Kabanata 11
I spent my childhood in a hospital because of my condition. Na-delay ako sa aral. It was sad, pero noon ay mayro'n kaming ari-arian, just that kailangang isangla at ibenta nina nanay para makabayad sa hospital bills ko.
The doctor said I was suffering from Congenital Heart Disease, simula pa noong pinanganak ako. I got it from my mother who was also suffering from that. I just think she was stronger than me.
I was too weak as a child, dahilan din kaya 'di ako nakapag-aral kaagad. Nakalabas lang ako ng ospital no'ng sinabi ng doctor na kaya ko na raw, and luckily, nakaya ko nga.
Nga lang, I had rules to follow. Bawal ako mapagod, ma-stress at tumakbo, miski nga sa P.E. at C.A.T. 'di ako nakakasama dahil sa kondisyon ko. Madalas lang din akong nasa clinic kaya siguro wala rin akong nagiging kaibigan.
Well, sa tingin ko almost lahat ng ka-year level or upper batch ko alam na may sakit ako. Minsan nakakalungkot nga lang kasi gusto kong sumali sa kasiyahan nila pero ayaw nila ako ipasali at baka kapusin na naman ako ng hininga.
But anyway, despite that, masaya pa rin ako sa buhay ko.
Some people with terminal illnesses were begging for their lives, na gagawin nila ang lahat para mabuhay, kahit magkano. Surgery man o kung ano—kaya ang swerte ko, dahil kahit may sakit ako ay nagigising pa rin ako kada umaga. That was beautiful and I couldn't be any more thankful.
I smiled and touched my chest.
What a brave heart you have, Amalia.
Noong dumating ang pasukan, ang saya-saya ko. The time we spent in Peñablanca was one of a kind, I'd never been that happy. Ni minsan kasi ay 'di ko naisip na magkakaroon ako ng mga kaibigang kagaya nina Heart...'tsaka si Atlas...
Who would have thought na magiging bibi ko ang crush ko lang, right?
Atlas was really persistent. 'Di pa niya talaga ako nililigawan kasi nga 'di pa ako eighteen, pero palagi kaming nagkikita. Kapag kaya sa schedule ay sabay kaming kakain kasama ang barkada.
Yui was with us sometimes, may barkada din kasi siya rito. Isa pa, she was popular, a transferee from Manila. Boys and juniors looked up to her.
She was pretty famous too.
"Magandang umaga, Lia!" bati sa akin ni Kuya guard pagkalabas ko ng traysikel sa university.
"Magandang umaga po!" I smiled brightly and waved at him.
"Bumu-blooming ka lalo, hija, ah?" pansin niya kaya nanlaki ang mata ko, natawa at umiling.
"'Di naman po," tanggi ko, nahihiya.
"Asus! Sige na nga, pasok ka na. Ingat!"
"Ingat din po! Sana maganda ang araw n'yo!" bati ko bago tumalikod sa kanya at pumasok na sa mismong university namin.
Niyakap ko ang mga libro na kailangan ko ngayong araw para ibalik sa library. Kinuha ko ito dahil may research kami at ngayon ang schedule ko para maibalik ito.
Diretso ang tingin ko sa may gate, nakangiti pa, marahil siguro ay naroon si Atlas dahil nitong mga nakaraan ay palagi siyang nag-aantay d'yan para ihatid ako sa classroom.
Naalala ko no'ng una ay kunwaring 'di ko siya nakita pero deep inside, kinikilig na ako nang sobra.
Nagulat ako at hindi nakapag-react kaagad nang may kung anong humarang sa paa ko at natalisod. Huli na para matauhan dahil nadapa at nagkalat ang librong hawak ko.
Nanlaki ang mata ko, narinig ko ang tawanan at nang lingunin ko ang bench ay may grupo ng seniors na natatawa pa.
"Oh, Lia!" Yui covered her mouth. "Sorry, ikaw pala 'yan?"
BINABASA MO ANG
Brave Hearts (Published Under LIB)
Teen Fiction[Published Under LIB x Wattpad] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezides for years. When he finally looks her way and shows her that love isn't all rainbows...