng mukha niya habang hiyang-hiya. Nauutal pa nga siya kanina no'ng inabutan ko ng tabo.
"Oh, Argueles? Bakit nand'yan ka?"
Nagulat pa ako at halos mapatalon nang makita ang isa sa teacher namin.
"U-uh, g-good afternoon po." Maliit akong ngumiti.
"Good afternoon, anong ginagawa mo—"
"U-uh, wala naman, Ma'am." Hilaw pa akong ngumisi. "Ano lang po...um, may binabantayan."
"Huh?" Kumunot ang noo niya. "anong binabantayan—"
"'Yong Tupperware!" I said out loud. Nangunot ang noo niya.
"Huh? Bakit?"
"Um, I mean, n-nasa kaibigan ko po kasi sa s-senior ang Tupperware ni nanay kaya inaabangan ko lang po, ano para 'di ako pagalitan," I said.
"Oh, okay." Tumango siya pero nagmumukhang nagtataka pa rin. "Pero bakit sa banyo, hija? Pwede namang sa bench—"
"N-nababanyo na kasi 'ko, Ma'am." Wala na akong maisip na sabihin kung hindi iyon.
"Ah, I see..." She eyed me and nodded. "Bumaba ka na lang, hija, pagkatapos, ah? May program sa ibaba at bawal umakyat ang mga estudyante rito."
"O-opo." Lumunok ako. "Sige po."
Nang umalis siya at doon lang ako nagpakawala ng malalim na buntonghininga, napahawak pa ako sa dibdib at saktong pagbaba ng teacher ay siya ring pagbukas ng pinto at napatalon ako at sumulyap doon.
"Atlas...okay na?" I asked.
He swallowed painfully. Hindi ko makita nang buo ang katawan niya dahil nakadungaw lang siya sa maliit na siwang ng pinto.
"W-well, yeah." I heard his awkward laugh. "M-may dumaan ba?"
"Just a teacher," sagot ko at nakitang nanlaki ang mata niya.
"W-weh? Saan? Sino? Alam ba niyang na-jebs ako?" he asked, almost hysterical, kaya natawa ako at umiling.
"Hindi, 'di ko sinabi. Ayos lang, bumaba na rin naman. Tara na, okay ka na?"
Tumitig ako sa kanya, inaantay na lumabas na siya pero nanatiling mukha niya lang ang nakalitaw doon, tuod na ata.
"Labas ka na, bakit ka nagtatago r'yan?" tanong ko pero marahas lang siyang umiling at namula. "Atlas?" tawag ko ulit, nag-aalala na. "Masakit ba talaga ang tiyan mo? Punta tayo sa clinic—"
"L-layo ka kaunti sa 'kin, Lia," he stammered.
"Huh? Bakit naman?"
"S-sige na, ano, nahihiya kasi ako." Lumiit ang boses niya kaya suminghap ako at marahang umatras palayo.
"Ayos na ba 'to?" I asked. He slowly nodded. Bumukas ang pintuan at marahang lumabas na siya roon.
Gusto ko siyang lapitan para tulungan dahil nahirapan siya sa saklay niya pero nang maalalang nahihiya siya sa akin ay 'di ko na lang ginawa.
BINABASA MO ANG
Brave Hearts (Published Under LIB)
Teen Fiction[Published Under LIB x Wattpad] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezides for years. When he finally looks her way and shows her that love isn't all rainbows...