Napatingin si Ivy sa buong paligid. Lahat na yata ng nakikita niya ngayon puro green. Well, maliban sa waiting shed, kalsada at sa lupa. Punong puno kase ng matatayog na puno at mga pananim ang buong lugar.
Medyo kabababa niya lang ng bus na sinakyan niya para makapunta sa lugar na ito and she's been waiting in the waiting for about 10 minutes now.
Di siya maka alis at maka pag tanong kasi di niya naman alam tong lugar na ito. Sandra's the one who arranged her vacation here at ang sabi pa nga nito ay may magsusundo sa kaniya dito.
She gasped when a strong wind blew up her long wavy hair all over her face. Mabilis niyang inayos ang buhok niya dahil baka may makakita pa sa kahihiyan niya.
"Miss Ivy Paladino?"
Mabilis siyang napalingon sa biglang tumawag sa kaniya. Heto na yata ang sundo niya.
"Ikaw po ba si Miss Ivy?" A grandma asked her again. Nasa late 50's na ata si Lola. May hawak pa nga itong tungkod para suportahan ang sarili.
Bakit isang Lolang mukhang pagod na pagod ang pinag sundo sa kaniya ni Sandy? The heck!"Opo, ako nga. Kayo po ba si Tesa Misalano?" Magalang ngunit alertong tanong niya.
Kahit naman matanda na ito ay hindi pa rin siya dapat basta bastang mag tiwala. Noong huli siyang nag tiwala sa isang estranghero ay napaka pait ng nangyari sa kaniya.
Kumunot ang noo ng Lola, "Tesa Misalano? Hindi. Ako si Teresita Milano. Mali ata ang impormasyong nalalaman mo Miss Ivy."
Napangiti ng magalang si Ivy dito. Sinadya niya talaga iyon. Kung sabihin nitong oo, siya si Tesa Misalano, malamang ay may balak na masama sa kaniya ang Lolang ito.
Kunyari ay nahihiya siyang nag kamot ng ulo, "Ah ganun po ba? Di kasi matalas ang memorya ko. Pasensya na po kayo, Lola."
"Oh eh ganun ba? Ako si Teresita Milano, ako ang susundo at maghahatid sayo sa titirahan mo. Huwag mong kakalimutan ha."
Napangiwi naman si Ivy, "Okay po."
Tumango ang Lola, "Oh siya, tara na't pumunta sa tutuluyan mo..."
Nagulat si Ivy nang yumuko ang matanda para kunin ang maleta niya.
"Lola!"
Mabilis na inilayo niya ang maleta niya para hindi ito maabot ng Lola, "Ako na po ang bahalang mag buhat sa bagahe ko, Lola."
"Naku! Miss Ivy mukha lang akong matanda at uugod ugod pero malakas pa ako!" Pagmamayabang ng matanda.
Hindi niya mapigilang mapa ngiti, "Kitang kita ko nga po Lola pero basta ako na po bahala dito."
"Kung iyan ang nais mo, Miss Ivy." Kibit balikat na sagot ng Lola at nag-lakad na sila papunta sa may lumang truck ng Lola.
BINABASA MO ANG
Father Aiden
RomanceAR. IVY PALADINO, a 27-year old beautiful woman with a grim past that hunts her all the time. As a result, her life was ruined for almost three years. She had done all kinds of vices: Smoking, alcohol addiction, having fun with different strangers e...